KWENTONG TSISMIS NG TATLONG MAGKAIBIGAN (LADY ANNIE>unfriend> - TopicsExpress



          

KWENTONG TSISMIS NG TATLONG MAGKAIBIGAN (LADY ANNIE>unfriend> ELVIE > OBSESS> ED> Broken home) ELVIE(1-10) 7.DJ ED DEHINS PO SIGN-IN SA MAULAN NA METRO MEGA MANILA, SEPT. 15 -10:00 am. GOOOOOD ANO MANG TIME MAYRON KAYO DYAN, TULOY NAPO NATIN ANG UNTI-UNTING KWENTUHAN NG WALANG MAGAWA NYONG DJ ED- ANG LOVE STORY NI ELVIE.......... DEAR DJ ED; Sa pangalawang pagkakataon ay kinuha ko uling saksi sa kasalan si ED hindi ko alam kung ano ang pakiramdam nya, siguro wala lang. Tiniyak ng nanay ko na totoo na ang kasalang ito. Gaya ng sabi ni Japon ay isasama na niya ako sa Japan at naka schedule na ang petsa ng flight namin. Gusto kong sa huling pagkakataon ay makausap si ED. Kinuha ko ang songhits na napakahalaga sa akin dahil nandoon ang guitar chord ng kanta ng sagutin ko siya o napasagot ko siya - Endlessly Devoted To You. Inipitan ko ito ng maikling sulat, napakaikling sulat na kung ilang ulit kong binago. Una magkita tayo sa biglang liko, magkita tayo sa motel , magkita tayo sa privadong lugar, parang hindi ko gusto sobrang garapal at baka may makabasang pang iba o baka iwasan nya ako at matakot sa asawa. Kaya ang tanging naisulat ko ay makita tayo kahit saan at may pag-uusapan tayong mahalaga, antayin kita sa sakayan ng dyip alas 4:00 ng hapon. Sana masakyan nya ang ibig kong sabihin gusto kong magkaroon kami ng ugnayan sa isat isa, gusto kong ibigay ang sarili ko sa kanya bago kay Japon, kaya lang sa paraan na galing sa kanya ang Move, bago ako umalis papuntang Japan. Nagpaalam lang ako na may bibilhin na personal na gamit, sa sakayan ng dyip ay nakita ko siyang paparating nag-patiuna ako pagsakay, hindi pa naman puno ito, nakapila. Bago kami limipat ng ibang sasakyan ay nagpapalit ako sa Money Changer ng LAPAD(yen)- pera ng hapon noon lang ako nakahawak ng ganon, bigay ni Japon mahigit 4Thou. bawat isa. Kuya , akalain mo bang sa Malaking Mall nya ako dinala, may pagkadismaya ako, bagamat nandon na ay nag-usap kami at sinabi ko ang plano ko kapag nasa Japan na ako, na kung sakaling makaipon ako ay tulungan nya akong magpundar ng sariling akin, tulad ng bahay, ilihim namin ito kanino man, tatawagan ko siya sa telephone sa pamamagitan ng isang kaibigan. Pumayag naman sya. Sa totoo lang kaya ko ginawa ito ay para hindi matigil ang komunikasyon namin. Nasa mall na rin lang kami ay ipinamili ko na siya ng mga damit, ayaw nyang tanggapin pero napilitan din at namrublema kung papaano nya ito ipapaliwanag sa misis nya medyo nasaktan ako, pero ganon talaga. Iba ang sayang nagagawa ng pera, namili narin ako ng gamit, Nanood kami ng sine pero pinili nya ay Action pa at maraming tao, asar talaga., grrrrrr ganon pa man sa loob ay nagagawa ko syang subuan ng tsokolate na galing kay Hapon ibibigay ko sana ito pasalubong para madala nya sa kanila. Naubos din ang tsokolate sa kakulitan kong subuan sya, Hawak braso lang at pagsubo ng tsokolate ay masaya na ako, at least naiparamdam ko ang baliw kong pagmamahal. Medyo late na baka hinahanap na ako ni Japon , gusto ko man magpakasaya pa sa pilng nya di na pwede, kaya deretso na kaming umuwi. hanggang bukas uli kuya ED -ELVIE .............TULOY LANG ANG KWENTO ELVIE SALAMAT SA PAG SHARE NG BALIW MONG PAG-IBIG KAY ED, DJ ED DEHINS PO SA UNTI-UNTING KWENTUHAN DITO SA O.P.M. IMS
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 09:43:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015