BAGO MAGPATULOY SA PANIBAGONG YUGTO NG LABAN, NAIS KO MUNANG - TopicsExpress



          

BAGO MAGPATULOY SA PANIBAGONG YUGTO NG LABAN, NAIS KO MUNANG MAGPASALAMAT…. Maraming salamat po kay Inday Magallanes Mesedilla, Joseph Marquez Aquino, Alfredo Garcia at Ms. Dana of DILG na nagrequest para sa amin ng mga kapulisan na nagbantay upang maproteksyunan ang hanay sa Concelebrated Mass na ginawa kanina, Nov. 6 sa Kristong Hari. Mahigit 20 kapulisan ang dumating at may kasama pang SWAT Team at MMDA. Saludo po kami sa inyong pakikiisa sa LABAN NG PAGBABAGO! Maraming salamat din po kay Atty. Angel Gahol, PPCRV District 2 at Ambassador Tita de Villa ng PPCRV National na nagmulat sa aming kaisipan na hindi partisan ang ilaban ang adbokasiya ng CHAMP… Clean, Honesty, Accurate, Meaningful and Peaceful ELECTION. Kung may pandaraya at kailangang ilantad, tatayuan po ito ng PPCRV at ito ay hindi partisan isang maka-Kristiyanong pagkilos, dahil hindi po gusto ng DIYOS ang pandaraya sa minamahal niyang sambayanan. Maraming salamat Atty. Alex Lacson ng Solidarity Movement of the Philippines National kasama ang buong pamunuan sa buong Pilipinas, na pinangungunahan ang legal team para sa LABAN NG PAGBABAGO! Maraming salamat po Radio Veritas na pinangunahan ang media coverage ng SAMA-SAMANG PAGTITIPON ng SAMBAYANAN PARA SA KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT PAGKAKAISA. Pakinggan po ninyo ang interview kay Bishop Tobias tungkol sa naganap na concelebrated mass. Maraming salamat po sa lahat na libong dumalo sa SAMA-SAMANG PANALANGIN, sa mga naghalf day sa kanilang mga trabaho, sa mga huminto sandali sa kanilang hanapbuhay, upang dumalo sa pagtitipon na ito, nagsindi na kandila at nanalangin ng tunay na KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN. Maraming salamat sa mga kasama ko sa Socal Development Networks, former PCUP Chair Percy Chavz, Sec. Dinky Soliman at Roy Araujo Calfoforo na nagpahatid ng kanilang pagbati at nagsasabing pag-usapan ang maraming programa para sa mga bata, kay Ate Lita Asis-Nero ng FDA, Ms Maricel Genzola ng FDUP, Arturo Nuera ng PASCRESS/PANDAYAN, LCMP, Kuya Arsy Garcia, MAMAYANG LIBERAL, Neng Palomar, Pheng and Ehm Raagas, Toto Medalla, Jimmy Lambunao, Dong and Jinky Salon, Omar Sarip, Tess Chan, at lahat ng mga kaibigan na nagbibigay ng advise at financial at moral support upang tindigan ko at ituloy ang laban. Maraming salamat mga kasama ko sa buhay, kaibigan, at kapitbahay (lantad at lihim na tumutulong), KAMPI, KAPPASAN, ALMACO, SUPERBLOCK, PADER, ILANG KASAMA SA SAPACOM, MRB, PILOT AREA HOAS, CMP AREAS, SAMA-SAMA, SANAPA, KOSA, SAIS, ASAPCO, UNITE, BANEASKA, CENA, PACOMBA, MADLA, BAGONG PAG-ASA, SENIOR CITIZENS FEDERATION, TGP, OSY, ALABCO, SAMAKAB, PAMANA, SADAKA, LUZVIMINDA, MALCOMCATZ, iba pang federations, other POs and NGOs, Mabuting Pastol Multi-Purpose Cooperative, Cordis Mariea School, mga kabataan sa simbahan at komunidad, na sinamahan ako simula sa umpisa hanggang sa ngayon sa laban na ito at nangakong itutuloy ang LABAN NG PAGBABAGO! Maraming salamat I-SERVE Staff (Dino, Mila, Thess, Ate Luz, Zaldy, Danny N., Danny B., Mimi, Jenny, Gang, Jeffrey at Cion) and family na all out ang support simula ng magdesisyon ako na lahukan ang bagong laban ng Election. TUNAY NGANG HINDI NILA AKO INIWAN. ILY MY EVER SUPPORTIVE STAFF! Maraming salamat Parokya ng Mabuting Pastol, Parokya ng Kristong Hari at Holy Trinity Parish, special mention kay Fr. Pedro, Fr. Lando, Fr. Jim, Lina, Norma, Ate Vivian, Ate Carmen, Banjo, Jeffrey, Ate Naty, Rene, Imelda, Ate Susan, Inday, Robert, Ate Luz, Kuya Francis, Jerome, Allan, Ate Lilia, Cel, Meann, Henry Pacon and lay ministers, at lahat ng mga lider at kasama sa pamayanan na kumilos sa 3 parokya simula sa pag-imprenta, pagluluto, paghahanda at pagdedeliver ng pagkain, pagmemaintain ng headquarters at pagpupuyat. Marami pa po tayong laban na pagsasamahan. Maraming salamat din sa nagbantay at nagsilbing watchers ng PAGBABAGO, kay Beth O., Abet V., Richard T., Lydia C., Nanay Fila, Kuya Mike, Beth B. at lahat ng watchers, tunay na ginampanan nyo ang pagbabantay ng walang alinlangan. Sa mga prayer warriors, legion of Mary, Diviine Mercy, El Shaddi, Couples for Christ at kasamang nananalangin from Born Again, IFP Pastora Tess Chan, sa ka-Musliman, Adventist, Protestant, maraming salamat po. Maraming salamat po sa inyong lahat-lahat nakilahok sa lahat ng pagkilos, Launching, Walkathon, Motorcade, Election, Canvassing, Motorcade ng pasasalamat (sinakyan kong jeep mula sa Ina ng Pag-asa na malalakas sumigaw) at Concelebrated Mass. Maraming salamat taong bayan! Higit sa lahat maraming salamat sa aking PAMILYA, sa aking pinakamamahal na INA, mga KAPATID at kay JET na mahirap man para sa kanila na nandito ako sa laban na ito, ngunit buo ang suporta at patuloy na nananalangin sa tagumpay ng taong bayan. Para kay Angel, sa mga pamangkins at sa mga susunod na henerasyon, ALAY ko ang laban na ito. Mahal na mahal ko kayo! Higit kaninuman, SA IYO O DIYOS KO, MARAMING SALAMAT PO…. ALL GLORY IS YOURS NOW AND FOREVER… AMEN!
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 17:22:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015