Ang inyo pong lingkod (administrator of this FB acct - Cfc - TopicsExpress



          

Ang inyo pong lingkod (administrator of this FB acct - Cfc Servants Svfl) ay dati pong OFW for almost 17 years sa Middle East. Nagdurugo po ang puso ko kapag nakakabalita ako ng mga ganitong hinaing ng mga distressed OFW. Bakit po masyadong matagal kumilos ang mga kinauukulan upang sila ay tulungan. May mga pamilya po sila rito na masyadong na ring naii-stress dahil sa kalagayan ng kanilang kapamillya nasa labas ng bansa. Ano na ang nangyayari sa US$25 OWWA membership fee na binabayaran ng isang OFW tuwing siya umaalis ng bansa para magtrabaho. Hindi po ba na ang isa sa mga purpose ng naipon ng membership fees ay pangsalba sa mga OFW ng na nakakaranas ng problema sa ibang bansa. Milyong milyong piso na pa ang naipong OWWA Fund (from OWWA membership fees). Ano na po ang nangyari sa malaking halagang perang ito. Bakit di po ninyo gamiting pansalba sa mga distressed OFW specially sa Saudi Arabia.
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 03:57:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015