Confession #357 PARA KAY L Ngayon ko lang naramdaman na - TopicsExpress



          

Confession #357 PARA KAY L Ngayon ko lang naramdaman na sobrang sakit palang mabasted. Yung mga dati ko kasing naging gf di ko naman kasi niligawan. Kaya di ko ako aware sa sakit ng mga salita pag ni-rereject ka na nung girl. Walang nagsabi saken kung gano kasakit. Alam nyo yung pakiramdam na makita nyo pa lang yung isang tao, ramdam nyo na agad yung charm nya? Yung radiance nya, warmth, shit like that. Para bang lumiliwanag yung paligid at para syang anghel sa lupa na di mo alam kung kukunin ka na ba. Ganun katindi ang amats ko kay L. Nag-aala-motion blur yung paligid pag nanjan sya. Matinding daga sa dibdib, paru-paro sa sikmura at yelo sa brief ang nararamdamang kaba ng katawan ko pag kausap/kasama ko sya. Hanggang yun nga, naging close kami at nung nagkaroon ako ng chance, ipinagtapat ko yung nararamdaman ko sa kanya sa tulong ng hiniram kong lakas ng loob galing sa cobra. Ang hindi ko pala nahiram, e yung tapang na harapin yung magiging sagot nya. Napaka-methodical, genius and somewhat agonizing yung pag-basted nya saken. Akala ko pinupuri nya ko nung sinabi nya sakeng, Ang bait bait mo saken. Lintik naman ang ngiti sa mukha ko. Yun pala, may kasunod na linyang magpapabago ng mood ko. Alam mo bang ayaw ko sa mga taong mabait sakin? Lumubog bigla yung puso ko. Kung bubuuin mo yung analogy, indirect way na rin ng pagsasabing Ayoko sayo. Pakiramdam ko para akong batang inalok bigyan ng kendi, tapos biglang bawi din. Masakit. Gusto ko umiyak kaso pinigil ko. DTNL e. Mahirap magpakita ng kahinaan. Ayun. Kaya ko pala sinulat to kasi di ko na alam susunod kong gagawin. Kung mananatili ba kong friend nya, o susubok ba ulit ako, o nga-nganga na lang muna. Storm Spirit Kolehiyo ng mga Bigo
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 13:15:00 +0000

Trending Topics



sexpress.com/Black-Friday-Deal-Zojirushi-NS-LAC05XT-Micom-3-Cup-Rice-Cooker-topic-381304292035790">Black Friday Deal * Zojirushi NS-LAC05XT Micom 3-Cup Rice Cooker
SUMMITS [1]6th BRICS summit: It was hosted by Brazil, as the
FREE PROGRAM & APP FOR YOUR WEIGHT-LOSS JOURNEY! I’m looking

Recently Viewed Topics




© 2015