Announcement: Ang 2013 ay Year of the Rice - TopicsExpress



          

Announcement: Ang 2013 ay Year of the Rice (ResidentPatriot) Nangalahati na ang taong 2013 pero alam n’yo ba na ang taong ito ay isinet ng ating pamahalaan bilang Year of the Rice? Opo, ang 2013 ay hindi lang year of the snake. Year of the Rice din ito. Nitong mga nakalipas na taon, sinasabi na ang Pilipinas daw ay isa sa mga bansang malakas umangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Malakas din daw tayo magtambak ng bigas at malakas magtapon ng saku-sakong bigas na nabulok sa sobrang pagkaka-stock. Kaya kailangan nating kumilos. Dapat tayong maging self-sufficient sa bigas. Panahon na para huwag mag-aksaya ng bigas at kanin! Dahil Year of the Rice ngayon at dahil mabubuting mamamayan tayo ng umuunlad na Pilipinas (keep up the faith), dapat lamang na makipag-cooperate tayo sa pagtitipid at pag-iwas sa pag-aaksaya ng bigas (/kanin). Narito ang ilang mga suhestyon para makatipid sa bigas: 1. Huwag kumain ng kanin Gayahin natin ang mga nasa Europe, subukan nating kumain ng patatas o kamote bilang staple food. 2. Mag-set ng isang araw sa isang linggo na gulay lang at prutas ang kakainin Nasubukan n’yo na ba kumain ng gulay lang? Lalo na yung hilaw? Ang bilis makapag-tanggal ng appetite sa pagkain ng mga gulay. Dahil sa gulay, gaganda na ang balat mo, papayat, lilinis ang katawan, at higit sa lahat, malaki ang matitipid sa pagkain. 3. Huwag kumain ng umagahan, subukan ang cereals o tanghalian, vege salad subukan nyo. Para lalong makatipid, subukang huwag kumain ng tanghalian o hapunan paminsan-minsan (mga 2 to 3 times a month). Subukan mo. Maniwala ka sa akin, hindi ka mamamatay. Wag ka lang masyado gagalaw at uminom dapat ng maraming tubig. Sa pamamagitan ng mga suhestyon na ito, makakabawas tayo sa kunsumo ng kanin. Makakatipid din ang ating bansa sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. Okay, sama-sama nating bigkasin ang Panatang Makapalay: Panatang Makapalay Bilang isang mamamayang Pilipino Nakikiisa ako sa panatang Huwag magsayang ng kanin at bigas. Magsasaing ako ng sapat lamang at Sisiguraduhing tama ang pagkakaluto nito. Kukuha ako ng kaya kong ubusin Upang sa aking pinggan ay walang matirang kanin. Ganun din ang aking gagawin kung may handaan o Kung sa labas ako kakain. Ang brown rice o pinawa ay susubukan kong kainin Pati na ang ibang pagkain bukod sa kanin tulad ng Saba, kamote, at mais. Ituturo ko sa iba ang responsableng pagkonsumo Nang mabigyang halaga ang pagod ng mga magsasaka at Nang makatulong na maging sapat ang bigas sa Pilipinas. Aking isasapuso ang panatang ito dahil Sa bawa’t butil ng bigas o kanin na aking matitipid Ay may buhay na masasagip. ⭐Puting Tala✨
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 22:31:12 +0000

Trending Topics



>
Black Friday Sale on Toro 53710 12-Inch Pop-Up Fixed Spray Shrub
Meet Racquel Foran, Editor of Just Dance! Magazine

Recently Viewed Topics




© 2015