BALITANG ABROAD US EMBASSIES SA MIDEAST, AFRICA 1 LINGGO PANG - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD US EMBASSIES SA MIDEAST, AFRICA 1 LINGGO PANG SARADO (Aries Cano) Pinalawig ng gobyerno ng Amerika at ginawang isang linggo ang pansamantalang pagsasara ng mga embahada at konsulado nito sa Middle East at Africa dahil sa bantang terror attack ng Al Qaeda. Ayon sa US State Department, ang 19 US embassies at consulates ay isasara hanggang sa Sabado. Kabilang sa isang linggong isasarang diplomatic posts ay ang mga nasa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Libya, Jordan, Egypt, Djibouti, Qatar, Sudan, Kuwait, Bahrain, Oman, Yemen, Madagascar, Burundi, Rwanda at Mauritius. Isinara rin ang mga daan patungo sa naturang mga pasilidad, pinaigting ang patrulya, naglagay ng mga blast walls at nag-deploy ng bomb squads. Inilagay din sa highest alert ang puwersa ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan. May mga barko ring idineploy malapit sa Yemen ang US Navy na dati ay sa Red Sea at combat-equipped Marines sa Spain at Italy na ide-deploy kung kailangan. Partikular na tinututukan ng US government ay ang US Embassy sa Yemen na siya umanong highest possible target. Hindi naman matiyak ng US intelligence officials kung kailan ang pag-atake kaya’t pinalawig hanggang katapusan ng Agosto ang worldwide travel alert ng US para sa mga mamamayan nito. Matatandaang nagbunsod ang alerto ng US sa nakalap na impormasyon ng intelligence community na mensahe mula sa mga senior leaders ng Al Qaeda kung saan nasa final stage na umano ang pinaplanong terror attack ng Al Qaeda sa Arabian Peninsula, laban sa Estados Unidos. “We’ve received information that high-level people from Al Qaeda in the Arabian Peninsula are talking about a major attack,” ayon pa sa ulat na natanggap ng US. ************************** US-based Pinoys, bagong climate leaders (Aries Cano) Anim na Pinoy na nakabase sa Estados Unidos ang napasama sa dumaraming bilang ng climate leaders matapos na dumalo sa training session sa Climate Reality Project na pinangasiwaan ni dating US Vice President Al Gore. Si Gore ang founder at chairman ng Climate Reality Project ay opisyal na nag-welcome sa anim na Pinoy na kabilang sa mahigit 1,500 na bagong miyembro ng Climate Reality Leadership Corps. Ang anim na bagong climate leaders ay kinabibilangan nina United Nations news correspondent Tonie Marie Bacala at peace worker Maria Marasigan; engineer Marc Caratao D. Mgt., sustainable management students Nicole Cruz at Ny-Ann Nolasco, at Engineer Francisco Alvarez ME. Ang climate change ay maaaring maghatid ng matinding pinsala sa komunidad kabilang ang indigenous people ayon pa sa grupo ng mga bagong climate leaders kaya’t dapat na pinalalawig ang kaalaman hinggil dito. Labis naman ang kasiyahan ni Rodne Galicha, district manager ng Climate Reality Project sa Pilipinas sa pagkakasali ng mga US-based Filipinos sa climate project. Joy
Posted on: Tue, 06 Aug 2013 04:56:07 +0000

Trending Topics



-height:30px;"> Want to make a difference in the lives of 13 5th graders? (I know

Recently Viewed Topics




© 2015