»Guys »Kung iisipin mo talaga,, eh matatawa,ka!!!, its - TopicsExpress



          

»Guys »Kung iisipin mo talaga,, eh matatawa,ka!!!, its really true,.. wooooohhh kaya ikaw ha,, magbusiness ka na rin sa aim global.. ***Life Cyle of Man Ano ba ito? Ang unang 21 years ng buhay natin ay Growth Years Ito ang mga panahon na nag-go-grow ka— physically (lumalaki ka), educationally (natututo ka, nag-aaral ka), emotionally (nagma-mature ka), at iba pa. Ang second phase ng buhay natin ay Career Years. Ito ang panahong nagta-trabaho ka na, kumikita ka na ng pera. You also call it Asset Accumulation Years. Ito sana ang panahon o pagkakataon na nag-iipon ka na ng pera kasi mayroon kang pinaghahandaan.Ano ang isa sa mga pinaghahandaan mo? ‘Yung susunod, Family Years. Magkakaroon ka ng pamilya. Magkaka-anak ka. Magpapa-aral ka. Bibili ka ng bahay at lupa. At lahat iyan, magastos. Nagkakaintindihan ba tayo? Now watch carefully. Simula 0 to 50 years old, ang kakayahan mong kumita ng pera, pataas nang pataas. Ang problema, hindi natatapos ang buhay doon. Ano ang kasunod? Physical Deterioration Years. Eto ang panahon na medyo manghihina ka na, magkakasakit ka na. May rayuma ka na. Marami na ang mawawala sa iyo. Baka mawalan ka na ng trabaho at malamang mawalan ka na rin ng buhok. At ano ang problema nito? Lumiliit na ang kakayahan mong kumita ng pera pero maaaring lumalaki ang gastusin mo. Dati-rati, ang ibinibili mo lang ng diaper ay ang baby mo, pero ngayon baka pati ikaw, mangailangan na ng diaper! ‘Pag nandito ka na sa phase na ito, marami ka ng sakit. Arthritis, high blood, diabetes, at iba pa. Ang problema ay hindi natatapos diyan. Darating ang araw, gusto mo pang magtrabaho pero hindi na puwede, magre-retire ka na, Retirement Years. Ang kakayahan mong kumita ng pera when you reach this level ay lalong bababa. Pangako, mangyayari ‘yan. At ito ang mas malaking problema: ang gastos mo baka pataas na nang pataas. Bakit? Kasi by this time, marami ka nang sakit. Maintenance medicine mo pa lang, ubos na ang pera mo. Maraming maysakit ngayon na P10,000 to P20,000 ang ginagastos sa maintenance medicine pa lang, sa gamot pa lang. Remember this: kapag dumating ka na rito, high risk ka na sa heart attack. Alam mo ba ang gagastusin mo kapag na-mild heart attack ka? Mild pa lang, ha! You might need to spend 200,000 to 500,000 pesos in the hospital. ‘Pag medyo serious, baka milyon ang abutin mo. Napaghandaan mo na ba ang araw na ‘yun? Darating iyan (at baka malapit ka na). Now, kung nasa Career Years ka pa, ano ang puwede mong gawin para maiwasan mo ang mga scenario n Ito? powerrr$$$$$$$!
Posted on: Tue, 29 Oct 2013 09:20:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015