Breaking the Rule May party sa mansyon ng Lim family. Kasama ni - TopicsExpress



          

Breaking the Rule May party sa mansyon ng Lim family. Kasama ni Abby si Maya habang may kaumpukang mga elites. Nakapalibot kina Maya ang mga co-interns nya, si Ms.Yna, ang family ni Sir Chief pero may kausap si Sir Chief. May isang girl na maarte at co-intern ni Maya at kinausap si Abby. Jean: baby! Did you know Maya pala. Abby: Yes! Yaya ko sya. Jean: She’s your Yaya! Maya: Bakit po Mam? May masama po ba sa pagiging Yaya? Jean: How come at naging intern ka? Sino ka ba! Biglang sisingit si Sir Chief. Sir Chief: What’s wrong with Abby’s nanny? (hahawakan nya ang kamay ni Maya) (at nagulat si Maya) And The one you’re talking to is my GIRLFRIEND. Mabibigla ang mga nakapalibot sa kanila at si Maya Maya: Sir Chief…(amaze) Sir Chief (nakatingin kay maya) Maya: you heard me ryt. Mapapatingin si Sir Chief kay Maya at sasabihin nya “u heard me right” habang nakatingin kay Maya at saka lingon si Sir Chief sa girl. Magugulat si donya esme sa sinabi ni Sir Chief at sasabihin: Donya ESME: What do you mean Ricky? meron ba kong hindi nalalaman dito? Sir Chief: lets talk sa Porch mama, papa Nakahawak pa rin si Sir Chief sa kamay ni maya papunta sa porch kasunod ng family. Donya Esme: U may talk Ricky Sir Chief: I did it kasi inaapi na si Maya Donya ESME: why ganun ka kaconcern kay maya? di mo yan gagawin kung wala ka man lang nararamdaman dito (turo sa dibdib ni Sir Chief) Sir Chief (buntong hininga): fine! (titingin kay maya) yes!may feelings ako kay maya(nakatingin pa rin kay maya)but… Manang Fe: bakit ricardo? Sir Chief: she has Simon. Maya: huh? (nagtaka) Donya ESME: Who’s Simon? Sabel & Doris (magkasabay): manliligaw po yan ni maya! (sabay-sabay nagkatinginan sa dalawa) Donya ESME: u mean matagal ka ng nagseselos kay Simon? Sir Chief: I do. hindi naman bato ang puso ko. Nikki: Oh my Gee Daddy! Is it true? You’re inlove with Maya?! Sir Chief: Absolutely Niks. Donya ESME: Yes!!! Finally!(tinginan ang lahat kay donya esme) Sir Chief: why ma? Donya ESME: Remember what i told u before “Wag na wag kang magkakamaling pakawalan yan si Maya” & u said “Of course ma, I will”. Sir Chief: Yes, i remember that ma (titingin kay maya) hindi naman kasi mahirap mahalin si maya. Donya ESME: i’m glad you found theright girl Ricky! Sir Chief: im not sure if maya resist me. Maya (nakatulala pa rin kay SC) Sir Chief: Maya has Simon so I don’t have the right. Abby (lalapit kay SC): U really luv Yaya Sir Chief: Yes, I am baby. Abby (lalapit kay Maya): Di ba Yaya, you always make story to me about “The King & the Princess”? And that Princess is you. You said “may ibang ka-date ang mahal na hari at nalungkot ang prinsesa”. And I ask you “the Princess is You, right Yaya?” and you said “Yes”. And you said “ang bait ng daddy mo kaya mahal na mahal ko!” Maya (nadulas): Oo baby!… ay! (tatakpan ang bibig at mapapatingin kay Sir Chief) Sir Chief (biglang matatawa): Your Yaya really said that baby? Abby: Yes Daddy, Akala niya po that time tulog na ko (tatawa). Doris: Maya! di nagsisinungaling ang mga bata. Manang Fe: Maya, totoo ba yung mga sinabi ni Abby? Maya: Manang Fe… (kinakabahan at the same time natatakot) ganito po yun di ko po yun sinasadya. ang una po nun crush lang po kita SC kasi ang bait nyo po, the best daddy po kasi kayo,pinagaral nyo ko. kaya po naging crush ko kayo. Sir Chief: crush mo ko?(wari nabigla) Maya (mag aalangan sagutin, magkakamot sa batok): opo, SC. Donya ESME: continue Maya Manang Fe: Tapos ng tumagal ay may nararamdaman na si Maya na kakaiba. Saksi ako dun. Donya Esme: There you go Maya. Luke: You’re inlove to Dad, Maya!? Maya: Po? Sabel: Pero di ba aalis ka na kapag okay na si Abby? Maya: Oo Sabel. Sir Chief (malulungkot at magsusungit na): We don’t have the right to stop her if she needs to leave now. Manang Fe: Okay na naman si Abby. Pero kelangan mo ba talagang umalis Maya? You can stay here as long as you want. Sir Chief: Don’t force her (sumungit na naman at nag walk out na sa galit). Kinaumagahan, sa Principal’s Office. Maya (papasok at may dalang kape): Sir Chief, kape nyo po. Sir Chief (kukunin ang kape ng hindi nasulyap kay maya): Thanks Maya: Sir Chief, galit po ba kayo sakin? Sir Chief (magsusungit): Hindi pa! So don’t get me mad! Maya (nagulat): Po? Sir Chief: Now, get out! Maya: Out po sa bahay o sa office nyo? Sir Chief: Out from my office! Maya (magring ang phone at titingnan): Simon? Sir Chief (ang sama ng tingin kay Maya): Answer your phone & get out! Maya: O..opo SC! Maya (sinagot na nga ang tawag ni Simon) Sa Kusina… Manang Fe: Maya, Bakit ganyan ang mukha mo? Maya (nakasimangot): Si Simon po Kasi, Nag’aayang lumabas kami, e galit po yata sakin si SC. Manang Fe: Ano ka ba naman bata ka! Magpaalam ka. Maya: Nahihiya po ako e. Luke & Nikki (papasok ng kitchen) Luke (kakain ng saging): May problema ka ba Maya? Maya: Po? Ha? Eh? Wala po. Nikki: Why you’re so tahimik? Maya (mapapatingin kay Manang Fe) Manang Fe: Si Simon, inaaya sya magdate, kaso di makapagpaalam kay Ricardo. Luke: Gusto mo ako na ang magpaalam? Maya: Ha? Naku! Hwag na po Sir Luke. Sir Chief (biglang susulpot sa kitchen atat nasa likod ni Maya) Sir Chief: Bakit M.Fe? Maya (biglang magugulat) Manang Fe: Magpapaalam lang daw sana si Maya kasi inaaya sya lumabas ni Simon. Yun ay kung papayagan mo. Sir Chief (mag’iisip at mapapabuntong’hininga): Manang Fe, pakisabi kay Maya, nasa kanya yun kung gusto nya lumabas kasama si Simon. I have no right to stop her. Luke (hindi mamamalayan nasiko nya ang balat ng saging at nahulog) Manang Fe: Narinig mo naman siguro yun Maya. Maya: Opo Manang Fe. Sir Chief (mapapatingin kay Maya) Maya (eeskapo na): Sige po Manang Fe, pupuntahan ko lang po si Simon este Abby sa kwarto nya. Manang Fe: Siya sige.Maya(nasa tapat na sya ni SC at papangalawang hakbang na ng matapakan ang balat ng saging at madudulas sya) ay! Sir Chief! Sir Chief (makikita si Maya na madudulas at agad nya masasalo to at 10 inch na lang ang lapit ng kanilang mukha) The clock stops Sir Chief at Maya (nagulat sa nangyari, wari ay tumigil ang oras sa pagitan nila, habang nasa music BackGround ang Torete.) (napatingin sa kanila ang mga nakapaligid sa kanila) Doris (nakanganga) Sabel (napatakip ng bibig) Manang Fe (nagulat) Luke at Nikki (gulat, Oh my Gee na nakatakip ang bibig) Sir Chief at Maya (matagal bago nakarecover ang dalawa) Sir Chief: Okay ka lang Maya? (nakahawak pa rin sa likod nya) Maya (tumayo): Opo SIr Chief. Sorry po. (pupuntahan na si Abby) Sir Chief (mapapatingin kay Manang Fe na nakangiti) Manang Fe: Salamat Ricardo at sinalo mo pa rin sya kahit may galit ka kay Maya. Luke at Nikki (exit) Sir Chief (lalapit sa mesa): Manang, hindi naman po ako galit kay Maya. It’s her right to leave kasi nakarecover na si Abby and aside from that I’m not forcing her kasi may mga pangarap pa sya sa buhay, ayoko naman pangunahan sya. Manang Fe (nakangiti): Nagpapasalamat pa rin ako sayo Ricardo. KAsi mula ng dumating si Maya dito sa pamilya mo ay nagbago ka ng paunti-unti. YUn bang nakarecover ka na gaya ni Abby. Sir Chief (mag’smile): It’s okay Manang Fe (babalik na sa office nya). Kinaumagahan. Ready na pumasok sina Sir Chief, Maya at Abby. Sa kotse, hindi kumikibo si Maya, kunwari inaayos ni Sir Chief ang Rear View Mirror at diretsong magsusulyapan sila pero agad din babawi ng tingin si Maya, papaandarin na ni Sir Chief ang kotse hanggang sa maihatid na si Abby, at nasa Time Airways na sina Maya at Sir Chief. Maya (aalisin na ang seatbelt): Sir Chief, thank you po. Sir Chief (pipigilan sa kamay si Maya): Galit ka pa rin ba sa akin, Maya? Maya (di makatingin ng diretso): Naku! Hindi po Sir Chief. Wala po akong karapatang magalit sainyo. Sir Chief (gusto makasiguro): Bakit di ka makatingin sakin ng diretso? Maya (mahihiya): Sorry po Sir Chief, nahihiya lang po ako sainyo kasi po akala ko galit po kayo sakin. Sir Chief (matatawa): No. I’m not mad at you Maya. Kasi its your decision kung gusto mo ng umalis sa bahay kasi nakarecover na naman si Abby. Usapan natin yun di ba? Maya (tatawa): Opo Sir Chief. Pasensya na po talaga. Sir Chief (bibitiwan na ang kamay nya): You may go at baka malate ka pa. Kapit-bisig! (nakangiti) Maya: Sige po, Sir Chief. Xie Xie! Sir Chief: Bao Yao Xien! Take care. Lim Aviation Office Chief: Liza, anong appointment ko today? Liza: After lunch, may meeting po kayo at Time Airways. Sir Chief (biglang smile) Liza (nahalata ang pag’smile nya): May nakakatawa po ba sa sinabi ko Chief? Sir Chief (mapapalingon kay Liza): Ah! Nothing. (pupunta na sa Time Airways with Liza) Time Airways Maya (habang may kausap na client): Mam, we still have 2 slots available for Cebu bound. You can get your ticket Mam at the 2nd floor. Sir Chief: (nakamasid lang kay Maya) Maya: (busy sa monitor ng computer) Client: Good morning Miss Dela Rosa! Any available slot going to Mindoro? Maya: Good Morning (mapapatingin sa client, magugulat!) Sir Chief! Sir Chief: Tinakot ba kita? Maya: Kanina pa po ba kayo dito Sir Chief? Sir Chief: Kararating ko lang. May meeting kami with the directors. Eh nakita kita dito so pinanood muna kita. Maya (mahihiya): Kayo po talaga Sir Chief. Sir Chief: Did I disturbed you? Maya: Naku! Hindi po Sir Chief!Wala pa naman pong kliyente e. (Lalabas si Mam Yna at ang Internship Mentor nila) Mam Yna: Hello Maya! Maya at Sir Chief (sabay tatayo) Maya: Hi po Mam Yna! Oo nga po pala, heto po pala si Sir Chief. Sir Chief (makikipaghandshake): Richard Lim from Lim Aviation Services, Inc. Mam Yna: So, you’re the one whose Maya talking to. Sir Chief: (mapapasulyap kay Maya) Maya: (medyo nahiya ay napakamot ng ulo) Mam Yna and Mentor: Nice to meet you Mr.Lim. Sir Chief: It’s nice to meet you both. Sumulpot ang dalawang co-interns nyang malandi at si Wilson. Jean: Oh my god! (habang nakatingin kay Sir Chief) He’s so handsome. Chelsea: Tara! Pakilala tayo. Lumapit nga ang dalawa kina Sir Chief at nagpakilala. Tumaas ang kilay nina Mam Yna at Maya. Mam Yna: Ahm! Excuse me girls, Mr.Lim has a meeting right now so let go of him. Interns Mentor: Mr.LIm, do you need something to drink? Sir Chief: Coffee please. Jean: Do you want me to give you a coffee, Sir? Sir Chief (napaisip at lumingon kay Maya): If you don’t mind Miss Dela Rosa, patimpla naman ng coffee? Maya (nagulat): Ako po, Sir Chief?! Sir Chief: Yes. Can you? Maya (napatingin sa mga nakapaligid sa kanya): Okay po Sir Chief. Nagtimpla na sya ng kape at as expected, nasarapan sya sa kape ni Maya. Nag-smile si Sir Chief sa kanya at nakita ito ng lahat. 4pm. Katatapos lang ng meeting ni Sir Chief. Pinuntahan nya si Maya sa front desk. Sir Chief: Di ka pa ba uuwi, Maya? Maya (napatingin sya sa dalawang maarteng co-interns nya): Mauna na po kayo Sir Chief. Sir Chief: Why? Maya: Kasi po… Mam Yna: Go ahead Maya. Your shift is over. Pwede ka nang sumabay kay Mr.Lim. Sir Chief: Dadaanan pa natin si Abby sa play school nya. Maya: Opo Sir Chief. Babye po Mam Yna. Mam Yna: Bye Maya. Take care of her Mr.Lim. Sir Chief: I will. Thanks. Inalalayan sya nito sa siko. Pumunta na nga sila sa Play School ni Abby. Sir Chief: How school baby? How many stars did you get? Abby (ipapakita ang stars): I’ve got 6 stars Daddy. Sir Chief: Very good. Maya (mag-ring ang phone): Simon? Sir Chief (kunot-noo): Answer the phone, Maya. Maya: Opo Sir Chief. Excuse me po. (kausap na sa phone) Hello Simon! Bakit ka napatawag?… Gusto mong lumabas tayo? Hindi ko alam kung papayag si Sir Chief (lilingon kay Sir Chief). Hindi nagkikibuan sa kotse ang dalawa hanggang sa makarating sa mansyon. Wala pa ring kibo si Sir Chief. Kinaumagahan, inihatid ni Sir Chief sa Time Airways si Maya. Time Airways Office Mentor: Interns, as we all know that one day we all need to go our separate ways to continue and finish our Hands-on Interns. Whom I’ll be calling to would be assign to Hongkong Time Airways branch… Miss Dela Rosa, Maya. Wilson: Hanep Ate Maya! Makakapunta ka na sa HK. Maya (hindi makapaniwala sa sinabi ng Mentor niya): Talaga po Mam? Mentor: Yes, Miss Dela ROsa. Maya: Thank you Mam. Maya, tatawagan si Kute para sabihin ang Good news. Kute: Talaga bunso! Di ba pangarap mo makapunta dun. Maya: Oo Kute. Kute: Nakapagpaalam ka na ba sa Sir Chief mo? Maya: Hindi pa e. Pag-uwi ko sasabihin ko. Kute: Goodluck bunso. Maya: Salamat Kute. Sinundo si Maya ni Simon at inihatid sa mansyon. Sa kitchen nag-ipon-ipon sina Maya, Manang Fe, Doris at Sabel. Manang Fe: Talaga Maya? Naassign ka ng mentor mo sa Time Airways HK? Maya: Opo Manang Fe. Sabel: Nasabi mo na ba yan sa Sir Chief mo? Maya: Hindi pa nga e. Nahihiya ako. Doris: Aba! Dapat sinasabi mo na yan kasi maghahanda ka pa ng mga papeles mo. Maya: Subukan ko pong sabihin mamaya. Nagdala ng kape si Maya sa Principal’s Office Maya: Sir Chief, kape po. Sir Chief: Thanks. Maya (nakatayo, nag-aalangan) Sir Chief (napatingin sa kanya): May kelangan ka, Maya? Maya: Kasi po Sir Chief, sinabihan na po kami ng Mentor namin na magready na kami para sa next step po ng Internship namin sa ibang lugar. Na-assign po ako sa ibang lugar. Sir Chief (naging seryoso): What country ka na-assign? Maya: Sa Hong Kong po, Sir Chief. Sir Chief (natigilan at napabuntong-hininga, kumunot-noo): Kelan ang alis nyo? Give me your credentials at ako na mag-aayos ng travel itinerary mo. Maya: Okay lang po ba yun sainyo, Sir Chief? Di po kayo galit? Sir Chief: Why should I? Di ba matagal mo ng pangarap na makapunta doon? Maya: Opo Sir Chief. Sir Chief: Just give me your credentials and I’ll do your flight schedule. Maya: Salamat po talaga Sir Chief! (lalabas ng Principal’s Office) Sir Chief (mapapatingin sa malayo at parang ayaw gawin ang sinabi kay Maya): I should be happy for her. Pero bakit nagkakaganito ako. Time Airways Office Kinausap si Maya ng Ms.Yna at ng Mentor nya. Ms.Yna: Maya, your flight should be next week? May nag-aasikaso na ba ng travel itinerary mo? Maya: Opo Mam. Yung boss ko na po ang nag-aayos. Mentor: Good. Wilson: Goodluck. Maya: Salamat Wilson. Sa Principal’s Office Sir Chief (ibinigay kay Maya ang travel itinerary nya): Your flight would be next week. First class. Maya: Po!? First class po? Sir Chief: Yes. I want you to relax before you begin your last step as Flight Stewardees. Maya: Naku! Sobrang thank you po talaga Sir Chief. Pero paano po si Abby? Sir Chief: Magpaalam ka na lang sa kanya ng maayos (ibinalik na ang pansin sa ginagawa) Maya (aalis na sa Principal’s Office at pupuntahan si Manang Fe): Manang Fe! Ito na po. Next week na po ang alis ko. M.Fe: Masaya ako para sayo. Aalis ka na dito Maya. Mag-ingat ka parati. Maya: Opo Manang Fe. After a week. Sa labas ng bahay. Sir Chief: Di na kita maihahatid Maya. May meeting pa kami this morning. Maya: Okay lang po yun Sir Chief. Si Kuya Joma na lang po maghahatid sakin. Sir Chief (pinaandar na ang kotse) Maya: Tara na Kuya Joma. Inihatid na nga sya ni Joma sa Airport. Joma: Paano ba yan? Babye na lang. Magkikita pa kaya tayo? Maya: Siguro naman po Kuya Joma. Salamat. Pumasok na sa loob si Maya. Kinagabihan, sa mansyon. Tahimik ang lahat sa hapag-kainan, animo biyernes santo ang mga mukha. Hindi nagkikibuan. Si Nikki at Luke, nakikiramdam sa Daddy nila. Abby: Daddy, is Yaya coming back? Sir Chief: We don’t know baby. Even though Yaya isn’t around na, don’t forget what Yaya teach you, okay baby? Abby (yayakapin ang Daddy nya): I do Daddy. Bumalik na naman sa dati si Sir Chief, malungkutin at masungit minsan. Magsasalita lang kung may kinakausap o may nagtatanong. Minsan nag-aalangan pa magtanong sa kanya. Si Manang Fe lang nagkakalakas ng loob kausapin sya. 5 years later… Hong Kong Sir Chief: Liza, book me a flight pauwi ng pilipinas. First class. For two. Liza: Yes Sir Time Airways HK Flight Attendant: Flight going to Philippines is now ready to take-off. Sir Chief: Excited to go back to Philippines, baby? Abby: Yes Daddy. Sir Chief (nakayuko at chenicheck ang phone) Flight Stewardees: Flight TA 801 is now ready to take off. Please fasten your seatbelt everybody. Abby (magugulat sa maririnig na boses, niyugyog ang Daddy nya): Daddy, isn’t it Yaya? (sabay turo sa flight stewardeea) Sir Chief (mapapalingon sa nagsasalita, at magugulat): Absolutely Baby. Abby (tatakbo sa mga flight stewardees): Yaya!!!!! Flight Stewardees (magugulat): Baby!!!! Maya at Abby (magyayakapan at maiiyak si Maya) Maya: Kumusta ka na baby? Ang laki mo na ah! (akap ulit si Abby) Sinong kasama mo? Sir Chief (masayang-masayang lalapitan si Maya) Maya: Sir Chief!!!! Kumusta na po kayo? Sir Chief (ngiting-ngiti): I’m okay MAya. How about you? Maya: Okay lang po ako Sir Chief. Oh baby, upo ka muna ha kasi mag-take off na ang airplane natin, okay? Abby: Yes Yaya! Sir Chief at Abby (babalik sa kinauupuan) Maya: Mag babye kay Abby. NAIA Sir Chief: May lakad ka pa ba Maya? Maya (magtataka): Bakit po Sir Chief? Sir Chief (mag smile): Gusto ko sana isurprise sina Manang Fe kasi nakita ulit kita after 5 years. Maya: Sige po Sir Chief. Miss ko na rin naman po itong makulit na alaga ko. Sir Chief (kukunin ang phone): Hello Manang Fe, may surprise ako sainyo pag-uwi namin dyan ni Abby. Manang Fe: Bakit? Ano ba yun Ricardo? Sir Chief: Kaya nga surprise di ba? Manang Fe: Oh sya! Sige na. Umuwi na kayo dito at nagpaluto ako ng paborito mo kina Doris at Sabel. Sir Chief: Okay (ibinaba ang phone). Let’s go. (pinagbuksan ni Sir Chief ng pinto ang dalawa) Sa Mansiyon Sir Chief (unang pumasok ng bahay): I have surprise for all of you. Nikki: What is it Daddy? Sir Chief: Pwede ka ng pumasok. Maya at Abby (magkasabay pumasok) Sabel, Doris at Manang Fe: Maya!!!!! Nag-yakapan sila. Iyakan. Sadyang natatawa si Sir Chief at Abby. Sir Chief: Enough of that. Let’s eat muna at gutom na kami ni Abby. Kumain na nga sila. Ang saya-saya ni Sir Chief ng mga oras na yun. Panay ang tawanan nila sa mga kwento ni Maya. Nagkaingay ulit ang mansyon. Sa Porch. Habang umiinom ng kape sina Maya at Sir Chief. Sir Chief: Magkwento ka naman sakin. Kumusta ka na Maya? Asawa mo na ba si Simon? Maya (nasamid): Naku! Hindi po Sir Chief! Ang totoo po nyan wala pa po akong boyfriend. Sir Chief: Until now?! But why? Maya: Magkaibigan lang po talaga kami ni Simon. Sir Chief: Ganun ba Maya: Opo Sir Chief. Nadala ko na po pala sina Manang, Nanay, Kute at Cho sa Disneyland Sir Chief. Ahm, pwede po ba magtanong Sir Chief? Sir Chief: Of course! Go ahead MAya. Maya: Bakit po hanggang ngayon di pa rin kayo nag aasawa? Sir Chief (umayos ng upo): Maybe because gusto ko muna matupad ang pangarap nya sa family nya. ‘Yan kasi ang pangarap nya. After nya magawa yun, saka ako gagawa ng move. Napanganga si Maya. Iniisip nya kung sino tinutukoy ni Sir Chief. Maya: Ganun po ba. Sir Chief: SIguro naman nasabi mo na sa Nanay mo yung sekreto mo noon. Maya (matatawa): Ah! Opo Sir Chief. Nasabi ko na po kina Mamang at Nanay yun ng magpunta po sila sa HK Disneyland. Sir Chief: Siguro naman naintindihan nila yun. Maya: Opo Sir Chief. Sir Chief (ipapatong ang siko sa lamesa): Pwede ba kaming pumunta nina Abby, Luke at Nikki sa probinsiya nyo? Para maiba naman ang ambiance ng paligid nila at makasagap sila ng sariwang hangin. Maya: Oo naman po Sir Chief. Kelan nyo po gusto? Sir Chief: Tomorrow. Maya: Sige po. Yun lang po pala. Hwag po kayong mag-alala Sir Chief, kami po ni Kute ang magiging Tour Guide nyo. Dati ko pong trabaho yun. Sir Chief (nag smile): Sige. Magpahinga ka na para maaga tayo bukas makabyahe. Sir Chief: OPO Sir Chief. Kinaumagahan Luke: Grabe Maya, makakapunta na rin kami sa wakas sa probinsya nyo! Nikki: I’m expecting this vacation to be as exciting as our Baguio trip. Luke: Oo naman Niks! SC: Maya, dito ka na sakin sumabay kasi siksikan na sila sa van at para hindi ulit ako antukin. Maya: Opo Sir Chief. Ako pa. Di po kayo aantukin sakin. Umalis na nga sa mansyon sina Sir Chief, Abby, Luke, Nikki, Joma, Manang Fe, Sabel at Doris. Nag RORO na din sila. Mindoro Pier Maya: Surprise po natin sina Kute Sir Chief at tiyak magugulat yun satin. Sir Chief: Of course. Walang kaalam-alam sina Kute sa mangyayari. Lalabas sana si Kute sa bahay ng makita si Maya. Maya: Kute!!!! Kute: Maya!!! Kumusta ka na? (tatawagin ang Nanay nya) Nay! Si Maya nandito! Saka umakyat sina Sir Chief. Sir Chief: Hi Kristina Rose! Kute: Sir Chief?! Magkasama po kayo ni Maya? Sir Chief: Yes. Long story (naka-smile) Mamang at Nanay (matutulala kay Sir Chief) Mamang: Apo sino siya? Ang gwapo naman ng kasama mo! Sir Chief at Maya (Matatawa sa reaksyon ni Mamang) Maya: Nay, Mamang! Siya po ang Daddy ng inaalagaan kong cute na cute na bata na to. Sir Chief (iaabot ang kamay): Richard Lim po. Sir Chief, Mamang at Nanay: nagkamayan. Mamang: Kristina Rose, paano mo nakilala itong si Richard? Kute (nagkamot ng ulo): Mamang naman e, naikwento na namin yan sayo ni Maya doon sa HK Disneyland di ba?! Nanay: Oo nga naman Nay. Limot nyo na agad? Mamang: Ay! Oo nga pala. Pasensya naman. Matanda na e. Sir Chief (mag-smile): It’s okay po. Maya: Oo nga pala Mamang, Nay Sina Doris, Sabel, Manang Fe at si Joma, Luke at Nikki. Panganay at pangalawang anak ni Sir Chief. Habang nasa hapag-kainan ang lahat. Mamang: Richard, iho, dumito muna kayo ng pamilya mo at ng maipasyal kayo nitong si Maya. Sir Chief: Yan po talaga ang balak namin. Maya: Mamang, lahat tayo magbabakasyon. Cho: Talaga Ninang? Mamamasyal po tayo? Maya: Oo naman Cho. Ikaw pa. Cho: Ninang, ang cute naman ni Abby. Sir Chief at Abby: (mapapatingin sa isa’t isa.) Abby: Yaya, is he your nephew Cho, yung binigyan ko ng friendship bracelet? Cho: Ako nga yun, Abby. Thank you dito sa bracelet (ipinakita ang bracelet) Abby: Your welcome! Maya: Sir Chief, anong oras nyo po gustong mamasyal bukas? Sir Chief: Early morning. Maya: Sige po. Nanay Teresita: Maya, anak, samahan mo sila sa isang kwarto. Maya: Opo Nay. Sabel: Maya, pwede ba share tayo sa room mo? Maya (mapapangiti): Oo naman Sabel. Doris: Ako din Maya. Nikki: Me too! Can I sleep with Maya, Daddy? Sir Chief (matatawa): Of course Niks. Sa isang kwarto na lang kami nina Joma at Luke. Maya: Sige po. Manang Fe: Maya, pwede ba ko makitulog sa Mamang at Nanay mo? Maya (titingin sa dalawa): Sige po Manang Fe. Abby: Daddy, can I also sleep with Yaya? Sir Chief: Of course baby. I know how much you missed your Yaya. Abby: Thank you Daddy. Sir Chief at Maya: (magkakatinginan at matatawa) 9pm. Halos tulog na ang lahat. Sa kwarto nina Mamang, Nanay at Manang Fe. Nanay: Manang Fe, kumusta po ang anak ko nung nasa mansyon pa sya ni Sir Ricardo? Manang Fe: Okay syang bata. Ang totoo nga nyan, nang wala pa yan sa mansyon si Maya, si Ricardo, sobrang malungkot yan kasi namatayan ng asawa, masungit minsan pero mabait yan. Pero ng dumating si Maya sa mansyon, unti-unti yang nagbago. Lagi ng nakatawa. At lagi ng maingay at masaya ang bahay. Napakabait na bata nyang si Maya. Laging positibo ang pananaw sa buhay. Sabi nga nya “Kapit-bisig para laging good vibes!”. Pero kapalit nga ng pag-aalaga ni Maya kay Abby ay pinag aral sya ni Ricardo dito sa Maynila. Sa balkon, habang nagkakape sina Sir Chief at Maya. Sir Chief: Maya Maya: Bakit po Sir Chief? Sir Chief: Bakit hanggang kaibigan lang ang tingin mo kay Simon? Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Maya: (napatingin kay Sir Chief, at napaisip ng “kayo po”) Hanggang doon lang po kasi talaga ang nararamdaman ko kay Simon. Ahm, tungkol naman po sa gusto ko sa isang lalaki, e, yung bigla na lang po ako maiinlove sa kanya. Sir Chief: Nabanggit mo na yan sakin sa Baguio di ba. Maya (matatawa): Ay! Oo nga po pala. Sorry po. Sir Chief: May iba ka pa bang gusto sa isang lalaki? Other than that. Maya: Ang totoo po nyan, ang gusto ko po sa isang lalaki ay yung NAGPAPAKABA at nagpapaTORETE sakin kapag kausap ko sya. Yun po. Sir Chief (biglang natawa): Maya, joke ba yan? Maya: Sir Chief, promise! Totoo po yun. I swear! Hope to die! Ay! Wag lang po yung die. Sir Chief: Kakaiba ka talaga Maya (iinom ng kape) Maya (mapipilitan matawa): Sabi ko nga po. Kakaiba ako gaya ng alien. Sir Chief (tumawa na ng tumawa): Enough for tonight Maya. Let’s rest. Maaga pa tayo bukas. Maya: Sabi ko nga po Sir Chief. Sige po. 5am. Sir Chief: Are you ready guys. Where’s our tour guide? Sabel: Oo nga. Nasan na nga pala si Maya. Maya: Nandito na ko. Sabay lingon sa kanya ng lahat. Ang sweet ng smile sa kanya ni Sir Chief. Sir Chief: Maya, dito ka na sa kotse ko sumabay. Para di ako antukin. Kute: Oo nga naman Maya (sabay siko sa tagiliran ni Maya) Maya: Sige po Sir Chief. Napadpad sila sa isang lugar na mapuno at masarap ang simoy ng hangin. Naglatag sila at doon nagpiknik. Maya: Sino ang gustong sumama sakin, aakyat ako ng puno ng manga? Nagtaas ng kamay sina Sir Chief, Abby, Nikki at Luke. Sumama ang mga ito dito. Umakyat si Maya. Sir Chief: Maya, bumaba ka nga dyan at baka mahulog ka dyan. Abby: Yaya, come down. Maya: Kayang-kaya ito ni Yaya, baby. After 20 minutes ay naramdaman ni Maya na may nangangagat na langgam sa kanyang paa at kamay at bigla syang nadulas at nahulog, buti na lang at maagap si Sir Chief at nasalo sya, tilian ang lahat, sabay tugtog ng music na “Pls BCWMH”, animo’y tumigil ang oras between Sir Chief at Maya. Huling-huli ng lahat ang napakatagal na titigan nina Sir Chief at Maya. Si Sir Chief na ang pumutol ng katahimikan nilang dalawa) Sir Chief: Are you okay, Maya? I told you mahuhulog ka. Ang kulit mo. Maya (medyo mahihiya): Sorry po Sir Chief. Pwede nyo na po ako ibaba. Ibinaba na nga sya ni Sir Chief. Sabel: Manang Fe, nakita mo yun, sobrang lagkit ng titigan nina Sir Chief at Maya. Bagay sila noh?? Manang Fe: Ano ka ba Sabel. Nakakahiya sa pamilya ni Maya (lilingon kina Nanay at Mamang) Mamang: Fe, may gusto ba yang si Richard kay Maya? Manang Fe (susulyap kay Sabel): Hindi ko masasabi yan. Nanay: Halata naman sa titigan nila kanina e. Mamang: Di ba sabi mo Fe, nang dahil kay Maya, nagbago si Richard. Manang Fe: Oo. Bakit? Mamang: Yun na. Manang Fe: Anong ibig mong sabihin? Nanay Tere: Nay naman! Hwag nyo ng kulitin si Manang Fe. Manang Fe: Hindi. Okay lang yan Teresita. Mamang: Halata naman sa mga lalaki yan. Kanino ba sila nagiging masaya? Manang Fe: Kapag sila lang ang magkausap, lagi silang nagtatawanan. Kapag may tampo ang isa, di nakakatiis ang isa sa kanilang di mag-usap. Mamang: Yun na nga yun. Manang Fe: Anong ibig mong sabihin? Mamang: Basta. Yun na yun. Nanay Tere: Nay, akala ko ba boto ka kay Simon? Mamang: Oo nga. Susubukan ko anh karakas nitong si Ricardo. Nanay Tere: Karakas? Mamang: Karakas! Ang tibay. Nanay Tere: Nay naman e! Tigilan mo na nga yan. Mamang: Ano ka ba naman Teresita! Madali lang ito. (lilingon kay Manang Fe) Fe, pwede mo ba tawagin si Ricardo? Manang Fe: Oo naman. Sandali lang (pupuntahan sina Sir Chief at Maya, pagbalik nya ay kasama na nya si Sir Chief) Sir Chief: Bakit po Mamang? Mamang: May ipapagawa sana ako sayo, kung pwede? Sir Chief: Of course. As long as I can. Mamang: (ilalabas ang isang baso ng pulang siling labuyo) Nanay Tere: Mamang naman! Maawa ka naman dyan kay Sir Richard. Sir Chief: Do you want me to eat this, Mamang? Mamang: Bakit? Hindi mo ba kaya Ricardo? Sir Chief: Of course. I can Mamang. Maya (pupuntahan sina Sir Chief): Mamang, ano po ba yan? Mamang: Sili lang naman to Maya. Maya: Po?! (magtatakip ng bibig) Nanay: Sabi ko nga kay Mamang tigilan na yan e. Maya (pipigilan si Sir Chief sa pagsubo ng sili): Sir Chief! Sir Chief (hahawakan sa kamay si Maya): It’s okay Maya. I can do this. (kinain na nga ni sir chief ang mga sili. Maya: (di maipinta ang mukha habang pinapanood na kumakain ng sili si sir chief) After 15 minutes… Natapos nga ni Sir Chief ang pagkain ng sili. Pulang pula ang mga labi nito at namumula ang mukha sa anghang at talagang pawisan. Pinunasan ni Maya ang mukha ni Sir Chief at bigla syang pinigilan nito sa pagpupunas at nahawakan ang kamay nyang may face towel. Nagkatitigan na naman sila ng matagal. At kitang kita nina Mamang ang lagkit ng titigan ng dalawa. Kaya pala iyon ginawa ni Mamang para makita mismo ng harap harapan ang pagtitinginan ng dalawa. Pero di iyon alam nina Maya at Sir Chief. Si Mamang lang talaga ang nagolano nun. Kaya ganun na lang ang pagkabigla ni Nanay Tere. Nag usap sa isang sulok sina Maya, Tere at Kute. Nanay: Anak, may gusto ka ba sa boss mo? Maya: Nay, ano naman klaseng tanong yan? Nay: Sagutin mo lang ang tanong ko anak. Kute: Nay, pwede ba tigilan nyo na yan. Porke ba malagkit na titigan nila kanina, may something na agad sila. Di ba pwedeng komportable lang talaga sila sa isa’t isa. Nay: Nak naman. Magkalayo ang agwat ng edad nyo. Magkaiba ang estado ng buhay nyo. Maya: Nay. Ano po ba yang sinasabi nyo. Mabait lang po talaga si sir chief. okay. (lilingon kina sir chief at nalungkot) TABING DAGAT – SAME DAY . Habang nagkakainan ng BBQ sina Nikki ay nagkasarilinan sina Maya at Luke. Maya (habang kumakain ng BBQ) (to Luke): Sir Luke, kumusta na po kayo ni Mam Joey? Luke (to Maya): Ayon, okay na kami ni Joey. Maya (to Luke): Bakit po? Nag-away po kayo ni Mam Joey? Luke: Hindi naman. Misunderstanding lang. Maya: Pero Sir Luke, hinay-hinay lang po sa panliligaw kay Mam Joey ha, mga bata pa po kayo e. Gawin nyo na lang po syang inspirasyon. Luke: Yun nga ang ginagawa ko, Maya. Pero Maya, ano bang gusto nyong mga babae? Maya: Ano pong ibig nyong sabihin nyo Sir Luke? Luke: What makes you happy? Maya: Depende naman po yan sa mga babae. Basta po ang mahalaga napapasaya mo ang taong gusto nyo. Luke: Ganun lang??? Maya: Opo Sir Chief.. este Sir Luke. Luke (matatawa sa nasabi ni Maya): Thanks Maya. You’re the best. Maya: Wala po yun Sir Luke. Sir Chief (biglang sisingit kina Luke): What’s up? Did I miss something? Luke: Nothing Dad. (to Maya) sige. the best ka talaga. thanks sa advice (pupuntahan sina Nikki) Maiiwan sina Maya at Sir Chief. Maya: Sir Chief, kayo po pala. Gusto nyo po ng kape? Sir Chief: I’m okay, Maya. I just want to thank you for doing something for Luke. The way Luke thank you for giving an advice. I really appreciate it. Maya: Wala po yun, Sir Chief. Basta po para sainyo– Sir Chief (mapapataas ng kilay) Maya: Este sa pamilya nyo po. Sir Chief (mag-smile) Pumunta naman sila sa isang Amuzement Park. Abby: Ang ganda dito, Daddy. Sir Chief: Yes, baby. Luke: Niks, tara dun tayo sa roller coaster. Nikki: Ayoko Kuya. I’m scared. Luke: Niks, para saan pa at nagbakasyon tayo dito kina Maya kung di mo susubukan ang mga exciting rides nila. Tara na. Maya (sisingit sa usapan): Ahm, Mam Nikki, ganito po ang gawin nyo, kapag umandar na po ang roller coaster, pumikit po kayo, damhin nyo po ang simoy ng hangin at pwede rin po kayong sumigaw para matanggal ang takoy nyo. Nikki: Do you think it will work, Maya? Maya: Oo naman po Mam Nikki. Yan po ang lagi kong ginagawa. Sir Chief: You can do it, Niks. Nikki: (bubutung-hininga) Luke (hihilahin si Nikki): Tara na. Sumakay na nga sila. Ginawa nga ni Nikki ang advice sa kanya ni Maya. Hanggang sa matapos ang ride na yun. Pagbaba nila… Maya: Kumusta po Mam Nikki? Ano pong nararamdaman nyo? Nikki (bubuntung-hininga, at biglang yayakapin si Maya): Thank you so much Maya. You help me again in times like this. Thank you. I ‘d enjoyed a lot. Maya: Wala po yun, Mam Nikki. Naghanap na ulit ng rides ang magkakapatid. Susunod na sana si Maya sa tatlo ng pigilan sya ni Sir Chief sa kamay. Sir Chief: Maya.. Maya: Bakit po Sir Chief? Sir Chief (binitiwan ang kamay nya): Thank you for guiding Nikki dito sa roller coaster. You really helped her a lot. I’m impressed. Maya: Your welcome po Sir Chief. Kinaumagahan. Sa bahay ng pa,ilya Dela Rosa Maya (habang naghahanda para magpunta sa tyangge) Nanay Teresita (makikita si Maya): Anak, pupunta ka na ba sa tyanggean? Maya: Opo, Nay. Nanay Teresita: Gusto mo samahan na kita? Maya: Si Nanay talaga! Hwag na po. Sir Chief (lalabas ng room at makikita si Maya): Saan ka pupunta, Maya? Maya (mapapatingin kay Sir Chief): Dyan lang po sa tyanggean, Sir Chief. Sir Chief: I’ll come with you. Maya: Naku! Hwag na po Sir Chief. Kaya ko naman po. Sir Chief: I’m your boss. So, I insist. Maya (mapapakamot ng batok): Sige na nga po, Sir Chief. Sir Chief (mapapangiti): Let’s go. Pumunta na sila sa tyanggean. Napakaraming tao at dahil sanay si Maya sa tawaran, marami ang napamili nila. Natatawa na lang si Sir Chief. Napadako sila sa isang tindahan ng may marinig si Sir Chief… Customer: May magnanakaw!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Maya (magpapanic): Hala Sir Chief! Sir Chief: Don’t panic, Maya. Magsisimula ng magsitakbuhan ang mga tao at nagkakagulo na. Hahawakan ni Sir Chief ang kaliwang kamay ni Maya habang nakatingin sa mga taob at hinila sya palayo ng tyangge at may makikita si Sir Chief na isang pader, isinandal nya doon si Maya at ginawa ni Sir Chief na pananggalang sa mga tao ang likod nya. Sir Chief: Close your eyes, Maya. Pero imbes na ipikit ni Maya ang mga mata ay tinitigan ni Maya ang mukha ni Sir Chief habang nakayuko ito pero nakatingin sa mga tao ang mga mata. Matagal bago humupa ang kaguluhan. Napatingin si Sir Chief kay Maya sa labis na pag-aalala. Magkakatitigan sila ng matagal (music background ng Please BCWMH version nilang dalawa) Babasagin ni Sir Chief ang katahimikan nila ni Maya. Sir Chief: Okay ka lang, Maya? (habang nakahawak pa rin sa kamay ni Maya) Maya (tulala lang) Sir Chief: Maya! Maya (matatauhan): Maya!… Ay! Sorry po, Sir Chief! Sir Chief: Okay ka lang ba? Maya: Okay lang po ako, Sir Chief (mapapatingin sa kamay nilang dalawa at ibabalik ang tingin kay Sir Chief) Sir Chief (kunwari hindi napansin ang pagtingin ni Maya sa kamay nila): Are you sure you’re okay? Maya: Opo, Sir Chief. Sir Chief (hindi bibitiwan ang kamay ni Maya, instead ay hihilahin sya palabas ng tyanggean, mapapangiti si Sir Chief na di makikita ni Maya) May makikitang ice cream booth si Sir Chief. Bibili sya ng isa at dahil hawak ni Sir Chief sa kaliwang kamay si Maya, inilapit nya sa bibig ni Maya ang ice cream at pinakain nya, then si Sir Chief naman ang kumain ng ice cream hanggang sa maubos. Later on, kumuha ng panyo si Sir Chief (ang panyo ay bigay ni Maya) at pinunasan sa mukha si Maya dahil pawis na rin ito. Maya: Thank you po, Sir Chief. Ngiti lang ang sinagot ni Sir Chief at hanggang sa mga oras na yun ay hindi pa rin sya magawang bitiwan ni Sir Chief. Marami ang napapatingin sa kanilang dalawa at may nangahas ngang magtanong… Eloisa: Ate Maya! Maya: Oh! Eloisa! Eloisa: Ang gwapo naman ng kasama mo Ate Maya! Boyfriend mo ba sya? Maya (itatangge sana ang sinabi): Ay! Naku! Bo— Sir Chief (sisingit sa usapan): Yes! Eloisa: Ah! Ang gwapo talaga ng boyfriend mo, Ate Maya! Maya: Huh? Ah? Eh? Sir Chief (hihilahin na si Maya papunta sa kotse at pagbubuksan sya ng pinto at papasok na din sa kotse) Maya (nakanganga pa rin sa sinabi ni Sir Chief kay Eloisa) Sir Chief (mapapansin ang pagkakatingin sa kanya ni Maya): What? Maya (matatauhan): Ah! Wala po, Sir Chief. Uwi na po tayo. Sir Chief (paaandarin na ang kotse para makauwi na sila sa bahay) Hindi na natanggal sa mukha ang smile ni Sir Chief. Sa bahay. Nanay Teresita (sasalubungin ang anak): Anak! Buti naman at dumating ka na. Balita ko may nangyaring kaguluhan doon sa tyangge? Maya: Oo nga po, Nay. Pero hwag po kayong mag-alala, okay naman po kami ni Sir Chief. nanay Teresita: Buti naman! (may maaalala) Oo nga pala! May bisita ka. Maya (magtataka): Po? Sino po? (mapapalingon kay Sir Chief) Sir Chief (titingin din kay Maya) Nanay Teresita: James Ventura daw pangalan, anak. Maya: Ah! Si Sir James po! Sige po nanay! Aakyat na po ako. Nanay Teresita: Sige, anak. Lalapitan ni Nanay si Sir Chief. Nanay Teresita: Sir Richard, sa tingin nyo po, manliligaw kaya yun ni Maya? Seryoso kaya yun sa anak ko? Sir Chief (bubuntung-hininga): Malamang walang gagawing tama yun kay Maya. But I knew Maya very well. Hindi sya papasok sa isang bagay na pagsisisihan nya. Nanay Teresita: Sir Richard, salamat po sa pagtitiwala kay Maya. Sir Chief: It’s nothing as to compared to the things that she did to my family. It’s priceless. Aakyat na sa taas sina Sir Chief at nanay Teresita, magkikita ulit sina Sir Chief at James. Maya: Gusto mo ba ng kape, Sir Chi—- (ipipilig ang ulo) Sir Chief (mapapatingin kay Maya) Maya: Este James? James: Yes please. Maya: Sige. Pahintay lang ha! (pupunta sa kusina) Sir Chief at James (mag-uusap) James: Mr. Lim, aware naman po siguro kayo sa gestures ko kay maya, hindi ba? Sir Chief (magtataka): What do you mean? James: With all due respect Mr. Lim, pwede ba ko magpatulong? Sir Chief: About what? James: About Maya. Sir Chief: What about her? James: Gusto ko po sana tulungan nyo ko manligaw kay Maya, kung di nyo mamasamain? Sir Chief: Bakit humihingi ka pa sakin ng tulong? You can do it by yourself, don’t you? James: Medyo dinadaga ako e. Sir Chief: How many girlfriend’s do you have in the past? James: I had 3 past relationships. Tinamaan ako kay Maya e. So, can you be my bridge kay Maya? Sir Chief (bubuntung-hininga): It depends on Maya kung gusto nya. James: Pero Mr. Lim, tutulungan nyo naman ako, di ba? Sir Chief (makukulitan na): Fine! But I can’t promise. James (makikipag-handshake): Yes! Thank you Mr. Lim! The best ka talaga! Maya (ibibigay ang kape kay James) Sir Chief: Excuse me (pupunta sa room) After 3 hours ay aalis na si James. Sir Chief (lalabas ng room at pupunta sa may bintana) Maya (lalapitan si Sir Chief): Sir Chief, gusto nyo po ng kape? Sir Chief (tatango) Maya: Sandali lang po (pupunta sa kusina at magtitimpla ng kape afterwards ay babalik para ibigay ang kape kay Sir Chief): Ito na po yung kape nyo, Sir Chief. Sir Chief (kukunin ang kape at hihigop, smiling): Maya, may I ask you something? Maya: Ano po yun, Sir Chief? Sir Chief: Kung sakaling magpatulong sakin si James na manligaw sayo, papayag ka ba? Maya (mapapaisip): As in magiging tulay po kayo? Sir Chief: Something like that. Kung papayag ka? Maya (lilingon sa labas ng bintana at bubulong sa hangin): Kung papayag po kayong magpaligaw ako sa iba. Sir Chief (maririnig): Ano yun, Maya? Maya: Ah! Wala po, Sir Chief. Sino naman po ako para magpaligaw sa kanya e hindi naman po ako maganda. Sir Chief (iiling): You’re wrong, Maya. You look good. Maya (mamamangha sa narinig): I look good, Sir Chief? Sir Chief: Fine! You are gorgeous. So, papayag ka ba? Maya: Kung papayagan nyo po ako, Sir Chief. Sir Chief (sisimangot ng kunti): Why are you asking me? Hindi naman ako ang liligawan. maya: Pero tutulungan nyo po si Sir James na mapa-oo ako? Sir Chief (makukulitan): I’ll think about it. Maya: Ibig pong sabihin, humingi nga po sya ng tulong sainyo na ligawan ako?! Sir Chief (mapapa-amin): Yes, but I can’t promise. Maya: Bakit po Sir Chief? Sir Chief (mapapa-isip): I don’t know. Maya (titingin ulit sa labas ng bintana at bubulong sa hangin): You don’t know o ayaw nyo lang? Sir Chief (maririnig si Maya): May sinasabi ka, Maya? Maya: Po? Wala po. nanay Teresita (lalapit kina Maya): Anak, may palaro daw bukas sa bayan, gusto mo pumunta tayo para malibang sina Sir Richard? Maya (lilingon kay Sir Chief): Gusto nyo po bang pumunta, Sir Chief? Sir Chief: It’s okay. Exciting yan. Kids loves outdoor games. Nanay Teresita: Sige. Bukas punta tayo doon. The next day (Bayan ng San Nocolas) Ang games nila ay Stop Dance, Paper Dance at Eating Hanging Aplles. Sumabak sina Doris, Sabel, Luke at Nikki. Nag-enjoy ang lahat. Sumunod ay Paper Dance, magkapareha sina Doris at Joma, Sabel at nanay Teresita, Kute at Pards. Tawa na lang ang magagawa mo kina Doris at Kute. Ang nanalo nga sa Paper Dance ay sina Kute at Pards. Ang pinakahuling game ay Eating Hanging Aplles. itinulak nina Doris at Sabel si Maya. Emcee: Kelangan may partner si Ate Maya! Sir Chief (sisingit sa Emcee0: I’ll be her partner. Nagsigawan ang lahat at nagkatuksuhan pa. Natatawa lang si Sir Chief. Pumwesto na sina Sir Chief at Maya. Kabado, torete at hindi mapakali si Maya. Sir Chief (hahawakan sa kamay si Maya): Just relax. Kakagatin ko lang ang apple para di gumalaw at ikaw ang kakain, okay? Maya: Opo, Sir Chief. Nagsisimula na ang game. Hiyawan ang lahat. Salit-salitan sila sa pagkagat sa apple hanggang sa kunti na lang ang matira. Lalapit na sana ang mukha ni Maya para kagatin ang natitira sa apple na kagat-kagat ni Sir Chief ng mahulog ito at hindi sinasadyang dumikit ng bahagya ang labi ni Sir Chief sa mga labi ni Maya. Natigilan silang dalawa at di nakagalaw sa pagkabigla. Pati ang mga audience ay nabigla. Nganga silang lahat. Si Maya na ang unang lumayo kay Sir Chief. Maya (habang nakatakip ang kamay sa mga labi nya, hindi makatingin ng diretso): Naku! Sorry po, Sir Chief. Hindi ko po kasi alam na — Sir Chief (smiling): It’s okay MAya. Ako dapat ang mag-apologise. Magsisigawan ang mga tao sa nakita at animo’y kinikilig. Audience; Ate Maya, ang swerte mo! Ang gwapo ng nakahalik sayo. Tinukso na tuloy sila. Biglang mag-wo-alk-out si Maya sa mga umpok ng mga tao, susundan sya ni Sir Chief at lahat ng kasama nila ay magsisisunod sa kanila hanggang sa makarating sa bahay nila. Nauna nang umakyat sina Luke. Naiwan lang sina Kute na pinuntahan ang karinderya. Samantalang tahimik lang si Maya at mapapansin ito ni Sir Chief. Sir Chief: Maya, okay ka lang? Maya (hindi makatingin ng diretso): Oo naman po, Sir Chief. Sir Chief: Bakit ang tahimik mo habang pauwi tayo? Manang Fe (sisingit): Oo nga, Maya. Dahil ba yan sa nangyari kanina sa bayan? Maya (mapapatakip sa mukha): Naku! Hindi po Sir Chief! Pagod lang po siguro ako. Sir Chief: Are you sure? Go ahead. You may rest. Manang Fe (matatawa): Hindi nga Maya. Dahil ba yan kanina? Maya (makukulitan kay Manang Fe): Si Manang Fe naman e! Hindi nga po. Sir Chief (matatawa): It’s okay, Manang Fe. Hwag nyo na po asarin at baka magtampo na naman yan sakin at baka di na naman ako kibuin nyan. Mahirap na. Hindi ako sanay na tahimik yan. Kasi maging toro pa yan sa inis. Manang Fe at Sir Chief (sabay tatawa) Maya: Sige lang po, Sir Chief, Manang Fe!? Pagtawanan nyo lang po ako (umirap ng kunti kay Sir Chief) Manang Fe: Ikaw talaga, Ricardo. Pang-asar ka din ano? Sir Chief: Manang Fe, mana lang po ako sainyo. Sir Chief at Manang Fe (tatawa na ng tatawa) The next day. May maglilibot na Announcer. Pakikinggan nila ito sa may bintana. Announcer: Magandang gabi po. Gusto lamang po namin ipaalam sainyo na magkakaroon ng piging at sayawan sa tapat ng simbahan sa ganap na ika-7 ng gabi. Nawa’y makadalo kayo. Nanay Teresita: Wow! May sayawan Nay. Pumunta kaya tayo nina Maya? Sir Chief (mapapatingin kay Maya) Mamang: Makakapunta pa ba ko sa tindi ng rayuma ko? Nanay Teresita: Sabi ko nga Nay (titingin kina MAya at Kute) kayo Kristina Rose at Maya, gusto nyo ba pumunta? Sir Chief: It’s okay with me. How about you, Maya? Maya (mapapasulyap kina Sir Chief at Kute): Po? Ah? Pwede po. Nanay Teresita: Yun! Masaya yan. Kristine sama na din natin si Jeff para may partner ka. Kute (mapapakamot sa batok): Nay naman! Nanay Teresita: Yan! mamayang gabi na yan. Dapat maaga tayo. Kute: Wow! Excited lang Nay?! Gabi. Sa tapat ng Simbahan. Nanay Teresita (ililibot ang tingin): Wow! Anak, ang daming tao! Kute: Malamang! Sayawan e! Sir Chief (matatawa sa dalawa) Jeff: Kris, tara sayaw tayo. Kute (kakamot sa ulo): Agad-agad?! Nanay Tereista: Sige na Nak. (hihilahin si MAya para maupo at susunod si Sir Chief) After 30 minutes ay tumugtog ang musikang “The Way You Look Tonight” Sir Chief (tatayo, iooffer ang kamay kay Maya): May I have this dance, Maya? Maya (titingin kay Sir Chief) Nanay Teresita: Sige na Anak. Maya (ibibigay ang kamay kay Sir Chief) Sir Chief (hihilahin sa gitna ng dance floor si Maya. Kukunin ang dalawang kamay ni Maya at dahan-dahan ilalagay sa balikat ni Sir Chief at hahawakan naman nya ang beywang ni Maya): Are you nervous, Maya? Maya (hindi makakatingin ng diretso kay Sir Chief): Naku! HIndi po ah. Sir Chief (matatawa): Bakit ang lamig ng kamay mo? Natatakot ka ba sakin o nenenerbyos ka kasi isinasayaw kita? Maya: Si Sir Chief talaga! Hindi po ah. Sir Chief (tatawa ng kunti) Maya (hindi mapipigilang titigan ang gwapong mukha ni Sir Chief) Sir Chief: Why are you looking at me like that? Maya (natauhan): Ah! Wala po. Masama po ba tingnan ang mukha nyo? Malay nyo po, may makita akong wringkles nyo? Sir Chief (mapapa-smile): By the way, kumusta na kayo ni James? Maya (magugulat sa tanong): Po? Bakit nyo po naitanung? Pumayag na po ba kayo maging tulay para ligawan ako? Sir Chief: Not yet. Pinag-iisipan ko pa. Maya: Pero gusto nyo po ba magpaligaw ako sa iba? Sir Chief (matatahimik): Kung tatanungin mo ko? Hindi kita paliligawan sa iba. Maya (magtataka at matatawa): Bakit naman po, Sir Chief? Sir Chief: Kasi ayokong… (hindi maituloy ang sasabihin)… ayoko lang na makikita kayong mga babae na niloloko ng mga lalaki, kasi pwede maapektuhan ang work nyo. Maya: Sa tingin nyo po ba lolokohin lang ako ni Sir James? Sir Chief: I can’t say so. Although he had 3 past relationships na hindi nag-work. Maya: Po? Sir Chief: Forget what I said. Anyway, it’s up to you kung magpapaligaw ka sa kanya. I’m just here for you. Maya: Thank you po, Sir Chief. Sir Chief (hihilahin na si Maya sa tabi para maupo) Mahaba pa ang itinagal nila doon saka sila umuwi. Maya (mauupo sa may bintana) Sir Chief (pupuntahan si Maya): Tired? Maya: Kunti lang po, Sir Chief. Kute (magpapatugtog ng kundiman) Maya (mahihikab): Nakaka-antok naman yan, Kute. Sir Chief: You can rest na Maya. Maya: Okay lang po ako, Sir Chief. Hindi pa naman po ako inaantok. Sir Chief (smile ng kunti) After 30 minutes ay pumikit na ang mga mata ni Maya, nahuhulog na ang ulo nya, nakita iyon ni Sir Chief at hinawakan ulo nya at isinandal sa balikat nya. Nag-smile pa si Sir Chief. Later on, lumabas ng room sina KUte, Nanay Teresita, Manang Fe at Mamang. Mamang: Naku naman tong si Maya! Dito pa natulog. Buti pa buhatin na natin. Kute: Mamang Naman! Ang laki na ni Maya. Hindi natin kaya yan (kakamot ng ulo) Mamang: E kung ganun? Sino bubuhat dito kay MAya? Sir Chief: Ako na lang po bubuhat kay Maya. Manang Fe: Sige, Ricardo. Buhatin mo na. Sir Chief (kinarga na si Maya at dinala sa kwarto at susundan ni Manang Fe) Manang Fe: Mauna na ko sayo, Ricardo. Sir Chief: Sige, Manang Fe. Paglabas ni Manang Fe ay tinitigan ni Sir Chief si Maya habang natutulog ito ay hindi nakatiis na hinalikan sa noo si Maya. Sir Chief (habang tilog si Maya): Goodnight Maya. Paalis na sya ng room ng…. Maya (in her sleep): Goodnight, Sir Chief. —- Kinaumagahan. Breakfast time! Luke (dudulog sa hapag-kainan): Good morning everyone! Nanay Teresita at Mamang (magkasabay): Good morning din! Maya (lalabas ng kusina): Good morning! Breakfast time! Abby: Good morning too, Yaya! What’s for breakfast? Maya: Kare-kare baby. Nikki: Wow Dad! It’s your favorite dish oh! Sir Chief at Maya (mapapatingin sa isa’t isa at mapapangiti) Luke: Let’s eat na! After an hour of breakfast. Dadating si Sir James. James (kakatok ng pintuan): Good morning! Lilingon ang lahat sa may pintuan. Sir Chief (mangungunot ang noo) Maya: Sir James!? Sir James: Hello Maya! How are you? Maya: Okay lang po ako. Sandali lang po magbibihis lang po ako. Sir James: Take you time, Maya. Sir Chief (tatayo mula sa kinauupuan sa hapag-kainan) Nikki: Dad, where are you going? You’re not finish eating, right? Sir Chief: I’ll just make a call to Liza (bababa ng bahay, kunwari tatawag) Luke: Maya, where are the two of you going? Sir James: Maya promised me na ipapasyal nya ko dito sa San Nicolas today so here I am. Nikki: Wow Maya! May date ka pala? Maya (kakamot ng ulo): Naku Mam Nikki! Hindi po date yun. Ipapasyal ko lang po si Sir James. Luke: Maya, whatever it is. Basta magkasama kayo, date ang tawag doon. Sir James (mapapangiti): Maybe, you can call it as a date. Nikki: I told you, Maya. Maya (maghahanda na, after 15 minutes)? Sir James: Are you ready Maya? Maya: Tara na po Sir James. Sir James at Maya (makikita si Sir Chief) Maya: Alis na po kami Sir Chief. Sir Chief (tatango lang at aakyat na ulit ng bahay) Lumipas ang maghapon na hindi mapakali si Sir Chief kakahintay kay Maya. Nandyang pupunta kunwari sa bintana at magpapahangin pero tinatanaw lang kung umuwi na si Maya. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Manang Fe. Gabi. Hawak-hawak ang laptop nya. Habang naglalaro ng solitaire pampalipas oras habang nag-aantay kay Maya. Manang Fe (lalapitan si Ricardo): Ricardo, hindi ka pa ba matutulog? Ricardo: Hindi pa ko inaantok, Manang Fe. Mauna na po kayong magpahinga. Manang Fe: Sige. MAgpahinga ka na rin. Ricardo: Opo, Manang Fe. Past 10 in the evening. Saktong bumukas ang pinto. Iniluwa noon sina Sir James at MAya. Maya: Sir Chief, bakit po gising pa kayo? Sir Chief (habang nakatingin pa rin sa laptop nya): I’m about to sleep. May tinatapos lang ako. Sir James: Napaka-workaholic nyo talaga, Mr. Lim. Sir Chief (mag-half-smile kay James) Maya: Magpahinga na po kayo Sir Chief. Sir James: I’ll go ahead, Maya para makapagpahinga ka na rin. Maya: Sige po Sir James. Babye po! Sir Chief (ititiklop ang laptop at haharapin si MAya): Maya Maya: Bakit po Sir Chief? Sir Chief: We’re leaving tomorrow. Maya: Ganoon po ba Sir Chief. Sige po. Sir Chief: And you’re coming with us. Maya: Po?! Isasama nyo po ako pabalik ng Maynila. Sir Chief: Yes! Bakit? Ayaw mo? Maya: Sabi ko nga po Sir Chief. Sasama po ko. Sir Chief: Then pack your things. We’ll be leaving early tomorrow. Maya: Pero magpapaalam pa po ako kina Nanay, Sir Chief. Sir Chief: Naipag-paalam na kita kanina. Pumayag na sila. Maya: Talaga po? Pumayag sila. Sir Chief: Bakit hindi sila papayag? Ako naman ang kasama mo. Maya (lilingon sa may bintana at bubulong sa sarili: grabe! lakas mo kina nanay ah!) Sir Chief: Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. Maya: Opo Sir Chief. Sir Chief (mAG-half smile at pupunta na sa room nila ni Luke) Kinaumagahan. 5am. Sa labas ng bahay. Nasa isang van sina Doris, Sabel, Kuya Joma, Manang Fe. At nasa kotse ni Sir Chief ang mga batA at si Maya. Mamang: Sir Richard, ingat po kayo sa byahe. At ihahabilin ko na rin saiyo itong si Maya. Alagaan mo ha. Maya: Mamang naman! Sir Chief (matatawa at mapapatingin kay Maya): I will Mamang. Ako pong bahala kay Maya. Alis na po kami. Nanay Teresita: Sige. Ingat kayo sa byahe. Umalis na nga sina Sir Chief. Mahaba din ang kanilang naging byahe. Kinagabihan sa mansyon. May mapapansin si Sir Chief kay Maya. Sir Chief: Maya, why are you wearing that uniform? Maya (mapapatingin sa suot nya): Yaya po ako ni Abby di ba po? Bakit po? Sir Chief: You’re not wearing that uniform anymore. Because you are no longer Abby’s nanny. You’re a flight stewardess now. Maya: Pero Sir Chief… Sir Chief: No buts Maya. And one more thing, you’re not be sleeping over sa Servant’s Quarter. Ipinahanda ko na kay Sabel ang guest room. Doon ka na matutulog because you are now my guest… our guest, imean.. Just wear casual dress. Do you understand me, Maya? Maya: Pero nakakahiya naman po Sir Chief kung doon pa ko matutulog sa guest room– Sir Chief: Maya, susuwayin mo ba ang boss mo? Maya (at dahil wala syang panalo sa crush nya): Sabi ko nga po Sir Chief (with matching kamot ng batok) Sir Chief: Good (smiling) After a week. Sa dining table. Kumpleto ang lahat. Sir Chief: Guys, you should pack your things now. Luke: Why Dad? Sir Chief: We’re going to Baguio tomorrow. Nikki: Wow! Yes! Baguio adventure again! I love that place Dad. Abby: Me too, Daddy. Baguio. Sir Chief: Unpack your things guys. Mamasyal tayo. But before doing all of that, mag-breakfast muna tayo. Luke: This is really exciting Dad! I love this day! Nikki: True Kuya! I want to enjoy this day. Don’t ever dare to ruin my day Kuya. Lagot ka sakin. Luke: I’ll try. Nikki: Kuya naman eh! Dad oh! Si Kuya! Sir Chief (tatawa tawa): We can’t promise that unless sasakay ka sa joke ni Luke. Abby: That’s right Ate Nikki. Nikki: Daddy! Sir Chief at Maya (tatawa) Horse-riding ang napiling unang adventure na gawin ng pamilya Lim. Sama-sama sina Manang Fe, ang mga bata at sina Sir Chief at Maya. Meron tatlong kabayo sa harap nila. Abby (titingin kay Maya): Yaya, can you ride a horse for me? Maya: Ay BAby! Hindi ako marunong mangabayo pero sige try ko. Sasakay ng kabayo. Luke: Dad! Turuan mo kaya si Maya mangabayo? Sports mo naman yan di ba? Sir Chief (titingin kay Maya): Why not! Maya: Ay! Hwag na po Sir Chief. Sir Chief: I insist. Aakyat na sa kabayo sa likod ni Maya, magkakadikit ang katawan nila. Manlalaki ang mga mata ni Maya sa pagkabigla. Sir Chief (hahawakan ang magkabilang kamay ni Maya na nakahawak sa lubid ng kabayo ng mahigpit) Maya (may mararamdamang kakaibang init si Maya sa kamay ni Sir Chief) Maya (mapapalingon kay Sir Chief sa likod) Sir Chief (titingin din kay Maya) Manang Fe (mapapangiti ng lihim) Paaandarin na ni Sir Chief ang kabayo habang nakahawak pa rin sa kamay ni Maya. Dahil clumpsy ang napiling kabayo ni Maya ay magwawala ito. Maya: Sir Chief! Baka mahulog po tayo. Sir Chief: It won’t happened Maya. trust me. Mamaniobrahin ni Sir Chief ang kabayo pero dahil clumpsy at wala na itong tigil sa pagwawala ay manunuwag na ang kabayo at mapapahawak si Maya sa mga braso ni Sir Chief, mapapayakap din sa kanya si Sir Chief upang hindi sya masaktan kung sakaling mahulog sila. Then nahulog nga silang dalawa, nadaganan ni Maya si Sir Chief at napahiga si MAya sa kaliwang bahagi ng damuhan. Bumangon si Sir Chief at itinukod ang kanan braso. Sir Chief: Okay ka lang MAya? Maya (didilat): Okay lang po ako Sir Chief. Darating sina Manang Fe, ang mga bata at ang may-ari ng kabayo. Manang Fe (isasangga ang kamay sa mga bata): Teka lang, hwag kayong lumapit. Nagtaka ang mga bata. Samantala, sina Sir Chief at MAya. Magkakatitigan sina Sir Chief at Maya (with matching Please BCWMH music background sung by Juris and Sam). Hindi na mapipigilan ni Sir Chief ang kanyang nararamdaman kay Maya. Unti-unti at dahan-dahan nyang ilalapit ang mukha kay Maya. 5 inches na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Ipipikit bigla ni Maya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan pang ilalapit ni Sir Chief ang kanyang mukha kay Maya. At 2 inches na lang ang pagitan ng kanilang mga labi ng matigilan si Sir Chief. Biglang imumulat ni Maya ang mga mata at makikita ang mga nangungusap na mata ni Sir Chief. Mag-stick-up ang kanilang mga mata na tila nag-uusap. Ilalapit pa sana ni Sir Chief ang kanyang mga labi ng…
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 06:37:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015