DepEd order number 32, inulan ng batikos UMANI ng iba’t-ibang - TopicsExpress



          

DepEd order number 32, inulan ng batikos UMANI ng iba’t-ibang reaksyon ang Department of Education o DepEd order number 32 na ipinalabas ng ahensya noong July 16. Nakasaad sa DepEd order ang pagmungkahi sa piling Muslim teachers na alisin ang hijab o viel sa kanilang mukha sa loob ng classrooms. Layunin nito na mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ayon kay Kabataan Party-Cotabato City spokesperson Jerome Succor Aba, hindi ang hijab ang pangunahing problema ng edukasyon sa bansa. Aniya, mas mainam na pagtuunan ng pansin ng DepEd ang ilang mas mahahalagang problema sa mga paaralan gaya na lamang ng kakulangan ng silid aralan, libro at upuan. Sinabi naman ni National Commission on Muslim Filipinos o NCMF Commissioner Mike Ibrahim na malinaw na nakasaad sa order na nirerespeto nito ang bawat relihiyon. Aniya, hindi rin pinipilit ang lahat ng mga Muslim na guro na alisin ang kanilang Hijab sa loob ng mga silid aralan. Dagdag pa ni Ibrahim, partikular na iminungkahi ang DepEd order no. 32 sa mga ALIVE teacher o yaong mga nagtuturo ng Arabic classes. NDBC Network
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 09:15:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015