BATAS NG HONGKONG, DAPAT SUNDIN NG MGA PINOY, VISA KAILANGAN - TopicsExpress



          

BATAS NG HONGKONG, DAPAT SUNDIN NG MGA PINOY, VISA KAILANGAN NA Nov 15, 2013 8:14pm HKT HINDI biro ang bagong batas na ipinasa kailan lang ng Hong Kong laban sa mga Filipino. Ipagbabawal na nila sa lahat sa atin na magtungo roon nang ‘di hihingi ng travel visa sa kanilang embahada. Mali, pero ano ang magagawa ng isang ordinaryong Filipino? Ang batas nila ay batas nila. Nag-ugat ang nasabing bagong batas ng Hong Kong dahil napikon na nang lubusan ang kanilang lider mismo kay Benigno Aquino III. Nangyari iyon sa huling Asia Pacific Leaders Conference kamakailan na ginanap sa Brunei. Nagkaharap at nag-usap sina BSA3 at lider ng Hong Kong ng halos isang oras at isa sa mga napag-usapan nila ay ang paghingi ng pormal na tawad ng pamahalaang Aquino sa mga naulila ng mga biktima sa nangyaring Luneta Hostage-Taking and Massacre noong 2010. Sa panayam ng Filipino media kina Aquino at Ricky Carandang sa APEC break noon, itinanggi nila na isa sa pinag-usapan ang Luneta siege. Nakarating ang pagtatwa nina Carandang at Noynoy sa mga opisyal na delegasyon ng Hong Kong na nagalit at tinawag silang dalawa na sinungaling! Dahil doon, lalong nagalit ang Hong Kong officials na nagpalabas pa ng kanilang opisyal na mensahe kontra sa Malacañang leaders. Mga sinungaling daw sina Noynoy at Carandang! Sakit ‘yun ha. Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang liderato ng Hong Kong at mga mambabatas nila na gumawa ng bagong batas laban sa mga Filipino. Hindi na tayo puwedeng bumiyahe o magtungo sa HK – turista man o may kinalaman sa negosyo, na hindi dumaan sa kanilang konsulado para humingi ng permiso sa paraan ng travel visa. Masakit para sa ating lahat ang bagong batas na iyan. Kumbaga, hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay. Mali. Hindi tama. Pero katulad ng nauna kong sinabi, batas ng kanilang pamahalaan iyan na dapat sundin natin. May magagawa ba ang gobyernong Aquino? Tanong ko lang Mr. Noynoy, bakit noong napatay ng Philippine Coast Guard ang isang mangingisda ng Taiwan ay nagkandadumahog kayong humingi ng kapatawaran sa kanilang pamahalaan at pamilya ng biktima? Iisang mangingisda iyon samantalang marami ang napatay sa Luneta at marami ang sugatan? Hindi kawalan ng pagkatao ang hinihingi ng Hong Kong government para sa kanilang mamamayan. Marami tayong mga turista at negosyante, lalo na ang mga Overseas Filipino Worker na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa ating ekonomiya. Sige na, PNoy, huwag kang matigas sa iyong postura.
Posted on: Fri, 15 Nov 2013 13:10:56 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015