ALZHEIMER’S DISEASE: MGA KAALAMAN Ang Alzheimer’s Disease ay - TopicsExpress



          

ALZHEIMER’S DISEASE: MGA KAALAMAN Ang Alzheimer’s Disease ay isang karamdaman na nagdudulot sa pagiging malimutin, pagkalito, pagbabago ng ugali, at ibang sintomas, at kung lumala pa, ito’y nagdudulot din na kawalan ng kontrol sa katawan. Sa pangkasalukuyan, wala pang natutuklasan na lunas sa Alzheimer’s, bagamat may mga iba’t ibang gamot na inaaral para dito kabilang nga dito ang Transfer Factor. Ang pinaka-solusyon sa Alzheimer’s ay pag-aalaga at pag-aaruga, sapagkat mabigat ang pangangailangan ng isang may karamdamang ganito. Ito’y karaniwang nangyayari sa mga nakakatanda. Dahil dito, maraming naniniwala na ito’y katumbas na tinatawag natin na “ulyanin”. Subalit, hindi lahat ng tinatawag na “ulyanin” ay may Alzheimer’s. Ang pagiging ulyanin ay maaaring dulot ng katandaan bilang isang natural na kaganapan, at mga pagkakaron ng stroke ay isa ring maaaring sanhi nito – isang kondisyo na tinatawag na “vascular dementia”. Ang sanhi ng Alzheimer’s ay hindi pa lubos na naipapaliwanag. Wala paring lubos na maiugnay na mga maaaring konektado dito; karamihan ng mga kaso ng Alzheimer’s ay wala sa lahi at hindi masasabing “nasa dugo” o “nasa pamilya”.
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 08:37:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015