Kinokondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang illegal - TopicsExpress



          

Kinokondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang illegal na pag arresto kay Anakpawis Representative Fernando Hicap at kanyang mga kasamahan na si Florida Sibayan ng Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala), Anakpawis Danilo Ramos, Sister Patricia Fox, Ericson Acosta, Kermis Acosta at iba pang mga kasama nito. Inaresto ang grupo Habang naglulunsad ng fact finding mission upang imbistigahan ang panloloko at panggigipit ng DAR, Militar at Pulis sa mga magsasaka ng hacienda luisita Sa kasalukuyan sila ay ikinulong sa Tarlac City Police Station sa pamumuno ni deputy chief Jovy Pagarigan. Ayon sa PNP sila ay kakasuhan ng malicious mischief, illegal entry and assault to men in uniform. Naniniwla ang ACT na gawa gawa lamang ang mga kasong isinampa sa kanila upang takutin at pigilan ang grupo na isiwalat ang panloloko sa mga magsasaka ng hacienda luisita. Nais ng angkan ng mga Aquino na itago sa publiko ang kanilang gianagawang pananakot at panloloko sa mga magsasaka at mangagawang bukid ng hacienda luisita at ikubli ang kanilang mga maniobra upang manatili ang kanilang kontrol sa malawak na lupain. Kagyat na palayain si ka Fernando Hicap at iba pang mga kasama nito. Kondenahin ang pangigipit at pandarahas ng Pamilyang Aquino sa mga magsasaka ng HLI. Tunay na Reporma sa Lupa ipatupad!
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 10:37:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015