‘Gorio’ umalis na Ni Ricky Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | - TopicsExpress



          

‘Gorio’ umalis na Ni Ricky Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 1, 2013 - 12:00am MANILA, Philippines - Inaasahang babalik na sa normal ang panahon sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ngayon dahil sa pag-alis ng bagyong Gorio. Ayon sa Pagasa, inaasahan ang pag-alis ni Gorio sa bansa Lunes ng madaling araw. Nauna rito, si Gorio ay lumihis ng direksyon at nakatawid sa West Philippine Sea, bunga ng paghigop ng high pressure area, dahilan para ibaba na ang signal ng bagyo sa mga apektadong lugar nito. Alas-11 ng umaga nang tumawid si Gorio sa West Philippine Sea matapos dumaan sa Lubang Island na nasa northern end ng Mindoro. Dahil dito, sinabi ni weather bureau acting administrator Vicente Malano, nakaligtas umano ang Metro Manila at mga karatig lalawigan sa posible sanang malawakang pagbaha. Sabi ng opisyal, kung si Gorio ay nagawi sa bahagi ng Norte ng Metro Manila na tulad ng Ondoy, mara­ming tubig ang ibubuhos nito na magdudulot ng baha. Ala-una ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 110 kilometro sa timog-kanluran ng Iba, Zambales. Inaasahang lalabas ng bansa si Gorio alas-2 ng madaling araw ng Lunes. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Nakataas na lamang ang signal no. 1 sa Pangasinan at Zambales dahil sa malakas na bugso ng hangin. Samantala, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council chair Eduardo del Rosario na walang iniulat na nasawi sa pananalasa ni Gorio. philstar/bansa/2013/07/01/960166/gorio-umalis-na
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 22:04:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015