"Alam mo ba yung kapag lagi mong kasama yung tao, unti-unti kang - TopicsExpress



          

"Alam mo ba yung kapag lagi mong kasama yung tao, unti-unti kang nadedevelop sa kanya... na yun bang gusto mo siyang laging nasa tabi mo?" (gusto ko siyang laging nasa tabi ko para may taga bitbit ako ng mabibigat kong gamit.) "Yun bang... lagi siyang nasa isip mo?" (lagi siyang nasa isip ko at iniisip kong binubugbog ko siya, nilalagay sa sako at itinatapon sa ilog Pasig.) "Yun bang... hanggang sa panaginip sinusundan ka niya?" (pakshet lang kapag ako ay binabangungot! Brr!) "Yun bang... gusto mo siyang yakapin?" (oo gusto ko siyang ipayakap sa isang polar bear at uutusan ko yung polar bear na wag bibitawan ang pagkakayakap sa kanya para dalhin na sa kasulok-sulukan ng Nort or South Pole!) "At yun bang... gusto mo siyang makasama habang buhay." (wag na! papakamatay na lang ako kung siya lang din makakasama ko habang buhay. Kakilabot!) -Cross Sanford from Diary ng Panget ~grabe dme kong tawa dian habang binabasa ngeun ..!! ehehe ..!! nung una, ang sweet peo deep inside puro kalokohan at kabalbalan ang mga nasa isip ni Cross ..!! hayyss .. kelan kea irerelease ang Diary ng Panget 4 ..!! kakilig much ung mga pinagsasasabi nia ..!!
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 10:05:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015