Gurong Muslim tutol sa ‘hubad-belo’ THURSDAY, JULY 25, 2013 - TopicsExpress



          

Gurong Muslim tutol sa ‘hubad-belo’ THURSDAY, JULY 25, 2013 [ Abante Online News ] ZAMBOANGA CITY --- Umani ng batikos at iba’t ibang reaksyon ang kautusan ng Department of Education na ipatanggal ang mga hijab ng mga gurong Muslim sa loob ng silid-aralan sa mga publikong paaralan. Ang kautusan ay galing umano kay Education Sec. Armin Luistro at bahagi ng reporma ng naturang ahensya. Ngunit ngayon pa lamang ay umani na ng maraming pagbatikos ang kautusan ng Katolikong si Luistro na miyembro naman ng La Salle Brothers. Sa kopya ng kautusan na nakuha naman ng Agence France Press ay nakasaad umano na bagama’t ipinaaalis ang paggamit ng hijab sa loob ng silid-aralan ay maaari naman itong gamitin sa mga campus o compound ng mga paaralan. “Education Secretary Armin Luistro said the move was part of reforms to make schools more sensitive to religion. Muslim schoolgirls will still be allowed to wear the veil or ‘hijab’ on campuses as well as ‘appropriate clothing’ in gym class,” ayon pa sa ulat
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 08:42:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015