Gumahasa sa 8-anyos na pamangkin kinasuhan na Written by Bombo - TopicsExpress



          

Gumahasa sa 8-anyos na pamangkin kinasuhan na Written by Bombo Gensan Published in Latest News Wednesday, 25 September 2013 GENERAL SANTOS CITY - Nasampahan pa ng kasong rape ang isang tiyuhing gumahasa sa kanyang sariling pamangkin na isang grade 2 pupil. Kinilala ang suspek na si Sanor Makatambok, 35-anyos, isang traysikel driver na taga Brgy. Ligaya, GenSan habang 8-anyos ang biktima. Batay sa sumbong ng biktima sa kanyang lola na ginahasa siya ng tiyuhin sa isang bahay na nasa taniman ng mga saging sa kanilang lugar. Mismong ang lola ng biktima ay nakita ang pagmomolestiya ng suspek sa apo nang hinawakan ang pribadong parte ng katawan nito. Napag-alaman rin na maraming beses ng hinalay ang biktima bago pa man nabisto ang ginagawa nito. Nakakulong ngayon sa selda ang suspek na todo ang pagtanggi sa alegasyon laban sa kanya. admin chiz
Posted on: Wed, 25 Sep 2013 16:14:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015