“Kasalukuyang niyuyurakan ng pwersa ng AFP ang karapatan sa - TopicsExpress



          

“Kasalukuyang niyuyurakan ng pwersa ng AFP ang karapatan sa ancestral domain, lupa at kabuhayan ng mga Ayta, magsasaka at residente ng bayan ng Capas para bigyang daan ang proyektong Clark Green City. Patuloy ang panlilinlang ng militar na ang kalupaan ay bahagi ng military reservation, habang hinahanda ng BCDA ang proyektong Clark Green City, na walang kahulugan kundi ang pribatisasyon, malawakang land use conversion at pagbebenta ng lupa sa dayuhan at lokal na mamumuhunan. Lantaran din nitong nilabag ang karapatan ng Ayta sa lupang katutubo at ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa,” ayon kay Joseph Canlas, tagapangulo ng Amgl. amgl-kmp.weebly/4/post/2013/11/ayta-farmers-protest-against-clark-green-city-military-reservation-capas-tarlac.html
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 02:14:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015