DFA, inaayudahan na ang 21 Pinoy seamen na istranded sa Malta By - TopicsExpress



          

DFA, inaayudahan na ang 21 Pinoy seamen na istranded sa Malta By dzmm.ph | 12:32 PM 08/14/2013 "Inaayudahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 21Pinoy seafarers na istranded ngayon sa gitna ng dagat sa Malta." Inaayudahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 21 Pinoy seafarers na istranded ngayon sa gitna ng dagat sa Malta. Ayon kay DFA Spokesperson Asec. Raul Hernandez, pinuntahan na ng mga kinatawan ng embahada sa Rome ang barkong MV Lady Bug na nagsasakay sa mga Pinoy, na higit dalawang linggo nang naka-angkla mula pa noong Hulyo 30. Sa impormasyong nakalap ng DFA, nahaharap sa malaking utang ang may-ari ng naturang Panamanian vessel kaya hindi na ito pinapayagang makapaglayag. Ani Hernandez, handa nang magpa-repatriate ang 21 Pinoy ngunit hinihiling nitong mabayaran sila ng may-ari ng barko kasama ang kanilang mga benepisyo. Tumutulong na rin anyia ang local labor organization sa Malta para sa kaso laban sa employer ng mga Pinoy. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol 44 ~crystal~
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 07:21:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015