Ang Kapanganakan ni Jesus, Dec 25 Ba? Marami ang naniniwalang - TopicsExpress



          

Ang Kapanganakan ni Jesus, Dec 25 Ba? Marami ang naniniwalang Dec 25 ipinanganak si Cristo, katunayan, kaya nga sila nagcecelebrate ng Christmas dahil sa paniniwalang ito, ngayon, kung Biblia ang tatanungin, kailan nga ba ipinanganak si Cristo? Maglalatag muna tayo ng premise para maunawaan natin kung paano natin malalaman ang kapanganakan ni Jesus, dapat kung ano ang batayan ng Biblia, yun din ang pagbatayan natin, tapus from there, itetrace na lang natin yun sa kapanahunan natin. Ngayon, ano ba itong pinagbabatayan ng Biblia? Yan ay yung Jewish Calendar, —ayan ngayong may idea na tayo kung ano ang Jewish Calendar na may corresponding Gregorian Calendar, dito natin ibabatay at sa Biblia ang paghahanap ng kapanganakan ni Cristo. Ngayon, may mababasa tayo sa Biblia sa; 1Cro 24:1-2 – “At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar 2 Nguni’t si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya’t si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote. “ —ayan, merong katungkulang pagkasaserdote na paghahatian ng mga anak ni Aaron, kaya lang etong si Nadab at Abiu, namatay at hindi nagkaanak, kaya ang naiwan ay si Eleazar at Ithamar, sa kanila na naiatang yung katungkulang pagkasaserdote, all in all, pag pinagsama, kung ipagpapatuloy natin ung ulat sa Unang Cronica, magkakaroon ng 24 divisions ang mga naging anak ni Eleazar at Ithamar, so throughout the year, pinaghatian nung 24, yung katungkulang pagkasaserdote sa templo, at kasama yan na mababasa natin sa Unang Cronica, ngayon, itake note natin etong isang talata dito sa; 1Cro 24:10 – “Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;” —ayan, tandaan lang natin ha, kasama ito sa ating premise, ang ikawalong division ay kay Abias, sa lahi ni Abias napunta yung ikawalong division. Ngayon, may babasahin naman tayo sa; Lucas 1:5 – “Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala’y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala’y Elisabet.” —ayan, dito may mababasa tayo na merong isang saserdote na ang pangalan ay Zacarias, sa pulutong ni Abias, at ang naging asawa ni Zacarias ay si Elisabet. So keep in mind, na itong si Zacarias ay may asawa na ang pangalan ay Elisabet at itong si Zacarias ay mula sa pulutong ni Abias, si Abias na nasa ikawalong division na assign sa pagkasaserdote sa templo. So si Zacarias nasa 8th division din napunta dahil si Zacarias ay mula sa pulutong ni Abias. —ngayon, mabalik tayo dun sa binabanggit natin kanina na 24 divisions in one year na paghahati hatian nila, including festivals, so more or less, para masimplify lang natin ha, 24 divisions divided by 12 months so 2 divisions per month, tandaan natin ha, si Abias, nasa ikawalong division or 8th division, so kung bibilangin natin, magbabatay tayo dun sa table ng months na inilabas natin kanina, magsisimula tayo sa; Nisan or sa 1st month, 1st and 2nd divisions ang napunta doon, tapus sa Iyar or 2nd month, ang 3rd and 4th divisions, tapus sa Sivan or 3rd month, ang 5th and 6th divisions tapus sa Tamuz or 4th month, ang 7th and 8th divisions. —Balik tayo ngayon sa Lucas; Lucas 1:8-13 - “Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong, 9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan. 10 At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan. 11 At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. 12 At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot. 13 Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. “ —ayan, dito sa mga talatang ito sinasabi na nung ginaganap ni Zacarias yung turn nia sa pagkasaserdote, may nagpakitang anghel kay Zacarias nagulumihanan pa nga si Zacarias pero sinabi sa kaniya ng anghel na huwag matakot at yung kaniyang asawang si Elisabet ay manganganak ng isang anak na lalake at tatawagin siyang Juan. Eto palang si Zacarias at Elisabet ang magulang ni Juan, ni Juan Bautista. Take note ha, ito ay during ng pagkasaserdote ni Zacarias na nasa 8th division. Ipagpatuloy natin ang basa sa; Lucas 1:21-24 – “At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo. 22 At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya’y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya’y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi. 23 At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya’y umuwi sa kaniyang bahay. 24 At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya’y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi, 25 Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako’y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao. “ —ayan, dito naman may mababasa tayo na “nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya’y umuwi sa kaniyang bahay at pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet…”, so nung naglihi si Elisabet natapos na ang paglilingkod ni Zacarias sa templo, so nasa katapusan ito ng Tamuz or 4th month. Ipagpatuloy naman natin ang basa sa Lucas pa din sa; Lucas 1:24-31 – “At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya’y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi, 25 Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako’y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao. 26 Nang ikaanim na buwan nga’y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala’y Nazaret, 27 Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala’y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. 28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. 29 Datapuwa’t siya’y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. 30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka’t nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. 31 At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. “ —ayan, dito may mababasa tayo na ng ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa Nazaret kay Maria at sinabing “manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.” At kung ipagpapatuloy lang natin ang basa, macoconfirm natin yan dito sa; Lucas 1:36-38 – “At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati’y tinatawag na baog. 37 Sapagka’t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. 38 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.” —ayan, dito makikita natin na nung ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, siya namang pasimula ng pagbubuntis ni Maria kay Jesus, so nauna si Elisabet ng 6 months kay Maria sa pagbubuntis. —so dito may batayan na tayo, kung kelan maaaring ipinanganak si Jesus, balikan nga ulit natin yung nasa taas, na nung pasimulang nagbuntis si Elisabet ay sa katapusan ng Tamuz or 4th month or nasa unahan ng Ab or 5th month. So kung bibilangin natin, mula sa katapusan ng Tamuz or unahan ng Ab, magbibilang tayo ng 9 months corresponding to pagbubuntis ni Elisabet, Month: # of Months ng pagbubuntis ni Elisabet: Ab (5th month) – 1st month Elul (6th month) – 2nd month Tishri (7th month) – 3rd month Heshvan (8th month) – 4th month Chislev (9th month) – 5th month Tebeth (10th month) – 6th month Shebat (11th month) – 7th month Adar (12th month) – 8th month Nisan (1st month) – 9th month —ayan so more or less ipinanganak si Juan Bautista ng Nisan, at dahil nauna si Juan na ipinagbuntis ni Elisabet ng 6 months kay Maria nung ipinagbuntis niya si Jesus, bibilang naman tayo ng 9 months, from the 6th month ng pagbubuntis ni Elisabet, so in this case, either katapusan ng Tebeth or simula ng Shebat, plus or minus the festivals, kunin natin sa Shebat; Month: # of Months ng pagbubuntis ni Maria: Shebat (11th month) – 1st month Adar (12th month) – 2nd month Nisan (1st month) – 3rd month Iyar (2nd month) – 4th month Sivan (3rd month) – 5th month Tamuz (4th month) – 6th month Ab (5th month) – 7th month Elul (6th month) – 8th month Tishri (7th month) – 9th month —so dito maglagay tayo ng plus or minus na 15 days dahil may mga festivals na hindi na natin sinama para masimplify lang ang computation. So more or less, ipinanganak naman si Cristo ng Tishri or 7th month, ngayon kung ating titingnan sa month table na inilabas natin, papatak sa ating calendar, ipinanganak si Cristo ng buwan ng September or early October, so puedeng from Sept 15 to Oct 15. —at merong mga naniniwala na malamang nga ay sa kalagitnaan ng September ipinanganak si Cristo or sa Tishri or 7th month ng Jewish Calendar, at ito ay nasa 15th day ng Tishri o nasa 15th day ng 7th month. At ito ay sa kapistahan ng mga balag o Feast of Tabernacles. Basahin natin sa; Lev 23:34 – “Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon. “ Lev 23:34 – “Speak unto the children of Israel, saying, The fifteenth day of this seventh month [shall be] the feast of tabernacles [for] seven days unto the LORD.” —so si Cristo nung ipinanganak ay nagsimula naman ang “feast of tabernacles”, at ang pagpapatunay daw nian ay nasa; John 1:14 – “And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.” dwelt G4637 G4637 σκηνόω skenoo (skay-noh’-o) v. 1. to tent or encamp 2. (figuratively) to occupy (as a mansion) or (specially), to reside (as God did in the Tabernacle of old, a symbol of protection and communion) —ayan, yun daw “dwelt” dian ay yun daw yung tabernacle, kaya inassociate nila ang kapanganakan ni Cristo sa feast of tabernacles. —so ngayon, may idea na tayo kung kelan ipinanganak si Cristo, ang masasabi lang natin, nakakasiguro tayo na hindi yun December 25, ang tanong, “tama ba na icelebrate natin ang christmas tuwing Dec 25? “. Unang una, mali na paniwalaan natin na ang kapanganakan ni Jesus ay Dec 25 , mali yun. Ngayon, having that in mind, ganun pa rin ang tanong, “tama ba na icelebrate natin ang christmas tuwing Dec 25?” . May nagsasabing hindi daw importante ang araw ng kapanganakan, kungdi ang ipinanganak, tama yun, eh kung Biblia ang tatanungin, ano ba ang magandang paraan para “icelebrate” o alalahanin ang ipinanganak? May babasahin tayo sa; Heb 3:13 – “Nguni’t kayo’y mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan:” —ayan, may sinasabi dito na tayo ay mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw, eh bakit? Basahin natin ang kasunod na talata; Heb 3:14 – “Sapagka’t tayo’y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:” —ayun, kaya pala kailangang mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw kasi nagiging kabahagi tayo ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan. —yun pala yung mas magandang paraan ng “celebration” ng ipinanganak na si Cristo, yung maging kabahagi tayo ni Cristo at maingatan nating matibay hanggang sa katapusan. Eh paano natin gagawin yun? Sinagot din yan ni Pablo sa; 1Cor 11:1-2 – “Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo. 2 Kayo’y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo. —ayun, kailangan palang ingatang matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ni Pablo, at maging tigasunod ni Cristo, na gaya naman ni Pablo. So ang magandang “celebration” na magagawa natin ay ingatang matibay ang mga turo na ibinigay ni Cristo hanggang sa katapusan, so kung hanggang sa katapusan, kailangan araw araw yun, kaya nga may utos na “mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw”. Ang tanong natin ngayon, ang Dec 25 ba, kasama sa “araw-araw”, ang sagot, Oo, kasi ang Dec 25 araw din eh, so ang sagot sa tanong na, “tama ba na icelebrate natin ang christmas tuwing Dec 25?” Ang sagot, tama , as long as ang “celebration” na gagawin ay ayon sa Biblia, at hindi “celebration” na ayon sa tao, AT as long as ang definition natin ng christmas ay hindi yung araw ng kapanganakan kungdi yung ipinanganak na si Cristo at pag iingat sa kaniyang mga katuruan, tama na icelebrate natin ang “christmas” at hindi lang tuwing Dec 25, kungdi araw-araw. NAMES OF CORRESPONDS WITH NO OF DAYS MONTH MONTHS OF SACRED YEAR Tishri Sept – Oct 30 7th Heshvan Oct – Nov 29 or 30 8th Chislev Nov – Dec 29 or 30 9th Tebeth Dec – Jan 29 10th Shebat Jan – Feb 30 11th Adar Feb – Mar 29 or 30 12th Nisan Mar – Apr 30 1st Iyar Apr – May 29 2nd Sivan May – June 30 3rd Tamuz June – July 29 4th Ab July – Aug 30 5th Elul Aug – Sept 29 6th
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 12:35:18 +0000

Trending Topics



ssoas porque elas
Harpers rhetoric is his attempt to be in the right place and the
Teď už znáte všech šest metodiků Ředitelství soutěží -
cialis wallmart
Swaziland Criminalizes Miniskirts, So Sluts Don’t Tempt Men To
1/2 promo post haha XD St.James the Apostle church Paete,
I was out on the main street of Traverse City tonight during a
Declarația europarlamentarei finlandeze Satu Hassi cu privire la

Recently Viewed Topics




© 2015