KAMAY NA BAKAL SA ZAMBO STANDOFF Nina( Boyet Jadulco at Al - TopicsExpress



          

KAMAY NA BAKAL SA ZAMBO STANDOFF Nina( Boyet Jadulco at Al Jacinto) Nagbabala ang administrasyong Aquino na handa silang gamitin ang kanilang “kamay na bakal” kung hindi pa rin matatapos sa mapayapang paraan ang standoff ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City. Inilabas ng palasyo ng Malacañang ang babala sa ikaapat na araw ng girian ng militar at mga rebeldeng MNLF na kaalyado ni Nur Misuari sa Zamboanga City. “The forces of the state are ready to exercise the resolve of the government. While the government is exhausting all avenues for a peaceful resolution to the situation. “Let it be clear to those defying us that they should not entertain the illusion that the state will hesitate to use its forces to protect our people,” ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda. “Instead, it is time for you to cooperate to resolve this situation peacefully at the soonest possible time,” dagdag pa nito. Ayaw namang tumbukin ng tagapagsalita ng Pangulo kung “ultimatum” na ang pinalabas na babala ng palasyo, sa pagsasabing bahala na ang puwersa ni Misuari na kumapa sa kanilang pahayag. Kumbinsido rin silang mga tauhan ni Misuari ang lumusob sa Zamboanga City sa kabila ng pagtanggi diumano nito. Tuloy ang bakbakan Sa huling kaganapan, patay ang isang sibilyan at sugatan ang 4 na iba pa matapos na pasukin kahapon ng pinagsanib na Moro National Liberation Front at Abu Sayyaf ang Lamitan City sa magulong lalawigan ng Basilan sa Muslim autonomous region. Kinumpirma rin ni Vice Mayor Roderick Furigay ang labanan na naganap sa kanyang lugar at ang pagkapatay sa sibilyan at pagkasugat ng isa pa. “Isa ‘yung patay at isa rin ang sugatan sa atake at huwag munang lumabas ng bahay ang mga residente,” ani Furigay. Halos 3,000 katao naman ang nagsilikas sa Barangay Colonio at Campo Uno dahil sa takot na maipit sa gulo, ayon sa Mindanao Human Rights Action Center. Nasa paaralan umano ang mga ito habang may banta pa sa kanilang seguridad. Sinabi naman ng militar na mahigit sa 150 rebelde ang sumugod sa Lamitan ngunit napigil naman ng mga sundalo ang mga ito na mapasok ang sentro, ngunit 3 sundalo naman ang sugatan. Nakilala ang lider ng mga ito na sina Puruji Indama, Isnilon Hapilon, Basir Kasaran at Nurhassan Jamiri. Inatake rin ng mga rebelde ang isang detachment ng militar sa Barangay Magcawa sa bayan ng Tipo-Tipo at napigil din ito ng mga tropa. “We were able to repulse the attack and we still don’t know if there were casualties on the enemy side,” ani Somera. Ang paglusob sa Lamitan ay halos kasabay naman sa bakbakan sa Zamboanga City na kung saan ay nabawi ng mga sundalo ang isang paaralan sa Barangay Santa Barbara matapos ng matinding labanan. Tatlong lugar din ang sinunog ng mga rebelde at hawak pa rin nila ang mahigit sa 100 bihag, kabilang ang isang Katolikong pari at pastor. Dahil sa labanan ay patuloy rin na lumulobo ang bilang ng mga evacuees at ngayon ay nasa mahigit 13,000 na. Maging ang mga helicopters ay niraratrat din ng mga rebelde, ngunit nagpakawala naman ang US military na nakabase sa Zamboanga ng isang spy plane na siyang tumututok dito sa tuwing gabi. heart
Posted on: Fri, 13 Sep 2013 03:21:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015