HOROSCOPE Nobyembre 8, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star - TopicsExpress



          

HOROSCOPE Nobyembre 8, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 8, 2013 Pagtitibay: Huwag isandal ang sarili sa yamang madaling mawala. Sa halip pagtuunan ang yaman na kahit apoy ay hindi makakalusaw. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag itali ang pananagutan sa mahigit na pangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at blue. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Matutupad at maibibigay ang matagal nang naipapangako. Iwasan ang gumawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 34 at Chinese blue. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kababaang loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maging tapat sa sarili at sa kapwa at iwasan ang magsinungaling. Iwasan ang maging magagalitin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 35, 40, 42 at gold yellow. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Iwasan ang maging emosyonal sapagkat ito ang sisira ng magandang araw mo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 40 at ruby red. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kadalasan ang pag­mamadali ay nagbubunga ng pagkakamali na dapat iwasan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 31, 38 at peach. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Magi­ging suliranin sa sarili ang hinaing ng puso o ang suliranin ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang basta na lamang magalit na hindi alam ang mga detalye. Paghandaan ang anumang pagkakataong darating. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 26, 39 at yellow. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang aspetong pinansiyal ay siyang makakapagpabago upang humanap ng ibang pagkakakitaan. Mag-ingat sa anumang ginagawa upang maiwasan ang disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 40, 41 at purple. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maging maingat sa kilos at pananalita nang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at red. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kasambahay. Masaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 35, 39 at corn yellow. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang pagsubok ang magaganap na kailangan ang karunungan, talino at pag-iingat mula sa boss o tungkulin. Isang malapit na kamag-anak ang tatawag upang humingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13,27, 42 at violet. eagle
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 04:40:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015