Entertainment Pinoy, natuwa sa tsikang gagawing Ambassador ng - TopicsExpress



          

Entertainment Pinoy, natuwa sa tsikang gagawing Ambassador ng US sa ‘Pinas si Anderson Cooper! Korina, patuloy na nilalait ng netizens Walang katapusan ang papuri at parangal ng mga netizens kay Anderson Cooper ng CNN dahil sa ginawa niyang co­verage sa Tacloban, matapos ang panghaharabas ni bagyong Yolanda. Hindi rin matapus-tapos ang panlalait ng mga netizens kay Korina Sanchez sa pagbatikos nito kay Cooper bilang pagtatanggol daw nito sa asawang si DILG Sec. Mar Roxas. Pero na-confuse ang ilan sa balitang inatasan daw ng White House si Cooper bilang US Ambassador sa Pilipinas. Agad namang naglabas ng news clip ang ilan na nagsasabing hindi totoo ang balita. Nitong July 31, 2013 lang daw in-appoint ni US President Obama si Phillip Goldberg bilang US Ambassador ng Pilipinas kapalit ni Harry Tomas na nagsilbi sa posisyon simula nu’ng 2010. Pero sa newsletter sa website ng Embassy of the United States Manila, Philippines si Brian Goldberg ay acting US Ambassador to the Philippines habang hindi pa dumarating ang kumpirmadong itatalagang Ambassador mula sa America. Dumating si Goldberg noong August 16, 2013 para i-assume ang duties bilang Deputy Chief Mission for the US Embassy to the Philippines. Sa balitang lumabas sa website ng Adobo Chronicles, sinasabing ni-nominate umano ni President Obama si Cooper bilang Ambassador dahil sa report na isinagawa nito sa Tacloban City at sa malasakit na ipinahayag nito sa mga nasalanta ng bagyo. Malalaman sa mga darating na araw kung sino ang itatalaga ng US para maging Ambassador ng Amerika rito sa bansa. Pero bagama’t hindi pa kumpirmado ito at wala pa tayong way para makumpirma ang kuwentong ito, ngayon pa lang ay botung-boto o tuwang-tuwa na ang mga Pinoy para maging Ambassador ng US sa ‘Pinas si Anderson Cooper. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Wed, 20 Nov 2013 17:22:46 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015