Giyera vs dengue, leptospirosis tumatalab! -- DOH Ipinagmalaki - TopicsExpress



          

Giyera vs dengue, leptospirosis tumatalab! -- DOH Ipinagmalaki kahapon ni Health Sec. Enrique Ona na malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nagkaroon ng dengue at leptospirosis ngayon kumpara noong nakalipas na panahon dahil sa mga hakbang na ipinatupad ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Ona na 72.13% ang ibinaba ng kaso ng leptospirosis nga­yong taon kumpara noong nakalipas na taon na uma­bot sa 5,658 na ngayon ay nasa 1,577 lamang. Nabatid na sa naitalang 1,577 kasong naitala nga­yong taon, 27.65% ay sa NCR, 14.39% sa Region 3, 13.82% sa Region 6, 9.97% sa Region 4-A at 8.56% sa Region 11. Habang mababa naman ng 5.25% o 117,658 ang dinapuan ngayong taon ng dengue kumpara sa 23,957 kaso noong 2012. Kabilang na umano sa mga hakbang na naging dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue at leptospirosis ay ang kampanya para sa pagsugpo ng mga pinamumugaran ng mga lamok at sariling proteksyon sa dengue, habang sa leptospirosis naman ay ang pagbibigay ng abiso para sa maagap na pag-inom ng Doxycycline bilang proteksyon ng katawan kapag lumusong sa baha. Bukod pa ito sa hindi na gaanong pagbaha sa mga ‘flood prone areas’ dahil sa isinagawang pagsasaayos sa mga drainage system ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Posted on: Wed, 25 Sep 2013 02:36:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015