Ang Baybaying Pilipino ay hindî alfabeto, gaya ng mga - TopicsExpress



          

Ang Baybaying Pilipino ay hindî alfabeto, gaya ng mga alfabetong Latin o Griego. Bawat sagisag sa Baybayin ay isáng pantíg; ang Baybayin ay isáng silabaryo, gaya ng mga paraáng-pagsulát ng India, kung saán hangò ang Baybayin. Dumatíng ang baybayin sa Kapuluán ng Pilipinas bandáng taóng 1500. Ganitó ang guhit-panahón: ca. 1400 Common Era (C.E. = A.D., Anno Domini) Mga mangangalakál na Gujarati, galing sa India, dumatíng sa Sumatra, dalá ang Kanluraning Nagari, ang paraán ng pagsulat ng India; simulâ ng sulat na di-pormál na Nagari sa Sumatra (Miller 2012) --- ca. 1400 C.E. Wikang Proto-Sulawesi [Ang Sulawesi ay malaking pulô sa Kapuluan ng Indonesia.] --- 1500 C.E. Maagang wikang Bugis-Makassarese; Matandáng Sulat Pilipino, na hangò sa Proto-Sulawesi (Miller 2012) --- Simulâ ng iká-15 dantaón Mga Muslim na Maláy sa Sulu mulâ sa Sumatra (Majul 1999) --- Waláng isáng daán taón. Kayâ namán hindî lumaganap ang pagsusulát sa Pilipinas. Isáng libong taon ang lumipas mulâ noóng umalis sa India ang mga mangangalakal na Gujarati bago dumating ang Matandang Sulat Pilipino sa ating Kapuluán.
Posted on: Mon, 04 Nov 2013 14:13:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015