APPRECIATE! Before its too late. Di ko mahanap notes ko kaya - TopicsExpress



          

APPRECIATE! Before its too late. Di ko mahanap notes ko kaya sinulat ko nalang dito sa status ko. Suggested background music while reading this note of mine: Para Lang Sa’yo by Aiza Seguerra (para may drama effect haha) SA MGA IN A RELATIONSHIP DIYAN, or kahit may special someone diyan, this note’s for you. Baka makatulong ‘to kahit pano na magkaintindihan kayo ni lover mo. Please read and understand it with all your heart ;) Sa isang relationship, alam nating lahat na may stages yan diba? Sa una nagkakahiyaan pa, puro kiligan moments, lahat lahat binibigay niyo sa isa’t isa basta pwede – ung stage na… Cloud9 stage. Parang nasa heaven lang. Diba? ;) Pero bakit habang patagal ng patagal, nakakalimutan niyo na na dapat kahit pano may ganyan pa ring feeling sa relationship niyo? Yan ung dapat wag niyong kakalimutan. Ako kasi di ako naniniwala sa sinsabi ng iba na sa una lang ung kiligan moments. Ako ung tipong tao na gusto ko may kiligan moments pa rin kahit pano -- kahit gano na katagal ang isang relationship to KEEP THE SPARK ALIVE. Kasi once na wala nang spark ung relationship niyo, dun na pwede masira ung relationship na sinimulan niyo na dati punong puno ng saya at pagmamahal. In my opinion, (without being biased sa sarili ko hahaha) feeling ko di ako mali. Kasi VERY IMPORTANT nga sa isang relationship ung magkaron kayo ng BONDING MOMENTS talaga eh. Time to open up, share stories, know more about one another, pray together, eat together, watch a movie at kung ano ano pa. ‘Cause I believe that those are the things that make a relationship strong. Am I right or am I left? (wait, ang corny nun ah hahaha last ko na yun hahaha) Seriously, kung wala na kayong time sa special someone niyo, PLEASE DO ALLOT TIME FOR HIM/HER kahit gano ka pa kabusy. “Busy ako” is never an excuse. Sa 365 days in a year, 30/31 days in a month, 7 days in a week and sa 24 hours sa buong araw mo, don’t tell me na kahit 1 hour wala kang oras na pwede ilaan para sa special someone mo? What’s the point na tinawag siyang “special someone” mo kung hindi naman special ung turing mo sakanya? Pag niyaya ka ng special someone mong umalis kayo, kung wala ka namang ginagawa, why not diba? Money? It’s not an excuse! Pwede naman kayo magbonding sa bahay ng isa’t isa, pagluto mo ng food na may kasamang pagmamahal si lover mo :)) There are so many ways na pwede kayo mag bonding. Kahit ung mga simpleng gusto ka lang makatext/makausap ng special someone mo dapat pinapahalagahan mo :) Sabi nga nila, pag gusto may paraan. Pag ayaw, NAPAKADAMING DAHILAN. At lalong lalo na…. sobrang hindi katanggap tanggap ung excuse na “Eh tinatamad ako eh.” Ang panget pakinggan diba? Parang sinabi mo na rin sa partner mong tinatamad ka na sakanya. Simple phrase that may hurt your lover’s feelings. :( Sa mga natatamaan diyan, wag lang kayo magpatama, magbago na rin kayo ;) Diba mas okay nang may taong excited na makasama ka kaysa wala? Learn to appreciate your special someone. NEVER TAKE HIM/HER FOR GRANTED. Hindi natin alam kung hanggang kalian tayo mabubuhay. Oo ngayon pwedeng nakukulitan ka sa lover mo na gusto ka laging makasama. Pero pano pag isang araw magulat ka na di na siya sabik makasama ka? By the way, here’s a link of a video that made me cry. Hindi to about sa relationships na girlfriend-boyfriend. Hindi ‘to super related sa note ko pero it’s a video that would make you appreciate your special someone more. It’s about A GENUINE LOVE FOR A SPECIAL PERSON IN YOUR LIFE na hindi nabigyan ng importance. Watch this: youtube/watch?v=qZMX6H6YY1M So go ahead! ;) Change for the better. Live. Laugh. Love! APPRECIATE ;) Please share if natamaan kayo kung wala eh kayo na bahala :D Full of love and affection, Princess Conz
Posted on: Thu, 19 Jun 2014 14:15:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015