Birthday kasi siguro ni LAKAY kaya maraming post tungkol sa mga - TopicsExpress



          

Birthday kasi siguro ni LAKAY kaya maraming post tungkol sa mga accomplishments nya nung sya pa ang pangulo ng mahal kong Pilipinas. Nakakayamot isipin na pati mga kabataan ngayon ay saludo sa mga ngyari sa ating bansa sa 21 years sa ilalim ng pamumuno nya. Meron pa nga na ang akala eh 1 is to 1 ang palitan ng dollar at peso nung sya pa ang nakaupo. At ang bagsak ng sisi ay sa sumunod sa kanya. Check natin ang history ng exchange rate ( from International Economics page ). Changes to the exchange rate regime Peso per U.S. Dollar 8 November 1965 3.900 21 February 1970 5.500 22 September 1970 6.435 31 December 1975 7.510 31 December 1980 7.600 31 December 1981 8.200 31 December 1982 9.170 23 June 1983 11.000 5 October 1983 14.000 31 December 1983 14.000 6 June 1984 18.000 31 December 1984 19.760 31 December 1985 19.030 31 December 1986 20.530 31 December 1987 20.800 31 December 1988 21.340 31 December 1989 22.440 31 October 1990 28.000 31 December 1990 28.000 31 December 1991 26.650 31 December 1994 24.418 31 December 1995 26.214 Walong piso ang binagsak ng piso kontra dolyar ng matapos ang EDSA revolution hanggang maging pangulo si Sir Tabako. 17 pesos mula 1965 hanggang 1986. Tama marami ngang nagawa at natapos na proyekto na nakatulong sa pagunlad ng ating bansa. Pero naisama ba dito ang mga bilang ng mga nawalang buhay? Naabusong mga tao at mamayan? Nakurakot na yaman at iba pa? Lalo na nung martial law era? Hindi ako pabor sa kung kanino man or kontra sa iba. Yung TOTOO lang sana at maging patas. Tignan natin maigi ang mga nakaraan at ikumpara ng maigi ng bukas mata malawak na pangunawa. Balikan natin ang history ng Pilipinas para mas maintindihan nating mabuti. UGALI ang dapat baguhin ng bawat isa sa atin. Wala lang - BAR
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 17:22:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015