KWENTONG TSISMIS NG TATLONG MAGKAIBIGAN (LADY ANNIE>unfriend> - TopicsExpress



          

KWENTONG TSISMIS NG TATLONG MAGKAIBIGAN (LADY ANNIE>unfriend> ELVIE > OBSESS> ED> Broken home) ED (1-9) 5.DJ ED DEHINS PO SIGN -IN SEPT 24 UNTI UNTING KWENTUHAN DITO SA O.P.M. IMS , MAKULIMLIM NA METRO MEGAMANILA....GOOOOOOOOD ANONG TIME MAN KAYO MERON DYAN, SA PAGPAPATULOY NG MGA PAG-IBIG NI EDILBERTO,,,,,, DEAR DJ ED; Wala na nga ang GF ko ay pinag-iinitan pa ako ng teacher ko. Ako ang laging tinatawag halos parang namemersonal na sa pakiramdam ko, ok lang sana, nailalabas ko ang talino ko, ang hindi ok ay ang walang GF. Kailangang mahinto na ang ginagawa ng baguhan kong teacher, kaya hinamon ko siya sa harap ng klase na tanggalin nya ang hawak nyang libro at sabay naming i-discuss ang lesson ng oras na iyon, siya lang ang teacher namin na natingin ng libro ang lahat ay chalk lang at classrecord ang dala, sinabihan ko siyang bookish. Napahiya ito at nag Walk-out sa klase. Pinaki-usapan ako ng mga kaklase ko na humingi ng tawad at unawain nalang siya dahil baguhan pa. Bagamat kaya kong panindigan ang hamon ko dahil nasa top10 over-all ako hindi nya ako bastabasta maibabagsak ay naisip ko rin at sinang-ayunan ang mga kaklase ko. Sinundan ko siya sa loob ng Feculty at nakita ko nga na naiyak ito. Humingi ako ng tawad at nangakong hindi na uulitin ang ginawa ko bawasan nya lang ang pamemersonal sa akin. Kung gusto nya ay gagawin ko ang parusa noong elementary ako , isusulat ko sa blackboard ang 100x na hindi na ako uulit pa o kaya didipa ng may libro sa kamay. Tahimik lang siya at iniabot sa akin ang isang brown enveloped at ng buksan ko ito ay nakita ko ang sinulat kong loveletter at tula na maayos na nakalagay pa sa isang plastic na enveloped din para tuloy itong lamenated. Akala ko itinapon nyo na ito sa basurahan? tanong ko, Ito daw ang kauna-unahang natanggap nya na kove letter, nagandahan sya kaya itinago nya. Nag-aral sya sa isang school na puro babae at kaya nya raw ginagawa sa akin iyon ay para magkaroon kami ng Gap at huwag ko siyang lapitan baka matanggal sya kapag nalamang nakipagmabutihan sya sa isang estudyante, hindi paman sya nareregular. Pinatawad nya ako at papasok daw siya sa susunod na araw na. 1st subject ko siya, maaga akong pumasok ng sumunod na araw at pinuno ko ng sulat ang aming Blackboard na hindi na ako manghihiya ng titser , pinagbantay ko ang isa kong kaklase sa pinto at ng parating na siya ay dumipa ako at nagpalagay ng libro sa kamay. Alam ko natatawa siya sa ginawa ko, nagsalita sya sa harap ng Class , Tama raw ako , kailangan daw na pag-aralan ang lesson namin sa bahay at ganon din dapat ang gagawin nya. Hindi na siya magdadala ng libro at magtulungan daw ang lahat na mag-aral. Kalimutan na ang pangyayaring naganap. Nagpalakpakan ang buong klase at ipinabura nya sa akin ang mga sinulat ko sa blackboard, Wala na siyang dalang libro at hindi narin nya ako tinatawag ng madalas at nakasanayan na niya ang kalakaran sa school namin at naging barkada at kaibigan narin namin siya sa labas ng classroom at kasama sa lakaran sa labas ng school. Pinilit kong mapalapit sa kanya ng hindi naungkat ng tungkol sa panlilgaw,hanggang bukas pong muli ---ED.......... DJ ED DEHINS PO DEHINSAMA MAGPAYO UNTI-UNTING KWENTUHAN LANG PO.
Posted on: Thu, 31 Oct 2013 09:52:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015