BALITANG ABROAD 2 OFWs sa Abu Dhabi, naaksidente (Noel - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD 2 OFWs sa Abu Dhabi, naaksidente (Noel Abuel) Sugatan ang dala­wang Pinay domestic helpers makaraang sumalpok ang sinasakyan ng mga itong kotse sa isang mala­king truck kasama ang apat na miyembro ng amo ng mga ito sa Abu Dhabi. Himalangnakaligtas sa tiyak na kapahama­kan ang mga biktimang nakilalang sina Elizabeth Mayo Reyes at Geofelin Lucena Ramos, kapwa tubong Cagayan, na agad isinugod sa Rashid Hospital. Samantalang hindi naman nakaligtas na kamatayan ang mga employer nito at apat na anak dahil sa tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Base sa ulat, galing sa Abu Dhabi at patu­ngo sa Khor Fakhan ang mga biktima nang mangyari ang aksidente sa kahabaanngMalihasa Sharjah kung saan sumal­pokangsinasakyang ­kotse ng mga ito sa isang malakingtruck. abante.ph/issue/oct0313/abroad02.htm
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 16:58:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015