Dianne: Pa, nasan si Mama? Papa: Wala pa mama mo e. Overtime - TopicsExpress



          

Dianne: Pa, nasan si Mama? Papa: Wala pa mama mo e. Overtime daw sa office anak. Dianne: E anong oras pa makakarating yun! mapupuyat na naman ako... Papa: Baket? Dianne: May homework kasi ako sa science, kailangan ko ng tulong ni mama. Papa: Ay sus, edi ako na tutulong sayo. Sige kunin mo yung homework mo. Dianne: Wag na papa. Last time na tinulungan mo ako zero yung grade ko e. Papa: E math yun. Mahina talaga ako sa math. Sige na kunin mo na yung homework mo. Dianne: Ok. Papa: Sige game... Dianne: Question number one... Baket dinidilaan ng mga pusa ang sarili nila? Papa: Ahh... Gusto kasi nila ang lasa ng siopao. Dianne: Baket gusto ng mga paniki sa dilim? Papa: Hmm... Panget kasi sila. Dianne: Baket mahaba ang leeg ng giraffe? Papa: Ahh... Hindi kasi aabot sa ulo nila pag maiksi. Dianne: Baket mataba ang mga baboy? Papa: Ahh... Dahil kailangan ang taba nila para may malagay sa dulo ng barbecue. Dianne: Papa... Papa: Baket anak? Dianne: Antayin ko na lang si mama. Papa: Mabuti pa nga.
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 09:16:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015