From professional heckler on pork barrels.................... - TopicsExpress



          

From professional heckler on pork barrels.................... .HELLO… PORKY? 25 08 2013 THESE ARE the transcripts of several phone conversations that were recorded in the past 10 days. The calls were apparently intercepted by a concerned anonymous group who also shared some copies online. Unfortunately, the people talking were not identified. Hulaan n’yo na lang. TAPE 1 [Phone ringing] Woman 1: Hello… ? Woman 2: Hello… bebe gerr? Woman 1: Mommmmmm! Where are you ba? I’m so worried. I couldn’t sleep. Woman 2: Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo bebe gerr. Kung ‘di ka makatulog d’yan sa LA, paano na lang ako?! [Call abruptly cut] [Phone ringing] Woman 1: Hello mom? Woman 2: Naputol ka bebe gerr. By the ways, narinig mo na ba ang balita bebe gerr? Wala na raw pork barrel starting 2015. Patay tayo. Woman 1: I know right! Woman 2: So bebe gerr, hinay-hinay sa gastos ok? Tipid tipid din ‘pag may time. Woman 1: Where’d you learn that “‘pag may time” phrase mom? You’re so baduy! Woman 2: Basta bebe gerr. Stop muna sa pagbili ng Tsanel at Bivilgari. Woman 1: Bulgari mom. Woman 2: Bivilgari! Sumusunod lang ako sa spelling bebe gerr. Calls ako ulit later ‘pag may time. Take care bebe gerrr. Lab u! TAPE 2 [Phone ringing] Woman: Hello… ? Man: Hello! Janeth… Woman: Naku! Hindi ho si Janeth ‘to. Sino ba kayo? Man: Kilala ko ang boses mo Janeth. Sus! Woman: Hindi nga si Janeth ‘to. Sino ho ba kayo? Baka wrong number kayo! Man: Si Senator X ‘to! Woman: Senatoooooooor! ‘Sensya na po. Nag-iingat lang. Man: Alam ko. O, ‘musta na kayo ni pare? Woman: Ok pa naman Senator. Kayo ho? Man: Ayos lang. Tawag lang kayo ‘pag may kailangan huh. Woman: Salamat Senator. Safe pa naman kami rito. Nagpadala naman ho ng tao si Senator Y. Man: Good! Basta walang laglagan huh. Alam mo na! Woman: Oo naman Senator. Ako pa! TAPE 3 [Phone ringing] Woman: Hi Daddy! Man: Ano ka ba naman Mommy?!? Ang tigas ng ulo mo! ‘Di ba sabi ko ‘wag ka na lang sasagot kapag tinatanong tungkol sa pork barrel!? Woman: Eh Daddy, makulit ang media eh. ‘Tsaka nag-joke lang naman ako sa sagot kong ‘yon. Man: ‘Yon na nga eh! Nagawa mo pang mag-joke. ‘Tang-ina naman Mommy. Lubog na lubog na ako. Sirang-sira na ako tapos dadagdag ka pa sa problema! Woman: Sorry na Dad. Tatawagan ko na lang ang friends ko sa press. Man: ‘Yan ka na naman! Manahimik ka na lang kasi! Woman: Madali lang ‘yan Daddy. Sasabihin ko misquoted ako. Man: Bahala ka! TAPE 4 [Phone ringing] Man 1: Hello sir! Napatawag kayo? Man 2: Tuloy na tuloy pala ang rally sa Luneta sa Lunes. Anak ng… Sakit sa ulo! Man 1: Mukhang umiingay nga sir eh. Man 2: Draft me a statement nga. Sabihin mo ipapa-abolish ko na ang PDAF. Man 1: Sir?!? Man 2: O, malabo ba ang sinabi ko? Gawan mo ‘ko ng statement ‘ka ko. Panahon na para i-abolish ang PDAF! Man 1: Naku sir, baka magtaka ang mga tao kasi agad-agad ang pagbabago ng isip n’yo. Kamakalawa lang sabi n’yo, ‘di kayo pabor na i-scrap ang pork barrel. Man 2: May sinabi ba akong pork barrel? Sabi ko PDAF! Sandali, sino bang boss dito? Man 1: Right away sir! TAPE 5 [Phone ringing] Man: Hello… ? Woman: Lhito, si Janeth ‘to. Man: Uy Tita, ‘musta po? Woman: Pinanood kita kanina sa programa mo. Naku Lhito, hindi mo na pala ako binabati. Nakakasama naman ng loob. Man: Ay Tita, naubusan lang kami ng oras. Ang dami kasing live reports. Woman: Gano’n? Sabi ng maid sa bahay, three weeks mo na raw akong ‘di binabati. Dati naman, araw-araw ah. ‘Wag mo nga akong ini-etchos bakla! Man: Kung maka-bakla ka naman Tita! Eh kasi nga mainit ka ngayon! Careful lang ako. Woman: Sige na nga. Basta sa next presscon ko, kung magpapakita ako, ‘wag kang mawawala huh! Ready na ang sobre. Man: Naku naman Tita, alam mo naman kung nasaan ang loyalty ko. Sa ‘yo siyempre! Hope to see you soon. Ingat po Tita! TAPE 6 [Phone ringing] Woman: Office of Senator Z, how may I help you? Man: Sabihin mo sa amo mong corrupt, pakamatay na siya! Magnanakaw! Woman: Get a life! Man: Get a life mo’ng mukha mo! Ulol! [Hangs up] TAPE 7 [Phone ringing] Man 1: Hello…? Man 2: Bruhildo, Ninong mo ‘to. Man 1: Ay Senator! Man 2: Ikaw ba ang assigned sa special report ng network n’yo sa pork barrel? Man 1: Hindi po Ninong. Si Domeng po, Man 2: Mabuti naman. Sabit si Budang eh, ‘yong pamangkin kong presidente ng NGO. Na-meet mo na ‘yon noong Senado pa ang beat mo! Man 1: ‘Wag kayong mag-alala Ninong. Titimbrehan kita sakaling ma-mention ang name niya o name mo sa meeting namin. Man 2: Salamat! By the way, nagamit n’yo na ba ang plane tickets na gift ko sa wedding n’yo ni Doray? Man 1: Hindi pa ho Ninong. Busy pa eh. Man 2: Ah sige. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng extra. Thanks. TAPE 8 [Phone ringing] Woman: Hello…? Voice: HEH-HEHLLOW. Tergiyhu hiklopd furtyi Janeth abararrrrrr belelelelekzzst! Woman: Sino ‘to? Ikot ka nga nang konti, masama ang signal mo. ‘Di ko marinig! Voice: Gustoh na hujkilpox kitang makita poljhkut Janeth belelelelekzzst! Woman: Hindi talaga kita maintindihan! Sino ka ba? Voice: Kilalang-kiljfklala moh ahktko Janeth abtribelelelelekzzst! Woman: Hindi ka nakakatuwa! Ibababa ko ‘to! Sino ka nga?!? Voice: Satanaskzzst belelelelekzzst! Woman: Hoy, kung nananakot ka, hindi mo ako kayang takutin! Demonyo ka! Voice: Ako nga! Belelelelekzzzst! Looking forwardyurtighjk to seeing you Janeth szooon! Belelelelekzzzst! TAPE 9 [Phone ringing] Man: Archdiocese of Nabilinarin, good morning. Woman: Pwede kay Father Maluho? Man: Speaking… Woman: Father! Si kwan po ito… Man: Oo naman, I was expecting your call. Woman: Father, pwede po bang mangumpisal mamaya? Ipapasundo ko na lang kayo? Man: Anytime. Dadalhin ko ba ang Mahal na Poong Nazareno? Woman: Sige Father. Mas kailangan ko siya ngayon. Man: Okay, okay. Kwan, wala na nga pala akong stock sa kusina. Woman: Ah sige Father. Bukas na bukas din, bibilhin ko ang isang branch ng Shaftwise para sa ‘yo. See you po! Man: You really are a servant of the Lord. God bless you! TAPE 10 [Phone ringing] Woman 1: Hello Attorney? Woman 2: Sino ‘to? Woman 1: Si Juliet Lima November ‘to. Wiman 2: ‘Di ba’t sinabihan na kitang palitan mo ang iyong code name? Masyadong obvious! Baka may nakikinig sa atin, malilintikan tayo. Woman 1: Sorry po Attorney. Woman 2: At ilang beses ko bang sasabihing huwag mo akong tatawaging attorney sa telepono?! Gusto mo bang mahuli? Woman 1: Pasensya na po. Ano nga ulit ang code name n’yo? Woman 2: Gisele. Gisele Bündchen. Woman 1: Gisele Bündchen talaga?!? Woman 2: Walang pakialaman ng trip. O, ba’t ka tumawag? Woman 1: Nasa diyaryo kasi ngayon sina G, A, N, I, at D. Ang sabi sa report mga conduit ko raw. Ano bang dapat kong gawin? Woman 2: Ano pa, eh ‘di gaya ng dati. Tawagan mo personally at pakiusapang ‘wag na ‘wag magsasalita. Woman 1: Paano po kung ‘di pumayag? Woman 2: Sampalin mo ng pera. Pera lang ang katapat ng mga ‘yan! Woman 1: Kopya po. Salamat po Atty. Gisele. Woman 2: Bündchen, ‘wag kalimutan. ———————————————— “Every man is guilty of all the good he did not do.” ~ Voltaire
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 10:15:26 +0000

Trending Topics



px; min-height:30px;"> At the Galactic Free Press, our focus is upon assisting people in

Recently Viewed Topics




© 2015