Jun Lalin AS part of My Lady Boss promo nila sa Startalk, si - TopicsExpress



          

Jun Lalin AS part of My Lady Boss promo nila sa Startalk, si Marian Rivera mismo ang magho-host ng segment nila ni Richard Gutierrez sa showbiz talk show ng GMA 7. Kuwento ng isang taga-Startalk, maaaliw ang televiewers sa segment nina Marian at Richard dahil hindi paliligtasin ng una ang huli sa mga pambubuking. Knowing kung gaano kakulit ang dalawa kapag magkasama, marami ring mabubukong sikreto ni Marian sa interbyuhang ‘yon. Oo nga pala, dahil galing sa ibang bansa si Richard, hindi niya nakalimutang pasalubungan si Marian. Noong isang araw na magkasama ang dalawa sa taping ng Eat Bulaga ay ibinigay na ng binata kay Marian ang chocolates na binili niya para rito. ‘Katuwang pakinggan sina Richard at Marian kapag nagkukuwentuhan, ang topic nila minsan ay ang kani-kanyang mahal sa buhay. Sabi ni Marian kay Richard, nagpa-follow pala sa kanyang Instagram account si Sarah Lahbati dahil nagko-comment ang girlfriend ni Richard sa ibang pictures na pino-post niya. Sayang daw at hindi makapag-comment si Marian sa pictures ni Sarah dahil naka-private na ang settings ng Instagram account nito. Oo nga pala, bukas nang 7:00 PM ang premiere night ng My Lady Boss sa SM Megamall Cinema 10.
Posted on: Sat, 29 Jun 2013 12:24:42 +0000

Trending Topics



0px;">
Nawaz Sharif’s first order of business: screw Karachi. The
Have a read everyone. :) If anyone does this... well... I have
** Ako People Search : (1) Search Anyone for Free! (2) Get a Full
Episode 2. Capoeira. Capoeira is my life - Marcelo Mastro. Schools

Recently Viewed Topics




© 2015