HINDI nagustuhan ng mga Boholano ang pahayag ng Pangulong Aquino - TopicsExpress



          

HINDI nagustuhan ng mga Boholano ang pahayag ng Pangulong Aquino nang bumisita siya sa naturang lalawigan noong Miyerkules. Naasiwa ang mga taga-Bohol nang sabihin ng Pangulo na “there is a separation of church and state” matapos tanungin kung tutulong ang pamahalaan sa pagpapagawa sa mga nasirang simbahan sa lugar. Nagulat sila dahil parang ayaw daw tumulong ng Pangulo gayong hindi naman ordinaryong simbahan ang mga nasira kundi ito ay mga historical landmark na at bahagi pa ng national heritage. Ayon kasi sa ating batas, kapag naideklarang bahagi ng national heritage ang isang gusali o lugar, kabilang na ang mga simbahan, ito ay dapat alagaan na rin ng pamahalaan. Maging si Bohol Bishop Leonardo Medrozo ay nagulat daw sa pahayag ng Pangulo dahil nasa batas naman daw na kailangang alagaan ng gobyerno ang mga simbahan na idineklarang bahagi ng ating kasaysayan. Ang simbahan kasi sa Maribojoc ay mahigit 400 taon na. Ang cathedral naman sa Loon ay 200 years old na rin habang ang simbahan sa Lobok ay itinayo ng Spanish friars noong 1602 pa. Ang Pangulo nga naman... minsan ’di iniisip ang mga pinagsasasabi. Susmio... konting esep-esep naman Mr. President!!!! * * * ANYARI, SEN. DRILON???!!! Sa hindi malamang dahilan at tila milagro ang nangyari, pinirmahan na rin ni Senate Pres. Franklin Drilon ang subpoena para kay pork barrel queen Janet Napoles. Matatandaan na noong mga nakaraang linggo, dalawang beses tinanggihan ni Drilon na pirmahan ang subpoena para humarap sa Senado si Napoles sa kabila ng hiling ng Senate Blue Ribbon Committee. Dahil dito nagduda ang karamihan na baka natatakot lang si Drilon na pasiputin sa Senado si Napoles dahil baka maraming ikanta ang tinaguriang reyna ng pork barrel. Laking gulat ng ilan nang pirmahan na nga kahapon ni Sen. Drilon ang subpoena para kay Napoles na ang ibig sabihi ay puwede nang kuwestiyunin ng mga senador ito at tanungin hinggil sa nasabing scam. Sana hindi matatapos kay Napoles lang ang imbestigasyong ito dahil ito ay “in aid of legislation” para ’di na masayang pa ang pera ng taumbayan. Sana ipatawag din ang ilang contractor ng DPWH tulad ni Edwin Gradiola at isang nagngangalang “Buddy Zamora,” na umano’y tao nito, kung saan dinala ni Gradiola ang mahigit sa P6 billion na PDAF para sa mga imprastraktura base sa records ng naturang ahensiya. - lola basyang - Favradio
Posted on: Sat, 19 Oct 2013 04:30:46 +0000

Trending Topics



883">..... Zondis Romantic Ballads V kompilasie .............. CDEMCJ
मेरे द्वार खड़ा एक जोगी
In this contemporary adaptation of Jesus last days, audiences will
STEVEN by Steve Madden Womens Ellla Flat Online Clearance Deal
#SOCHI #Shame . Contingent of three Indians will participate in

Recently Viewed Topics




© 2015