Kaya ito ang panahon na bawal na mag backslide at kung dati - TopicsExpress



          

Kaya ito ang panahon na bawal na mag backslide at kung dati hati-hati lang ang ating pagtitiwala sa DIYOS, dapat buo na ngayon, dodoblihin o tritriplihin pa mga kapatid upang tayoy makakatagal sa anumang mga matitinding pagsubok, paguusig o dagok sa buhay na ating mararanasan sa mga huling araw.Sabi ni apostoles Pablo, Kaya nga magingat ang sinumang nag-aakalang siyay nakatayo baka siya mabuwal.(1 Corinto 10:12) Kumapit tayo sa Batong saligan upang hindi tayo mauuga na walang iba kundi ang ating PANGINOONG HESUS at ang kanyang mga SALITA! Ang sabi ni haring David Sa DIYOS lamang ako umaasa; ang kaligtasay nagbubuhat sa kanya; tanging SIYA LAMANG ANG TAGAPAGLIGTAS, TAGAPAGTANGGOL ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!(Mga awit 62:1-2 Magandang balita bibliya) Nakakalungkot lang sa mga taong wala pa ang tunay na KRISTO sa kanilang mga buhay sapagkat mangangapa sila sa dilim; hindi nila alam kung alin ang kanan o kaliwa! Pero mga kaibigan, mahal kayo ng PANGINOON at ayaw sana ng DIYOS na kayoy hahantong sa kaparusahan sa impiyerno. Kaya alisin na natin ang religious pride at magsisi! Lumapit tayo sa tunay na DIYOS na tinuturo ng Bibliya, upang makamtan natin ang kapatawaran sa ating mga kasal-anan sapagkat hindi RELIHIYON ANG KAILANGAN KUNDI RELASYON at makakaseguro tayong may buhay na walang hanggan sa langit! AMEN BA?
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 05:39:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015