Hi! So gusto ko lang i-share to. Freshman ako from - TopicsExpress



          

Hi! So gusto ko lang i-share to. Freshman ako from CTHM. Highschool ako. Not to be judgemental pero may dalawa akong guy na naging ka-mu nun. Silang dalawa, pinaasa ako. After nun, ayoko na. Sinasabi ko na hindi na ako magpapaasa ulit. Marami man akong naging crush tapos kakausapin ako, sinasabi ko nalang, Tss wala to. Type ko sa lalaki, chinito, gentleman, matangkad. Pero siyempre, kikilalanin pa. Charot. First day, may nakilala akong taga CFAD (itago sa pangalang MIGS) dahil sa common friend na itago natin sa pangalang HANS. Si Migs sobrang kabaliktaran ng type ko. Mestiso at hindi gentleman. Oo gwapo siya. Pero siya ang kabaliktaran ng gentleman. Kapag sasabay siya pag break namin, ta-trashtalkin niya ko, e medyo masungit siya kaya nakiki-ride nalang ako dahil ayun, natatakot ako sakanya. Haha pero masarap kasama dahil nakakatawa SOBRA. Tinanong niya sakin one day kung may crush ba ko sa block, sabi ko oo. Tinanong ang pangalan. Itago na natin sa JUSTIN. Chinito, matangkad at gentleman. Type ko. Sinabi ko kay Migs na inaasar kami sa block namin na loveteam. Sabi niya, Patingin nga niyan! Maya maya nakita ko si Justin naglalakad, tinuro ko sakanya. Sabi niya AYAN?! Mukha namang burnik eh! Tumawa nalang ako. Hindi ko talaga siya ginagantihan sa kahit anong trashtalk niya dahil wala akong laban at medyo takot din ako. Hehe. Isang break namin, wala, out of boredom sabi ko kay Hans, Uy prank call ko si Justin. sabi niya gags wala akong number nun. Si Migs nalang para ayos! sabi ko ayoko takot ako dun! Baka magalit pa tas trashtalkin nanaman ako sabi ni Hans Go na!! Di yan! Edi binigay sakin number ni Migs. Pinrank call ko at siyempre at the end of the day during dismissal, sinabi ko na ako yun. Tumawa siya at sabi niya Gago ka talaga wala ka bang magawa? Alam kong pajoke yun. Tumawa nalang ako. Tapos inakbayan niya ako. May kilig factor akong naramdaman na ewan. On the way home, may nagtext sakin. Si Migs, ang sabi Hoy! Ikaw ah kinuha mo pa number ko kay Hans. Mga paraan mo. Buking ka na! Crush mo ako no? KADIRE! sabi ko Wag ka ngang feeler. Ayoko kunin no, pinilit lang ako ni Hans at iba talaga ang balak kong i-prank! After nun, araw araw na kami magkatext ni Migs, puro trashtalkan, murahan at lahat lahat. Walang sweetness at all. Wala akong gusto sakanya, hindi ko ma-imagine na magkatuluyan kami dahil... ewan HINDI KO TALAGA MA-IMAGINE, sobrang imposible. Yun nga lang, nacu-cutan lang talaga ako sakanya ahaha. Sa isip isip ko, imposible rin tong magkagusto sakin. Kaya okay lang. After months, sa tagal naming magkatext at magkasama nang kaming dalawa lang pag breaks, inaasar na kami ng mga kaibigan ko. Parati siyang Pucha kadire! Sa lahat ng babae, ayan pa! ako rin ganyan sakanya EWW please lang! (Pero sa totoo.... nagkaka-feelings na ako sakanya. Pero tinatago ko nalang.) One day tinanong niya sa text... Migs: Kamusta na kayo ni burnik? Me: Sino? Migs: Si Justin kasi. Hina mo! Me: Ah wala crush ko parin. Bakit selos ka? Migs: YUCK. Me: Tsss pag ikaw nagka-gusto sakin, ibabaon kita sa lupa. Migs: Bakit may nagugustuhan ka ba? Me: Oo?? Di ko alam eh malabo. Ikaw? Migs: Secret! Me: Tae ako sinagot ko tas ikaw ise-secret mo! Migs: OO NA MERON NA! Me: Sino? Migs: Secret! Ilang beses ko siya pinilit pero ayaw niya talaga sabihin. Puro siya SECRET! After months and months, dumating sa topic na about sa secrets namin. Naging open na kami. Hindi na tulad dati na puro asaran at trashtalkan lang. Bigla niyang sinabi... Migs: O ikaw may itatanong ka pa ba? Me: Oo kaso alam kong di mo naman sasagutin! Migs: Go na! Im giving you the chance to know something. Me: Fine. Sino yung gusto mong girl? Migs: Gutso mo ba talaga na dito ko sabihin? Ang pangit pag sa text lang eh. Bukas nalang. Me: Gege. Migs: Ikaw? Sino yung gusto mong guy? Me: Basta. Migs: Bilis na! Ang daya neto ako sasabihin ko, ikaw hindi. Me: Fine! Bukas na. Tapos nag-goodnight na ako. Kinabukasan, dismissal namin ni Migs. Tinext niya ko, sabi niya Kita tayong lovers lane. Edi pumunta kami. Migs: O ano yung tanong mo ulit sakin kahapon? Me: Sino yung girl na gusto mo? Migs: Si..... Sa isip isip ko, shit ibang tao. Tas sinigaw niya pangalan ko. Dinagdag niya.. Migs: Ayokong sagutin kung sino nung tinatanong mo dati kasi hindi pa ko sure kung gusto ko pumasok sa ganitong sitwasyon. Pero ngayon, sure na ako sayo. Ikaw sino yung gusto mo? Me: Ikaw. Halata naman diba. Tapos hinug niya ko at nagsorry sa mga trashtalk na sinabi niya sakin. Sabi niya Inaasar lang kita para itago ko nararamdaman ko sayo. Para di mo mahalata. ..... pareho lang pala kami ng ginagawa. Haha! Ngayon, masaya kami. Hindi pa kami pero walang nagbago simula nung nag-aminan. Asaran parin pero siyempre, hindi mawawala yung sweetness. Ang sarap magkaroon ng pwede mong maging bestfriend at the same time, boyfriend. Kilala na siya ng parents ko at kilala narin ako ng parents niya. Twice na niya ko tinanong kung pwede na ba niya ko maging gf, sabi ko ang bilis pa. Naintindihan naman niya ako at di daw niya ako mamadaliin. Char! Para sakin lang, wa-epek pala yang mga type type. Sa unang tingin lang yan girls! Pero pag nakilala mo na, di mo akalain, ma f-fall ka pala. Kahit kabaliktaran pa yan ng type mo. Dahil nasa tamang tao yan na ibibigay sayo ni Lord. Oh diba. Haha! Ayun lang :) CTHMgirl COLLEGE OF TOURISM AND HOSPITALITY MANAGEMENT 2013
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 03:50:18 +0000

Trending Topics



7622650959">Odd is the divergence between LinkedIn’s stated policies and the
ight:30px;">
Kiasmos is the collaboration between famed Icelandic experimental
Ladies and Gents: Tune-in this Sunday to ABC at 11:00 AM EDT to
Governors Nebraska gov, Illinois senator say White House
Refer to my earlier post Challenges of One Mr. Jashim
De la reencarnación 19. ¿Por qué el espíritu que está en el

Recently Viewed Topics




© 2015