Bagyo nag-landfall na sa Samar: Libu-libo stranded kay - TopicsExpress



          

Bagyo nag-landfall na sa Samar: Libu-libo stranded kay ‘Gorio’ Sa Port of Tabaco City sa Albay nagpalipas ng magdamag ang mga pasahero na na-stranded bunsod ng pananalasa ng bagyong Gorio sa Bicol Region. (Edd Gumban) MANILA, Philippines - Umaabot na sa 6,572 pasahero ang stranded sa mga pantalan dulot ng pananalasa ng bagyong Gorio sa mga apektadong lugar sa Region V, VI, VIII at CARAGA. Sa ulat na ipinalabas kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, nasa alert status ang SAR (Search and Rescue Teams) para sa posibleng paglilikas sa mga apektadong residente. Ito’y matapos na mag-landfall na kahapon dakong alas-10:32 ng umaga ang bagyong Gorio sa Hernani, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 80 kilometro bawat oras. Si Gorio ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras. Bunsod nito, nakataas sa signal number 2 ang Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Marinduque, Quezon kabilang ang Polilio Island sa Luzon, Samar Provinces, Biliran Leyte sa Visayas. Signal number 1 naman sa Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bataan, Bulacan, Zambales, Tarlac, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Metro Manila, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Northeastern Iloilo, Northern Cebu, Camotes Island Bantayan Island sa Visayas. Tiniyak naman ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na naka-activate na ang Quick Response Team ng Field Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 8 at bukas ang tanggapan sa loob ng 24-oras. Kamakalawa ng gabi ay nagsimula na rin ang DSWD ng repacking ng mga family food packs at naka-alerto na rin ang NDRRMC sa Caraga Region. Sinabi pa ni Valte na sa region 8 ay nakahan­da na kahapon pa ang 1,040 family food packs, bukod pa sa standby funds na P263,920.18. Patuloy namang pina­payuhan ng Pag Asa ang mga residenteng nakatira sa mga bina­bagyong lugar na maging alerto para hindi magkaroon ng casualty habang dumadaan si Gorio. Nakaalerto rin ang disaster response team sa posibleng flashflood at landslide. Ayon kay del Rosario, bukod sa 6,572 pasahero ay stranded rin sa mga pantalan dulot ng masamang panahon ang nasa 49 behikulo, 318 rolling cargos at 13 mga bangka... _hotta_
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 01:06:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015