Lahat tayo ay nagsisimulang pangit. Noong kolehiyo, mukha akong - TopicsExpress



          

Lahat tayo ay nagsisimulang pangit. Noong kolehiyo, mukha akong ulikba. Maitim, payat ang katawan at humpak ang pisngi, naka-gel ang buhok na sa sobrang tigas ay puwedeng makapatay ng mahuhulog na butiki, at kung hindi masyadong pormal ang damit, naka-uniform na parang nagtatrabaho sa punerarya (ganito ang practicum uniform namin sa Educ). Pero noong 2008, pagkatapos ng unang taon ng pagtuturo ko, naisip kong may ibubuti pa ang hitsura ko; na marami pa akong puwedeng gawin kung gagawin ko lang. And so, ipinatupad ko ang isang proyekto para sa sarili ko na tinawag kong "Revolutionize Myself Program." Nagsuot ako ng maong at kaswal na t-shirt; buwan-buwang nagpa-facial at sa Bench Fix na nagpagupit, sa isang tinatawag na stylist; kumain ng marami at nagpataba nang kaunti; at nagkaroon ng mas positibong disposisyon sa buhay. Nakatulong din na nang magdesisyong bumalik sa UST, naitalaga ako sa isang kolehiyo na may mataas na pagpapahalaga sa personalidad, mula hitsura hanggang pagkatao - ang CTHM. Kung ano ang hitsura at pagkatao mo ngayon, may ibubuti pa iyan. Malaki pa! Kailangan mo lang huminto saglit, pagplanuhan ang mga iyon at maging handa sa pagkilos. Ngayon, 5 taon na ang nakakalipas, 2013, nakahanda na akong magpatupad ng bagong programa - Refine My Personality Program. May ibubuti pa ang lahat. Gudlak sa atin! :)
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 05:58:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015