Hello cousin Beng, huwag kang maniwala sa mga kritiko ng gobyerno, - TopicsExpress



          

Hello cousin Beng, huwag kang maniwala sa mga kritiko ng gobyerno, dahil lahat yan sila ay may pansariling agenda. Sa lahat ng mga naging presidente ng Pilipinas ay si Noynoy at ang Nanay lang niya ang least corrupt. Ang most corrupt ay si Marcos, Arroyo, at Estrada, in that order. Ang nakurakot ni Janet Napoles ay wala pa sa kalingkingan ng nakurakot ni Arroyo at Marcos, pero saan sila ngayon, wala sa kulungan at nasa pulitika pa at pasarap buhay sila. Hindi sila makulong dahil ang justice system natin na dapat mag-prosecute sa kanila ay corrupt din at inutil. Walang magagawa si Aquino na ipakulong sila dahil wala ito sa power niya dahil sa separation of powers ng state into executive, legislative at judiciary. Not unless na mag-declare siya ng Martial Law at maging dictador gaya ni Marcos, pero hindi gagawin ni Aquino ito, dahil sa commitment niya sa democrasya gaya ng tatay at nanay niya. Ang problema sa Pilipinas, ay systemic ang corruption. Hindi ka makaka-pag transact ng business sa anumang ahensiya ng gobyerno ng walang SOP. Kung vendor ka kailangan ipatong mo ito sa presyo mo, para mabigay mo ang lagay sa mga ganid na opisyal ng gobyerno na dadaanan ng papel mo. Ng panahon ni Arroyo ang hinihingi nila ay nasa 15 - 30% ng presyo ang kickback nila, may patong pa sila sa presyo, at kung minsan ay ghost deliveries/projects pa so wala ng puhunan, pirma at laway lang. Ganoon ka ganid sila, masahol pa kay Marcos. Ang corruption ng panahon niya ay from top to bottom, kaya siya maraming projects, dahil sa projects ang pera. Ng umupo si Aquino, at ang platform niya ay anti-corruption ay sinuportahan siya ng taong bayan, dahil tama siya na ang corruption ang nag-papahirap sa taong bayan. Nabawasan ni Aquino ang corruption, pero hindi niya ito maaalis 100%, dahil wala siyang control 100% sa buong bureaucracy ng gobyerno dahil sa napakalaki nito. Ang mga taong inilagay man niya ay hindi rin niya makokontrol kung nag-nanakaw, unless ma-audit ng COA, in years. Ilan ang line agencies, bureaus, goverment corporation, etc. ng gobyerno, napakarami, at lahat ito ay may-sariling decision making power sa purchasing, etc., na wala sa control ni Aquino, although sabi natin ay may command responsibility siya dahil siya Presidente, pero sa totoo wala siyang control dito. So napaka-daling ibato kay Aquino ang sisi, dahil siya ang pinakamataas na pinuno, pero hindi natin alam ang takbo ng gobyerno. Halos lahat ng pulitico (90 - 99%), ay kumandidato hindi para mag-silbi sa bayan (although yun ang sabi nila), kundi para yumaman, dahil kung nasa poder ka ay madali kang yumaman, o kung mayaman ka na, mas lalo kang yayaman. Kasabihan nga, ang "golden rule" daw ay, "he who has the gold, makes the rules". Ang pilipinas ay pinatatakbo ng iilang tao lamang, yung "power elite". Although, hindi lang ito sa pilipinas nangyayari kundi sa buong mundo, na iilang tao lang (siguro less than 1% ng population) ang may control ng economy ng buong mundo. So yung iba, "slave" na gaya noong unang panahon. Pero ang mga taong natatapakan ni Aquino ay gustong i-weaken ang gobyerno niya, para sila ang maupo at mas-marami ang makurakot nila sa gobyerno. So dahil marami silang perang nakurakot dati ay ginagamit nila ito para bayaran ang media, o mag-create ng chaos gaya ng sa Zamboanga (binayaran daw si Misuari ng 40 million ni Enrili para dito) para siraan ang gobyernong Aquino, at isa na si Tatad sa mga media men na ito na bayarin ng kalaban ni Aquino. So si Napoles, ay hindi ang mastermind, dahil ang mastermind ay ang mga senatong, tongressman, governor, mayor, etc., na kakutsaba ni Napoles sa pag-lustay ng pera ng taong bayan. At si Aquino, hindi niya mapapagalaw ang mga senatong, at tongressman na ito ng walang "incentives" o "SOP" para ma-ipasa niya ang anumang bill niya na gustong ipasa sa Congress para sa taong bayan, kaya kung minsan ginagamit ng gobyerno na carrot & stick ang PDAF para mapatakbo ang gobyerno sa direction na gusto nito. Mali ito, pero ito ang sistema ng gobyerno, so anong magagawa ni Aquino? He has to go with the "flow" ika nga, or "when in Rome, do as the Romans do"? At yung mga kasangkot sa Scam, ma-kulong sana silang lahat ng plunder, para hindi na sila maka-pagkandidato ulit at mabawasan ang mag-nanakaw sa gobyerno.
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 10:37:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015