Gusto kong magpasalamat sa mga nakasama ko na readers sa SG - Kaye - TopicsExpress



          

Gusto kong magpasalamat sa mga nakasama ko na readers sa SG - Kaye Santos na sobrang effort mula noong first day ko hanggang last day ko sa Singapore. Siya ang nakasama ko talaga nang matagal at sobrang aligaga sa akin. Sana magkita pa tayo ulit, girl. Para naman maibigay ko ang promise ko sa iyo. Kahit di sa SG, di man lang sa Pilipinas. Thanks ng marami sa pagpasyal sa akin sa zoo, sa tea, sa food, sa pagsama-sama sa akin sa Bugis, treat sa Sentosa, Song of the Sea at sa SG Zoo at sa kung saan-saan pa. Hahah! Nakaabang lang ako kapag trip mo nang ibenta yang Sony camera mo. Leonie, thanks sa pagsama-sama sa akin. Pumunta ka pa sa second day. Sana nag-enjoy ka sa fangirling kay Carlie at Rufo at kay Abercrombie and Fitch. Thanks din sa friend mo na may crush kay Coach. Hahaha! Adik! Thanks sa chocolates at tea. Liza Sarmiento, salamat sa pagpunta mo ninyo ng sister mo. Thanks sa tea ng bongga. Sana nag-enjoy kayo kahit sa maigsing sandali. See you again next time. Minda, hahah! Adik o! Thanks sa soya milk drink at sana nag-enjoy ka sa game mo. Same with Jane. Nice meeting you. Sana makabalik talaga ako diyan. Rose, sana happy kayo ng asawa mo diyan sa SG. Salamat ng marami sa time at pasensiya na kung lutang ako nang makipagmeet ako. Nahilo ako sa Ion Orchard e. See you again next time at sana makasama ko na kayong manood ng football kung sakali. At ang bonggang reyna ng lahat, si Ysobelle - oo late ka. Thanks sa lunch. Mega effort ka pa talagang magbitbit ng mga pocketboooks para i-sign. Ang tiyaga! Bawi na lang ulit kayo sa next game okay? May na-miss ba ako sa SG trip ko? Hopefully wala. Aaminin ko na hindi SG ang paborito kong trip pero bearable siya kasi nandoon kayo para sa akin at naglaan kayo ng time para ma-meet ako. See you next time!!! God bless you!! At sana kahit paano ay maaliw kayo ng novels ko habang malayo kayo sa ating sintang lupang tinubuan.
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 14:37:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015