DSWD Sec. Dinky Soliman on DZMM: -Nasa Tacloban pa rin po ako at - TopicsExpress



          

DSWD Sec. Dinky Soliman on DZMM: -Nasa Tacloban pa rin po ako at mabuti naman. -As of 6PM ng Nov. 24, ang naipamahagi nating food and rice packs ay umabot na po sa 1,533,003 sa Western Samar, Biliran, Tacloban at 40 bayan sa Leyte at 14 na bayan sa Eastern Samar na nasalanta ng bagyo. -Sinisigurado po namin na kami ay nakapagbibigay ng sapat na supply ng food items. Dahil maayos naman na po ay ibinabagsak na natin sa LGUs at sila na ang nag-di-distribute sa kanilang constituents. -Para naman sa non-food items tulad ng tents at hygiene kits, idinadaan din sa LGUs. Sila na po ang pumi-pick up sa ating centers at kung wala naman silang truck ay binibigyan ng natl government. -Tuloy-tuloy po ang relief operations. May cash and food for work program na rin po tayong ipinatutupad. -Dito sa Tacloban, unti-unti nang nagno-normalize ang sitwasyon. May mga bukas ng bangko, elektrisidad at maayos na communication lines gayundin sa Palo at iba pang bayan ng Leyte. -Patuloy ang ugnayan natin sa international organizations, NGOs para naman sa paglilinis dito na bahagi na ng rehabilitation efforts. -Ang DOH ay nakikipag-ugnayan sa mga dumating na medical teams dito para mas matutukan ang kalusugan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyo. Namamahagi sila ng mga gamot at anti-tetanus vaccines sa mga barangay at evacuation centers. -Nakatutok din po tayo sa psycho-social aspect at hindi lang basta sa kalusugan. Tuloy-tuloy ang stress debriefing ng ating social workers. -Magtatayo rin ang DepEd ng tents upang magsilbing pansamantalang classrooms ng mga mag-aaral.
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 22:40:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015