Foreign donors dumami pa, US military aid dumating na sa - TopicsExpress



          

Foreign donors dumami pa, US military aid dumating na sa Phl Posted by Bombo Leizl Galan Posted in International News Monday, 11 November 2013 Dumating na sa Pilipinas ang military aid na ibinigay ng Amerika, para sa search and rescue, relief at rcovery operation ng mga lugar sa Pilipinas, na sinalanta ng bagyong Yolanda. Nitong hapon nang dumating sa Tacloban City ang nasa 90 US Marines at Navy personnel na nakabase sa base militar ng Amerika sa Okinawa, Japan. Ang nasabing US forces ay tutulong sa relief at search and rescue operation. Ito ay kasunod ng utos ni Defense Secretary Chuck Hagel sa US Pacific Command na mag-deploy ng resources sa Pilipinas. Kasama ng puwersa ang dalawang KC-130J Hercules transport aircraft habang nagpadala rin ang Estados Unidos ng dalawang P-3 Orion surveillance aircraft para sa aerial surveys. Nag-deploy din ang US ng rescue equipments at medical teams habang ang ibat-ibang aid groups sa Amerika ay naglunsad ng multi-million dollar na relief campaign at ang American Red Cross ay umapela ng cash donations. Dumami na rin ang mga bansang nagpaabot ng tulong na kinabibilangan ng Canada, Norway, United Arab Emirates, Denmark, Israel, Australia, Japan at Germany. eagle
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 13:00:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015