32% dapat bayaran ni Pacman sa panalo vs Rios sa Macau - - TopicsExpress



          

32% dapat bayaran ni Pacman sa panalo vs Rios sa Macau - BIR Hindi pa man nareresolba ang gusto sa P2.2 billion na hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kay Manny Pacquiao, nagbabala rin ang ahensiya sa babayarang buwis sa naging panalo ng Filipino ring icon kay Brandon Rios nitong nakalipas lamang na Linggo. Paalala ni BIR Commissioner Kim Henares, dapat magbayad umano si Pacman ng 32 percent sa buwis na kanyang kinita sa panalo sa Macau, China. Kung sakaling tatanggap nga ng $18 million na fight purse o premyo si Manny, dapat niyang bayaran ang P250 million na tax sa gobyerno ng Pilipinas. Paliwanag pa ng BIR chief, ang kinita ni Pacquiao ay dapat ding isama sa filing ng kanyang income return dahil kung hindi ay papatong patong umano ito sa dati niyang hindi nabayaran. Una nang iginiit ng congressman na nagbayad siya ng tamang buwis sa Amerika kaugnay sa taon na hinahabol ng BIR. Binanggit naman ni Pacman sa Bombo Radyo na sa pagtaya niya mahigit sa P100 milyon ang kanyang binayarang buwis sa Internal Revenue Service (IRS) ng Amerika noong mga panahong yon. Sinasabing ang tax deficiency ni Pacquiao ay bunsod ng kabiguan ng kaniyang mga accountants na kumuha ng multi-million dollar tax credits mula sa IRS para sa kaniyang income tax return (ITR). Bagamat sa Amerika kinita ni Manny ang kaniyang income, iginigiit ng BIR na sa ilalim ng batas, nararapat pa rin niya itong ideklara sa kaniyang ITR. Ayon na rin umano kay Pacquiao, kumita ito ng kabuuang $28 million sa kaniyang mga laban kay Juan Manuel Marquez, David Diaz at Oscar dela Hoya noong 2008 at Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009. Sa nasabing halaga, kinuha umano ng IRS sa Amerika ang $8.4 million o nasa P395 million habang nagbayad din ito ng Value-Added Tax (VAT) sa BIR na nagkakahalaga ng P12 million para sa kaniyang mga kinita sa mga product endorsements. Samantala kung maaalala ang bilyonaryong si Pacquiao at pinakamayaman sa mga congressman ay pang-36 sa listahan ng BIR noong 2012 sa mga top individual taxpayers sa buong bansa batay sa binayarang buwis sa gobyerno na umaabot sa P22.3 million.
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 01:37:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015