Buhay Masscom, akala ng iba madali e. MC1- live prod ang - TopicsExpress



          

Buhay Masscom, akala ng iba madali e. MC1- live prod ang kinabibisihan at pisikal na aspeto ang puhunan sa mga ensayo medyo hegs at may masscom theories ka pa na imememorize. MC2- Utak ang labanan. Pabilisan at patalasan ng memorya lalo na sa pagsusulat ng lead at ng straight news article. Kelangan nyo din magtulungan para sa lantugi kung ayaw mo matsugi ang grado mo. MC3-Ubusan ng pera dito sa printing,net,pamasahe. Medyo babad sa trabaho at walang kamatayang ober night para matapos ang research paper na kelangan mo pang idefend kinabukasan kahit parang may hang over ka pa dahil walang tulog para maaprove. MC4- marketing strategy ay kelangan upang tindahan mo ay mabilhan. MC5- Kung mahilig ka sa Alice in wonderland at dragon ball z para sayo tong subject na to.. Dito mo makikita ang mga basura na magiging instant costume at mga patay na muling mabubuhay.Gagawa ka ng puppet at katsa na gagawin mong damit na parang cape ni batman tapos ililigtas mo ang davao sa kapahamakan.Parang SM ang subject na to weve got it all for you MC6- Sequel ito ng MC2 kung nabitin ka sa pagsusulat,dito magsasawa ka.. times10 ang hirap sa MC2 pero sipag at tiyaga tpos dasal lang payts na. MC7-shoot shoot shoot. MC8-Matutupad ang pangarap mong maging tagapag ulat sa radyo(just for a day) with matching get up pa.. Matutuyo din ang utak mo kakatranslate ng english to bisaya and vice versa. Medyo matrabaho din pero patience at teamwork ay importante dito. MC9-Gusto mo talagang maging abogado? pramis? LOL. mag media law ka muna. Isang planganang case ang nag aabang sayo. Sunugan ng kilay at patatagan sa pagbabasa ng mga kaso ang gagawin mo. kailangan mo ng matalas na pagiisip at pag analisa sa mga circumstances na nakapaloob sa misteryo ng bawat kaso. Pakikinig at dalasang pagbabasa ang susi sa asignatura ni sir Mark Ventura. MC10- Wordpress-edit-Photoshop Diyan umiikot ang mundo ng MC10 .Paglagay ng makulay na design at Fundamentals ng editing ang matututunan dito. Kung wala kang kompyuter sa bahay sigurado na usad pagong ang trabaho mo sa subject na ito. #alawsmagawa
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 18:17:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015