[ANG NAKARAAN] Hinahanap ko kaagad ang isa kong notebook kung - TopicsExpress



          

[ANG NAKARAAN] Hinahanap ko kaagad ang isa kong notebook kung saan ko drinowing ang mukha ni Francis at kung saan may mga naisulat ako tungkol sa kanya. Ngunit hindi ko mahanap ito. “Huhuhuhu! Iyon ang naibigay ko sa kanya!” Sigaw ko. --------------------- [2] email: getmybox@hotmail fb: getmybox@yahoo “O-huhuhuhu! Ano ba to? Mabibisto yung pinagsusulat ko dun.” Ang bulong ko sa sarili. “Hmpt! E, ano ngayon? Sa pagka-antipatiko ng lalaking iyon, hindi ko sya gusto ah! Engot! Tanga! Torpe! Kaya ko sya. Aawayin ko na naman iyon para di nya isipin na crush ko sya. Kapal nya ha. Di nya napansin ang beauty ko. Hmpt!” ang sigaw naman ng isang parte ng utak kong inaalipin ng matinding pride. Kinuha ko ang notebook nya at binuksan iyon. “Aba… ang ganda ng penmansip…” Binuklat ko pa ito at sa isang page, may sulat kamay na isang composition. Binasa ko ito: “Dear Trisha, I have thought about this for the past days and I have made up my mind: I call it quits. I told this to you a few times already but I never had the courage to really stand up to it. This time, it is final. It was not easy on my part to come up with this decision because as you know, you mean so much to me… Unbearable as it may be, I have resigned to the fact that we are not meant for each other, and the only way out is letting go. I do this with a heavy heart and a deep feeling of devastation. I can’t thank you enough for all the things oyu have done. All I can say is that the relationship we’ve shared was more than I could bargain for. I am sorry for the all the misunderstanding, the mess, and the pains. I am sorry for the harsh words and things said and done. I have enrolled in another school. This is to keep me away from the things that remind me of you, and to give myself a time to grieve, to collect myself, and to heal. After this, I will try to keep my silence… until the pain is gone and I can smile again, maybe look back and tell myself how stupid I was… you will be the first to know. I got to go. My heart is laden with pain and uncertainty for the future but I want to smile for you and wish you all the best. I hope you would wish the same thing to me too, especially, love. Thank you for your friendship. Thank you for the time spent with me. Thank you for your understanding and thoughtfulness, Thank you for the memories and the things we shared. Thank oyu for your love. I will keep all these in my heart. Until the next time, when our paths cross once more. With all my love – Francis.” Nung mabasa ko iyon, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Tila bumalik-balik na naman sa isip ko ang ngangyari din sa akin ng boyfriend ko, ang paghiwalay namin, ang panloloko nya… “O my God, ansakit-sakit! Tumagos sa buto ko ang mga isinulat nya. Kawawa pala ang taong to. Kaya pala nung Makita ko sya sa library ay parang napakaliungkot nya. Ganyan pala sya” Ang nasambit ko sa sarili. At pakiramdam ko sa nabasa kong sulat, lalong lumalim ang pagkainterest ko sa kanya. “Hmmm. In fairness, ganda ring magsulat ng lolo mo ha. Nakaka-in love!” ang paghanga ko naman sa sulat na ginawa nya. “Hindi! Hindi ako dapat magpaalipin sa naramdaman ko sa kanya. At wag akong tatanga-tanga sa mga ganyang klaseng lalaki! Lahat sila manloloko!” ang sigaw naman ng isang parte ng utak ko. Kinabukasan, inaabangan ko talaga sya sa library. At hindi ako nabigo dahil sa pagupo ng pag-upo ko pa lang sa dati ko pa ring inuupuan, ay sya naman ang pagpasok nya. Aba… umupo din sa dati nyang inupuan! Ngunit dahil may iba na ring mga estudyanteng nakaharang kaya di kami diretsong magkatinginan. Ayan na naman, lakas na naman ang kabog ng dibdib ko. “Ano ba to? Gusto ko na syang sugurin pero di ko magawa! At ang honghang, ni hindi na naman ako pinansin. Nakakainis talaga ang taong ito. Di man lang inisip na nandun sa kanya ang notebook ko. Gusto pa yatang ako ang magmakaawa sa kanya, Sineswerte sya.” So basa kunyari, basa at sulyap na naman sa kanya. “Ano ba to, naku-kyutan na ako sa iyo ha, bakit ba torpe ka! Ah… hahanap ako talaga ng tyempo, baka maabutan pa ako sa pag-alis ng loko, e di ko na makuha pa yung notebook ko!” Tamang-tama namang tumayo sya, tinungo ang shelf upang kukuha ng libro kaya dating gawi, tumayo ako at dali-daling tinungo, kunyari kukunin ko ang isang libro at isinagi ko na naman ang sarili ko sa kanya. Laglag ang librong kinuha nya sa shelf. “Oppsss!” sabi nya. Kunyari shocked ako. Tiningnan sya. “Ikaw na naman!” “Ay… ikaw pala. Sorry.” “Anong sorry ka jan! Nananadya ka yata ah!” “Hindi ah! Di ko talaga alam na jan din ang punta mo. Di nga kita napansin eh.” “O sya, sya…. Ang notebook kop ala, nasa iyo, akin na!” ang pasigaw kong sabi. “Oo nga pala… Balak ko talagang isoli sa iyo yun nung mapansin kong hindi sa akin ang naibigay mo sa araw ding iyon. Kaso, ambilis mong maglakad eh. Para kang kabayong nagtatakbo eh.” Sabay ngiti. “Aba! At anong ibig mong sabihin? Mukha akong kabayo?” “Hindi, yung takbo mo, ambilis kasi!” “Whatever! Akin na yung notebook ko!” At agad naman niyang tinungo ang mesa kung saan nakalagay ang mga gamit nya. “Heto o!” sabay abot nun sa akin. Nung tinanggap ko, “Hindi mo binasa ang laman nito ha?” Ngiti lang ang isinagot nya. “Hoy! Tinanong kita, binasa mo ba?” “Konti. Ang galing mo palang magdrowing.” “Hoy! Hindi ikaw yung drinowing ko jan ah!” “Wala naman akong sinabi ah. Pero ang ganda talaga ng pagka-drawing. Kuhang-kuha lahat ng parte ng mukha eh, pati buhok…” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. “Heh! Baka isipin mo ikaw yun. Tsura neto! Sino pa ang nakakita nito?” “Girlfriend ko!” Lumaki naman ang mga mata ko sa pagkagulat, di inaasahan ang narinig, taliwas sa nabasa ko dun sa notebook nya na hiwalayan nila ng girlfriend nya. At pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat patungo sa ulo. “Haaaa?!!! May girlfriend ka?” Hindi sya sumagot, tiningnan lang ako. Sa nakita kong reaksyon di ko lubos maintindihan ang naramdaman. Pagkadismaya, lungkot na meron pala syang girlfriend, galit sa kasinungalingan nya. “Kayo talagang mga lalaki! Manloloko!” ang pasigaw kong sabi sabay talikod, nagdadabog. “Walang ibang babae ang crush mo.” pahabol nyang mahina ang pagkasabi, sinadyang hindi iparinig. Ngunit narinig ko iyon. Bigla akong napalingon at nakita ang agarang pagyuko nya na parang niloloko lang ako dahil dun sa sinulat ko sa notebook. Bumalik ako sa kinaroroonan nya“Tse! Sinungaling! At hoy! Wala akong crush at kung meron man, hindi ikaw yun! Hmpt!” At dali-dali ulet akong tumalikod. Unang tagpo namin ng klase ko sa English 2 nung hindi ko inaasahang papasok din dun si Francis. “Wah! Kaklase ko sya sa subject na to?” sambit ko sa sarili. Tapus na kaming magself-introduce nung sinimulan na ng guro namin ang klase. Syempre, may review questions sya tungkol sa mga pinag-aralan namin sa English 1. “What is a noun?” tanong ni Prof. Galvez. Walang tumaas ng kamay kaya’t ako na ang sumagot, “A noun is a name of person, place, or thing.” “Good! Sabin g professor. How about a pronoun?” Wala pa ring tumaas ng kamay kaya ako na naman ang sumagot, “A pronoun is a word that takes the place of a noun” “Adjective?” Wala pa ring tumaas ng kamay kaya’t ako ulet, “… a word that describes or modifies a noun, and a pronoun” “Verb?” Wala pa ring tumaas ng kamay. Ewan ko ba kung bakit ayaw magsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko kaya hanggang ang interjection ay ako pa rin ang sumagot. “Chicken!” sabi ko sa sarili. Syempre, proud na proud naman ako sa sarili at kada comment ng “very good” ng professor, sinusulyapan ko naman si Francis, tila hinahamon at sinasabing, “O, e di wala kang maisagot no?” habang si Francis naman ay di natitinag, titingin lang sa akin, at yuyuko na, na para bang napakalalim ng iniisip. Hanggang sa dumating ang question ng professor na, “There are three types of verbals – the infinitive, the participle, and the gerund. As you know, many verbals in the present participle also end in –ing like the verbal gerund. My question now is: How would you differentiate a verbal participle from a verbal gerund?” “Waahhhh!” sabi ko sa sarili. “Di ko alam iyon” Kaya yumuko na lang ako upang wag nang tatawagin pa ng professor. Ngunit tinawag ulet ako ng professor. “Miss Carmen Flores? Would you like to answer?” Nag-aalangan man, tumayo pa rin ako. “Errr… both are verbs in form but are not really verbs?” “You are correct, Miss flores. But you did not answer my question.” Napangiwi nalang ako at dahan-dahang umupu, hindi na magawa pang tumingin sa kinaroroonan ni francis. Marahil ay sa pagkainis na walang sumagot sa tanong, kitang-kita na sa mukha ng professor ang pagka-inis. “If no one will answer that question, I will not proceed with our lesson and I will remain seated here. You should know how to answer that question. It’s being discussed on your English 1 subject.” At umupu nga ang professor. Nagbabasa ng libro at pinabayaan kaming mag-isip. Wala pa ring nagtaas ng kamay. “One one will still try?” Nagtawag sy ng iba’t-ibang mga pangalan ngunit wala pa ringsumagot at ang iba ay talagang walang maisasagot. Si Francis naman ay tila walang pakialam, napakalalim pa rin ng iniisip. Marahil ay napansin ang katahimikan namin at ang di pag move ng klase, bigla syang nagtaas sya ng kamay. “Yes, Mr. Villamor?” pag acknowledge ng professor sa kanya. Tumayo si Francis. “Can you please repeat the question professor?” ang sabi niya. “As I was saying, “There are three types of verbals – the infinitive, the participle, and the gerund. As you know, many verbals in the present participle also end in –ing like the verbal gerund. My question now is: How would you differentiate a verbal participle, from a verbal gerund?” Bahagyang nag-isip si Francis. “The verbal present participle is used as a modifier in a sentence while the gerund is used as noun…?” tila di sigurado sa sinasabi “U-hum?” Tatango-tango naman ang professor. “Ok, can you give me an example of what you are saying, Mr. Villamor?” Pumunta ng blackboard si Francis at isinulat – “1. The playing coach lodged a complaint against the referee” “2. I like playing” “So… where is the verbal participle and where is the verbal gerund in those two sentences?” “In the first sentence, ‘playing’ is the verbal participle, modifying the noun coach, while in sentence number 2, ‘playing’ is a noun used as a direct object of the verb ‘like’.” “Hmmm, very impressive!” sabi ng professor na kitang-kita sa mukha ang paghanga. Palakpakan naman ang mga kaklase syempre, siya ang nagging tagapagligtas ng klase. “You should say thank you to Mr. Villamor. He saved your butts!” ang patawa naman ng professor habang ipinagpatuloy na ang pagka-klase. Pero sa ipinapakitang galing ni Francis, lalo naman akong nainis… [3] Simula nun ay naging sentro na ng attention si Francis hindi lang sa English class namin kungdi sa buong campus. Di lang daw matalino, kungdi mabait na, at gwapo pa. At marami ding nagka-gusto sa kanya. Kumbaga, campus crush. Nag iba, tawag sa kanya ay “my hero”. Kaya lalo akong naiinis kasi kung dati ako ang hinahangaan ng marami, pakiramdam ko, out of place na ako. At hindi lang iyan, sobrang inis ko din sa kanya dahil sa hindi nya pagpansin sa akin, sa beauty ko ba namang ito, syeeet nya! Hmpt! (Lakas ng tama ko ha – lol!). At isa din sa nakakainis ay yung nalaman kong may girlfriend pala sya samantalang may nabasa akong hiwalayan na sulat. Ibig sabihin, sinungaling talaga sya. Naiinis din ako kapag may mga babaeng lumalapit o nagpapa-cute sa kanya. Ewan ko ba kung bakit naramdaman ko iyan, hindi ko naman kaanu-anu ang taong yan. At, wag ka, gustong-gusto din naman ng honghang yung may nagpapa-cute sa kanya. Kumukulo ang dugo ko talaga pag ganyan. Kaya kapag nagkasalubong kami nyan sa lobby o kahit saan man, sinisimangutan ko iyan at kapag nasa malapit na, iirapan sabay parinig, “Hmpt!” Marahil sa loob-loob ay nagtatanung din sya kung bakit ganun nalang ako ka antipatika sa kanya. Pero, wala na akong pakialam. Ewan ko ba kung bakit ganyan nalang ang galit ko sa kanya. O, ewan ko rin ba kung ang naramdaman ko ay talagang galit na masabi. Naguguluhan ako. May mga pagkakataon din kasi na naaawa ako sa kanya, lalo na kapang nakita ko syang malalim ang iniisip, nag-iisa, at nagmumuni-muni na tila pasan ang lahat ng kalungkutan ng buong sanlibutan. Minsan din, hindi ko maiwasang magtanung sa sarili kung ano ba talaga ang drama ng taong yan. At syempre, yung kilig ding nararamdaman ko... grabe. Yun bang kapag nanjan sya, anlakas ng kabog ng dibdib ko, di mapakali, nanlalamig, lalo na kapag ganyang naka-jeans at body-fit na shirt, nakangiti, kitang-kita ang dalawang dimples sa pisngi… Wow! Heaven talaga. Diyos ko po, parang na-eelectric chair ako… Ngunit kapag nanjan na sya sa harap ko at nakikitang di ako napansin o may ibang mga babaeng pumuporma sa kanya, parang gusto ko din syang sakalin, pagsampalsampalin, sambunutan, sigawan o pagalitan, “Hoy! Engot! Torpe! Tanga! Nandito lang sa harap mo ang pinaka-byutipol sa lahat. Hayyyyyyyy…!” Ewan! Ewan! Ewan! Di ko lubos maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya, Kaya lalo tuloy akong naiinis – sa sarili at sa kanya; pagkainis na hindi mabura-bura sa isipan ko. Anyway, may mga isang buwan ang nakalipas simula nung magkapalit ang notebook namin. Ang buong akala ko ay naisauli ko na ang notebook nya dahil sa nasa akin na ang notebook ko. Ngunit nung may isang gabing nagbubuklat ako ng mga notes ko, napansin ko ang notebook ni Francis kung saan ko na basa iyong sulat nyang pakikipaghiwalayan sa girlfriend nya. “Oo nga pala, notebook ko lang ang naisoli nya ngunit di ko pala naibigay sa kanya ang notebook nya!” sa isip ko. Kinuha ko ito at binuklat, binasa ulet ang sulat nya sa girlfriend at muli na namang gumapang ang awa ko sa kanya. Nung tiningnan ko ang likod ng cover nito, nakita kong nakasulat pala dito ang home address, email address at YM, at cp number nya. Nagdadalawang isip ako sa gagawin – kung isosoli ba sa kanya ang notebook o hayaan nalang na kunin iyon sa akin. “Ah… bahala syang lumapit sa akin at hanapin iyon, ano!” ang sabi naman ng utak ko. Pero malakas din ang kutob ko na nalimutan na nya iyon kaya hindi na nya kinuha pa sa akin. “Ok, e di souvenir ko nalang to sa katangahan nya!” ang sambit ko. So, hinayaan ko na lang iyon sa ibabaw ng mesa ko. Ngunit may nabuo akong plano. Mejo nagdadalawang isip din ako sa gagawin kong iyon pero dahil siguro sa umaalipin pa rin sa utak ko ang sobrang pagka-interes sa pagkatao nya, pursigido pa rin akong itutuloy ito, natatawa man sa sarili sa kabulastugang plano. Kinabukasan, nagbukas ako ng isang bogus na account at nung mabuo iyon, ininvite ko kaagad si Francis at nagiiwan ng message sa kanya, “Hey! Can you be my friend? I will be online tomorrow at 5pm. I hope you’d like to chat with me.” Excited ako sa pagdating ng kinabukasan. Alas 4 pa lamang ay nandun na ako sa internet café. Ngunit alas 5 na at wala pa ring sagot ang message ko sa kanya. Nawalan na ako ng pag-asa at nakipag-chat na lang sa mga friends kong naka-online gamit naman ang tunay kong account. Mag aalas 6 na iyon at uuwi na sana ako nung maisipang buksan ang bogus na account ko. Aba, may reply ang hinayupak. “Hey! Tks for keeping in touch! Sorry I just opened my account now and I saw your message. If you’re still online now…?” Dali-dali ko kaagad sinagot, di magkamayaw sa sobrang magkahalong kaba at sobrang excitement sa pagsagot nya. “I’m still online. So musta naman jan?” “Ok naman, ikaw?” message nya. “Eeeeeeeeeeeeeeeeee!” Sigaw ko sa sarili sa sobrang kilig. “Ok din ako…” sagot ko sa message nya. “Panu mo pala nalaman ang YM ko?” tanong nya. Tila binatukan naman ako sa nabasa, natuliro, nag-isip muna kung panu sasagot. “May nagbigay lang…” ang naitype ko. “Ah, ok. So, anong atin?” message ulet nya na mistulang naiinip o gusto nang mag-out. “Panu ba to, di ko alam anong topic… wag mong i-cut! Wag mong i-cut!” sigaw ng utak ko. Type ulet ako, “Wala lang, gusto ko lang may ka-chat…” “Ah, ok. Maitanong ko lang, lalaki ka ba o babae?” Napakamot ako sa ulo. Sasagutin ko sanang babae ngunit iniisip ko na baka mdaling mabuking ako kaya, “Lalake…” ang isinagot ko. “A ok, nice! Kasi ba naman wala pa akong masyadong kaibigan pa sa skul. Siguro naman, schoolmate tayo. Ano nga pala name mo pare? Pare na tawagan naten ha?” “Abahhhh! Sa ganda kong ito, pina-pare pare pa ako! Tanga talaga. Hmpt!” tawa ko sa sarili na parang mababaliw na sa pigil na pagtatawa. “Cris, pare!” sagot ko. “Naglalaro ka ba ng basketball pare?” “Hehehe! Basketball pa talaga. Wala akong kaalam-alam jan noh!” sa sarili ko lang. “Hindi pare. Skul lang ako tas nuod basketball?” “Ah, sayang. Kasi, basketball talaga ang buhay ko pare eh. Varsity player ako sa dati kong skul.” “Talaga! Wow! Sang skul ka nga pala dati pare?” “Siliman U, pare” “Di ba UP din yan?” “Palagay ko… lol!” pabiro nya. “Sus! Kaya pala ang tali-talino neto” sa sarili ko lang. “Waaah! Astig! Bat ka lumipat pare?” “Dahil sa babae, pare. Sobrang mahal ko yung girlfriend ko tas nalaman ko na lang na niloko lang pala ako. Nalaman ko na lang nung mabuntis na at iba pala ang ama… sobrang sakit. Ininvite pa talaga ako sa kasal nila. Nag attend naman ako na parang utu-utu. Parang ilang beses pinunit ang puso ko pare, grabe. Kaya lumipat na lang ako ng skul para makalimot.” “Ouchhhh!” sigaw ng utak ko, tinablan na naman ng awa sa kanya. “Totoo pala ang sulat nyang iyon” “Eyyy… jan ka pa ba?” tanong nya nung di ako nakasagot kaagad sa message nya. “Nandito pa pare. Sorry sa tanong ko ha…” “Ok lang pare…” “Kala ko ba, sa hitsura mong iyan, di ka mamomroblema sa babae…” “Hehe. Kaw naman. Wala naman sa hitsura yun, pare. Pagmamahal ang pinag-usapan dito. Hirap palang magtiwala… at ibuhos lahat ng pagmamahal. I’ve learned my lesson.” “Kaya pala may time na nakikita kitang sobrang lungkot…” “Tama ka, pareng Cris. Mejo nahirapan pa akong maka move on” “Di bale, siguro talagang di kayo para sa isa’t-isa” “Marahil nga pareng Cris. Tks sa advice.” Natuwa naman ako sa pagpapasalamat nya. “Pare, maiba ako, sigurado ka bang wala kang girlfriend sa ngayon? Sa hitsura mong iyan?” paniniguro ko dahil nga sa sinabi nyang nakita ng girlfriend nya ang drowing ko. “Sigurado pare…” Ramdam ko naman ang paglulundag ng puso ko sa narinig. “E… wala ka namang crush sa skul natin ngayon pare?” ang tanong kong tila may kumiliti sa kili-kili sa sobrang pagkikilig. “Meron din pare, pero ayaw ko muna. Hindi pa ako handa.” “Ano ba yan? Wala namang kabuhay-buhay ang sagot?” pagmamaktol ng utak ko. Gusto ko kasing marinig sana kung may crush sya sa akin. “Heto magandang tanong” dugtung ng isipan ko at itinype na ang - “Wala ka namang napansing may nagka-crush sa iyo sa skul?” “Lol!!” ang sagot lang nya. “Syeet! Ayaw mo talagang ibigay ha?” sigaw ko ulet sa sarili. Heto – “Kilala mo ba si Carmen Flores?” “Yun ba yung man-hater?” ang sagot nya. “Abah! Man-hater pa talaga ako ha!” pagmamaktol ko ulet. “Bat mo naman nasabing man-hater yun pare?” tanong ko. “E, di ba galit yun sa lalaki? At ang taray-taray pa kaya nun, pare. Ilang beses na nga akong nakatikim sa bagsik ng taray nun e! Alam mo ba nung una pa lang kaming magka-engkwentro nyan? Nagkabangga kami at nalaglag ang mga notebooks at libro nya. Dahil naghanap nga ako ng kaibigan, inisip ko na kaibiganin sya. Sinadya kong kunyari nagkamali akong isama ang notebook ko sa mga gamit nya upang habulin sya at dun na, tatanungin ko na ang pangalan nya, cp number, address, etc. Aba, e hindi pa nga ako naka-porma, tinarayan ba naman ako. Kesyo daw style ng mga lalaki, pa gentleman-gentleman tas tatanungin ang pangalan, ang cp number, ang address ng babae at bibiktimahin na. Pare, badtrip! Panu nya nalaman yun? Di ko pa nga nagawa eh, alam na kaagad? Kamag-anak yata ni Madam Auring ang babaeng yan eh!” Di ko napigilan ang paghalakhak sa nabasa na tila malaglag na ako sa kinauupuan. “Hindi naman siguro pare. Mabait yun. Baka na-love at first sight ka lang sya kaya mo nasabing mataray sya.” ang pagdepensa ko naman sa sarili. “Love at first sight? Lol! Wala pare. Bad trip nga eh. At alam ko, kaya ako tinatarayan nun ay dahil sya itong may crush sa akin at di ko sya pinapansin” “Awts! Ansakit nun ha!” ang nasambit ko sa sarili. “Panu mo nasabing crush ka nun?” “Sa tingin pa lang ng babae pare, alam ko na. Malagkit eh! At may mga tila stardusts pang kumikinang-kinang sa kanyang mga mata. Kunyari lang yung galit pero nababasa ko pare, merong kilig yun.” Ramdam ko ang unti-unti na namang paggapang ng magkahalong galit at hiya sa kalamnan ko. “G-ganun?” sigaw ng utak ko. At yun din ang nai-type kong sagut. “Ganun yan pare. Dalawa lang ang alam kong rason kung bakit nagagalit ang babae sa lalaki. Either may pagtingin sya at di pinapansin, o may menstruation – lol! At di naman siguro linggo-linggo may menstruation yun no?” ang pabiro nya. “Äbabababaaaa. May kayabangan din pala ang taong to ah!” sigaw ng utak ko. “May iba ka pa bang pruweba kung bakit mo nasabing may crush yun sa iyo?” tanung ko ulet. “Una, ang notebook nya pare… na sinadya ko lang namang magkamaling i-swap nung magkabangga kami. Una ko kasing napansin sa library pa lang, na tingin na ng tingin sya sa akin at tila nagdo-drowing. At di nga ako nagkamali pare. Nakita ko mismo sa notebook nya na drinowing nya ang mukha ko! At alam mo, kuhang-kuha pati ang nunal ko sa kaliwang pisngi. Ang galing palang mag-drowing nyan! Bilib ako. At may mga tanung pa sya dun tungkol sa akin. At pangalawang pruweba, yung notebook ko naman, nasa kanya pa, hindi isinosoli. Bakit? Siguro, gusto nyang gawing souvenir iyon…” Pakiwari ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa ulo sa galit ko sa narinig. “Arrrgggggghhhhh!” ang sambit ng utak ko. [4] “Punyeta talaga ang lalaking to! Talagang lumalabas ang pagka-hustler!” sigaw ng utak ko. “Pare, nanjan ka pa?” Message nya ulet nung di ako nakasagot kaagad. “Dito pa pare… baka naman talagang hobby nya ang magdrowing, pare. Atsaka yung notebook mo sa kanya, baka din nakalimutan lang.” pagdepensa ko ulet sa sarili. “Hmm… marahil din. Teka, para yatang denedepensahan mo sya ah, duda na ako nyan.” Kinabahan naman ako sa nabasa iniisip na baka napansin nyang ako si Carmen. “Panung duda?” ang padabog kong type sa keyboard. “Na baka kaibigan mo sya, o kaya nanliligaw ka dun” “Tanga talaga! Panu ko liligawan ang sarili ko?” bulong ko sa sarili. “Di ah! Sobrang ganda kaya nun para ligawan ko” loko ko naman, nanghikayat na mag-react sya sa sinabi kong “maganda” ako. “A… ok.” “Abah! Walang affirmation na maganda talaga akoh! Josh koh, talagang aatakehin ako ng high cholesterol at high blood sugar nitong taong to! Grrrrr! Makalayas na nga! Niinis na ako sobra!” Sa sarili ko lang. “Pare, off muna ako ha? May gagawin pa ako.” Ang message ko. “Ok pare. At magkita nalang kaya tayo sa skul para may kaibigan na ako dun?” “Honghang!” sigaw ko. “E… next time na pare. Got to go…” ang message ko nalang. “So chat ulet tayo pare?” “Tingnan ko pare.” At yun… natapus ang chat namin na lalong tumitindi ang galit ko sa kanya. “Lokong tao talaga yun? Naisahan pala ako? Souvenir pala ha!” pagmamaktol ko sa nalamang pinaghihinalaan pala nya ang di ko pagsoli sa notebook nya. “Pwes bukas na bukas, isosoli ko sa iyo ang lecheng notebook na yan!” At dinala ko nga sa skul kinabukasan ang notebook nya. Nung pumasok na ako ng library at nakitang nakaupo sya sa isang mesa, nilapitan ko kaagad sabay hagis ng notebook sa harap nya. Sa pagkabigla, di na nya makuhang magsalita. Tiningnan lang ako, ang bibig ay nakabuka. Napatingin naman sa amin ang mga estudyanteng nandun. “Yan ang notebook mo! At hoy, Mr. Mayabang, baka isipin mong hindi ko isinoli kaagad yan dahil sa gusto kong gawing souvenir. Hindi! Hindi ako nag-iilusyon sa mga bagay na galing sa mayayabang, sinungaling, at engot na kagaya mo! Wala akong pinakialaman jan, wala akong binaklas jan, kumpleto lahat ang mga pahina jan. Pati mga original na alikabok na galing sa pa sa alikabuking kalye patungo sa bahay nyo, nanjan pa rin silang lahat, inisa-isa ko talagang i-preserve para di mo masabing may kinuha akong souvenir sa iyo!” Bakat sa mukha ni Francis ang pagkalito at pagkahiya hindi malaman ang gagawin habang nakatayo ako sa harap nya, tinatalakan sya, at ang mata ng mga estudyante ay nakatutuk sa kinaroroonan namin. “At kung iniisip mo na hahabol-habulin kita, nagkamali ka! Hindi kita type at hindi ako maaaring magkakagusto sa isang katulad mo! Tsura neto! Mas gugustuhin ko pa ang alagang unggoy sa kapitbahay namin kesa iyo noh!” Marahil ay di na mapigilan ang sarili, nagsalita na rin sya pero kalmante. “Sandali… ano ba ang problema mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama o sinasabi tungkol sa iyo ah…” “Yan ang akala mo! Mag-isip-isip ka nga kung ano ang nagawa mo sa akin? Di ba matalino kang tao? Gamitin mo ang utak mo!” at sabay talikod, naiwan si Francis na lalong naguguluhan, tila natulala sa huli kong sinabi. Tila may kaunti namang feeling panalo akong naramdaman. Syempre, dahil dun sa huling sinabi ko, mag-iisip sya o kaya magtatanong kung ano ba talaga ang nagawa nyang di maganda sa akin. Dahil sa tila di ko na rin kayang isarili ang naramdaman, naibunyag ko rin ito sa kaibigang si Ann. “Ewan ko ba talaga, Ann, naiinis ako sa kanya, tas minsan naaawa din… Wala namang ginawa sa akin yung tao.” “Eeeeeeeeeeeeeeee!” Ang sigaw ni Ann na kinikilig nung malaman na si Francis ang problema ko. “Alam mo fwend, crush ko rin sha pero tila mas matindi yang naramdaman mo kaya’t sa iyo na sha!” sabay tawa naman. “Hah! Anong mas matindi?” “Lahat ng mga sinasabi mo, simtomas ng isang sakit na delikado, nakakamatay!” “Ha? Anong sakit? Kakatakot ka ha.” “Sakit sa puso! Eeeeeeee!” ang sigaw na naman nyang kinikilig. “Naghahanap yan ng ka-puso, na maging ka-pamilya din sa bandang huli.” Dugtong nyang patawa. “Hoy ikaw ha, OA ka. Ano ako, TV channel? Ayusin mo nga salita mo? Seryoso ako.” “Umiibig ka fwend… Love is in the air. Naaamoy ko.” Nabigla naman ako sa casual na pagkasabi ni Ann sa salitang pag-ibig, lumaki ang mga mata, napatakip ng bibig. “O, shut up!” “Heh! May pa shut-up-shut-up ka pa jan. Face the truth. Nasa matinding state of denial ka lang. Side effect yan sa matinding sakit mo ngayon.” “Hah! E… ano ang gagawin ko?” “E, di kaibiganin mo sya, maghanap ka ng paraan.” Sabay bitiw ng nakakalokang ngiti. Naintriga naman ako sa inasta nya. “No way!” ang sigaw ko. “E, di magdusa ka kung ganun. Madali lang naman kung gusto mo syang kaibiganin eh. Pwedeng sa santong dasalan pwede ring santong paspasan. Pero I advise, paspasan na, mahirap na kung maunahan ka pa, nagpipilahan na yata yung iba!” “Hahaha! Pilahan pa talaga. Ano yun, NFA rice?” At ano naman yung paspasan?” “Kunyari, habang nanjan sya sa tabi mo, bigla kang himatayin at matumba ka kunyari sa direksyon nya. Sigurado sasaluhin ka nun.” “Ay hindi mangyari yan. Hayaan nya akong babagsak sa semento!” “O di wag kang gumalaw kung nabagsak ka na sa samento at hayaang dumugo ng dumugo ang bungo mo, grabe naman kung di ka pa nya pansinin” “Sus! Tatakbo yun upang di mapagsusupetsahang sya ang dahilan ng pagkamatay ko! Ano ba? Kailangan ba talagang magpakamatay ako para sa taong yan?” ang naiinis kong sigaw. “O di ganito nalang. Kakain ka ng kendi sa harap nya, ingayan mo lang at kapag tumingin na sya, sadyain mong tanggalin ang kendi sa bibig mo kagatin iyon upang mahati at iabot sa kanya ang kalahati sabay tanong, “Gusto mo?” Sigurado, matatawa yun. Pwede ding umutot ka, yung may sound na halatang iniipit, high-pitched baga at kapag lumingon na sya sa iyo, mag-iinosentehan ka, pa-beautiful eyes pa at itanong, “Narinig mo rin?” “Eeeeew! Hahahaha!” sabay kaming nagtawanan. “Kaw fwend, puro ka biro. Hindi nga pwede akong makipagkaibigan jan. Grabe ang allergy ko jan.” sabi ko. “O sige, ako na ang maghanap ng paraan.” “Bahala ka…” Yun ang nasabi ko sa suggestion nya. Ngunit, lalong napasama yata ang pagtulong ni Ann sa akin. Ewan kung anong ginawang diskarte niya at isang araw, nakita ko nalang sila ni Francis na nagtabi sa pag-upo sa damuhan ng botanical garden ng skul, masayang nagkukwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan. At hindi lang isang beses iyon. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman. Magkahalong selos, galit, at… awa sa sarili. Feeling ko, durog na nga ang puso, sinaksak pa ng kaibigan sa likuran, at pinagtatawanan. Napakasakit talaga ng naramdaman ko, Ate Charo, Dra. Holmes, at napakatindi ng pagkahabag ko sa sarili. At doon ko narealize na siguro nga, tama ang sinabi ni Ann na umiibig ako kay Francis. Pero, nawalan na ako ng pag-asa. Alam ko, hindi pweding maging kahit magkaibigan pa kami ni Francis. At ayaw ko na ring bigyan ang sarili ng pag-asa dahil sa alam kong wala namang naramdaman o kahit katiting na pagtingin yung tao sa akin. Yun bang feeling hopeless ka na; nanjan lang sana sa harap mo ang taong mahal mo ngunit di mo pa rin sya maaabot dahil di ka nya nakikita o di nya alam na nag-iexist ka pala… Nakikita mo ang bawat galaw nya, ang bawat ngiti, ang bawat saya at kalungkutan sa mukha nya ngunit walang paraang maging bahagi ka ng mga ito dahil para sa kanya, hindi ka tunay… At, sobrang taas nya – matalino, maraming umiidolo, maraming nagka-crush, mabait... samantalang ako, mataray, di kasing talino nya. Hindi kami bagay. Ewan. Nabaligtad na yata ang sitwasyon at ako ang naging engot at tanga, gaga sa pagkakataong iyon. Kaya sa sobrang depression ko, ang ginawa ko ay iniwasan na ang mga lugar kung saan ko pweding makita si Francis. Hindi na rin ako nakikipag-usap kay Ann. Lagi nalang akong nag-iisa, sa isang sulok, nagmumukmok, umiiyak, sinasarili ang naramdaman, pinigil ang kasabikang makita si Francis, nilabanan ang sakit na dulot ng pagdurugo ng puso. Feeling ko, nag-iisa nalang ako sa mundo, o kung may ibang mga tao man, lahat sila ay pinagtatawanan ako. Sa pag-iisa ko, na-compose ko ang isang poem na pinamagatan kong “So Close Yet So far Away” na ini-uukol ko para kay Francis – “Our paths crossed one day. It was the least-liked getting-to-knows, but I became so engrossed with you; my heart had been captured by your spell and all that my mind could imagine was you. Since that time, my little world revolved around you. I think about you every time – in my works, in the midst of a crowd, when I get up from bed, or before I go to sleep. The thought of you haunts me even in my dreams. I see your smile in every face. I hear your giggles in every laughter, and I feel your touch as the wind blows through my skin. I picture you in every new friend I meet, in every place I go, and in everything I do. And whenever I’m happy or sad, it’s your face I see... But between us lie great barriers and horizons to cross. My heart beats your rhythm but you don’t feel it. And even if I shout this feeling to the highest peak of my voice, you never hear it. You are so close but yet so far away from me. So I close my eyes and there I see you come alive to my senses. The world is only between you and me. The heavens are within my reach and the oceans are just a step apart. And you are there – just a heartbeat away. There, you smile back at me. We touch each other. We stare straight into each other’s eyes, and our thoughts meet. We kiss and our hearts beat together as one. I shout loud to the highest peak of my voice this feeling as you answer it back with a whisper in my ears. There, every tick of a second spells like endlessness. We go to the beach. We cuddle in each other’s arms. We talk of nonsense. We watch at the vast nothingness. We pretend to reach the horizons as we meander barefooted hand in hand by the sandy shore. There, we don’t care about the world. We play lovers’ games. We do crazy things. We explore and fill up each other’s longings. We fathom the depths and the heights of our personhood, until our emotions consume us and we reach the summit of our burning passions. But as the sun finally sets and the crimson sky turns darker and darker and envelopes our little world, we come to realize that happiness is transient that not even the deepest love nor the strongest feelings on earth have the power to hold on or turn back the hands of time. Then I wake up from my deep slumber and find myself alone. My grieving heart bleeds to search for you. And you weren’t there. I give up and close my eyes. And there again, in the corners of my mind, I see your face – so close yet so far away…” Sa sobrang kawalan na ng pag-asa, nasabi ko na sa sariling wag nang mag-ilusyon pa at turuan ang sariling makalimot. Para sa akin, hanggang panaginip nalang sya. Yun bang naaabot ko lang ang paghahangad ko sa kanya kung ipipikit ko ang aking mga mata. Ansakit di ba? Pero ok lang. Ganyan talaga ang buhay… Naalala ko bigla ang YM ni Francis at napag-isipisip ko na makikipag-chat sa kanya at isiwalat sa kanya ang totoong s Carmen pala ang ka-chat nyang nagpapanggap na pareng Cris nya, at pagkatapus, manghingi ng sorry at yun… hindi ko na sya bubulabugin at para sa sarili, pakawalan ko na ang galit, selos, at kung ano mang merong naramdaman para sa kanya dito sa puso ko. Kinahapunan, nagonline ulet ako, hoping na nandun din si Francis at naka-online. At hindi naman ako nabigo. Nung tiningnan ko ang status nya, naka-online sya. “Siguro… ka-chat niya bagong nililigawan nya o di kaya, si Ann” bulong kong may halong selos at pagkahabag sa sarili. “Hey, musta…” ang malamig kong message sa kanya. “Pareng Cris. Buti’t naka-online ka. Long time no hear… Na miss ko ung kwentuhan naten.” “Ok lang… may sasabihin sana ako sa iyo eh” ang paunang message ko pag-handa sa ibubunyag na katotohanan. ITUTULOY……. ^^ Dko pa po alam kung kelan itutuloy ;)) w8 nalang poe ^^ LIKE ~ >> Bakit ba kasi Ang Hirap Mag Move-On ? - Angel :">
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 08:41:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015