MUST READ !! SPG HORROR.... Apartment Sa Baguio - HORROR STORY - TopicsExpress



          

MUST READ !! SPG HORROR.... Apartment Sa Baguio - HORROR STORY =S ---- Isang Engineering student si Ernesto,masipag mag aral kasi siya lamang ang inaasahan nang kanyang mga magulang para maitaguyod ang kanilang pamilya,hindi naman kasi sila mayaman,nakakapag aral lamang siya dahil sa scholarship na kanyang natanggap.Sa Saint Loui niya napiling mag -aral dahil bukod sa maganda ang klima sa baguio at least malayo layo sa ingay nang siyudad.Dahil di naman siya taga dito kung kayat kinakailangan na mag rent siya nang kuwarto na sasapat lamang sa kanyang budget,at may nakita naman siyang mura lamang na apartment ,malaki ito may anim na kuwarto,malaki din naman ang loob tatluhan sa bawat kuwarto,500 pesos lang ang bayad kaya naman kinagat na niya kahit medyo luma na ito malinis naman mukhang alaga nang tenant. Oh Manang ito po yung advance ko at yung bayad ko ,lilipat na po ako mamaya sabi ni ernesto kay aling Juanita ang tenant sa apartment na iyon. Okey iho,naayos ko na din yung kama mo,lahat nang gamit dito pwede mong gamitin,T.v Radyo,Ref ,pero bwal lang ang mag inuman dito at magdala nang babae okey,yan ang mahigpit kong binagbabawal sagot nang babae. Okey malinaw po,wala naman akong bisyo at babae malabo po yan natatawang sagot naman ni Ernesto. Sadya talagang pag -aaral lamang ang inaatupag nang binata,wala siyang panahon sa ikasisira nang kanyang pag-aaral dahil desidido siyang makatapos at di siya gagawa nang kahit na ano para madisaapoint ang kanyang mga magulang.2 weeks pa naman bago uli mag umpisa ang klase kaya marami pa siyang araw para maayos ang kanyang mga gamit. Sa wakas ,naayos na niya ang kanyang mga damit at kung ano ano pang gamit sa pag aaral niya,nakilala narin niya ang kanyang mga room mate si Jester at Orlando,parehong nursing student at pawang di din taga dito. Pare welcome sa Hunted apartment sabi sa kanya ni Orlando na nakangiti pa. Sira ka talaga Lando,sabi naman ni Jester mamaya nan matakot yang si Ernesto eh. Mabuti na yung alam niya diba?sagot naman ni Lando. Wag kayong mag-alala mga pre di ako natatakot sa Multo sabi naman ni Ernesto na nakangiti pa. Good JOb pare kasi ako takot eh,at tumawa pa nang malakas si Orlando. Alam naman niyang biro lamang iyon nang lalake,hindi naman talaga siya natatakot sa multo,kasi na niniwala siyang sa panahon ngayon wala nang MUlto,makabagong teknolohiya na,maingay kaya takot na ang mga multo na yan sa pagpaparmdam.Dahil nag OOJT ang dalawa malamang siya lang lagi ang maiiwan sa kuwarto palage,pang gabi hanggang madaling araw ang schedule na dalawa sa hospital kaya naman advatage sa kanya yun makakapagreview siya nang matiwasay kung saka sakali,medyo maingay kasi si Orlando,mukhang makulit at kuwela. Unang gabi niya sa aparment,nagpaalam ang dalawa na lalabas ang mga ito at mag babar,sinasama siya pero tinanggihan niya,wala din naman kasi siyang hilig sa night life kaya ,as pinili niyang mag stay nalamang ,tahimik ang kabahayan,mukhang siya lamang ang mag isa dito,nakaramdam siya nang panlalamig sa piligid.hindi niya ito pinansin naisip niya malamig naman talaga dito sa baguio kaya binalewala niya ang pakiramdam na iyo. Nakaidlip siya dahil narin sa pagod sa pag aayos,saglit lamang bigla siyang nagising nakaramdam siya nang pag kauhaw kaya lumabas siya para kumuha nang tubig sa Ref,nang mapadaan siya sa kuwarto nang katabi nang sakanila may naririnig siyang umiiyak,iyak nang isang babae na para bang nagmamakaawa.Nagulat siya akala ba niya bawal ang babae dito,sabi nang kanyang isip,binalewala niya ito ngunit palakas ito nang palakas.May napansin siyang maliit na butas doon,dahil sa kuryosidad lumapt siya sa pintuan at sinilip ito,ngunit puro kulay pula lamang ang nakikita niya dito. Dahil sa walang makita naisipan niyang bumalik sa kanyang kuwarto,kakaiba ang mga iyak na iyon sabi niya sa kanyang isip,pero bakit may babae doon alam kaya nang tenant na nag uwi nang babae ang nasa kabilang kuwarto mukhang nag aaway sabi nang isip niya,pero wala siyang naririnig na usapan,bakit puro iyak lang,Muli niyang pinikit ang kanyang mga mata,hanggat sa nakatulog siya. Kinaumagahan,nadatnan niya sa labas sa sala si Orlando na nagkakape.Alas diyes na iyon nang umaga malamang late nang nakauwi ang mga ito,hindi na niya namalayan dahil nagtuloy tuloy na din ang kanyang tulog. Pare kamusta naman ang unang gabi,di pa nagparamdam sayo yung multo?tanong nito sa kanya. Wala naman pare,di niya sinabi ang narinig niya kagabi baka magsumbong pa ito sa tenant na nag uwi nang babae ang isa sa ka apartment nila magalit pa ito sa kanya. Swerte mo di ka ata natipuhan ,nakangiti pang sabi nito sa kanya. Ikalawang gabi ni Ernesto siya nanaman ang mag isa sa apartment,naiinip siya kaya naman lumabas siya at nanood nang Tv,nasa kalagitnaan na siya nang pinapanood nang marinig nanaman niya ang iyak nang isang babae,palakas na nang palakas na tila ba ay hirap na hirap ito,nabigla siya kaya napasugod nanaman siya sa kuwarto kinatok na niya ito pero walang sagot sa loob,muli nanaman na itong sinilip puro katulad nang mga na unang araw puro pula nanaman ang nakikita niya,naisip niya napaka weirdo naman nang may ari nang kuwarto na ito dahil puro pula ang nilagay sa paligid,kung sa bagay mukha ngang weird dahil dalawang araw na siya doon pero di manlang niya nasisilayan ang sino mang ka apatment niya na nasa kuwartong ito,apat palang sa taga doon ang na mimit niya puro nasa galaan pa lage. Hindi nalamang niya ito pinansin wala nanaman din kasi siyang nakita sa loob,so naisipan nalamang niyang pumasok sa kuwarto baka makita pa siya sa labas sakaling lumabas ang mag jowa sabi niya sa isip niya,napailing nalamang siya pag nahuli nang tenant yun baka lalo itong maghigpit sabi nang kanyang isip.3 araw,apat na araw,limang araw lagi niyang naririnig ang iyak na iyon,at nang ikaanim na araw niya dito nakahiga siya nang mga oras na iyon,bigla siyang dinalaw nang antok. Hirap siyang igalaw ang kanyang katawan,nakita niya na sa may paanan niya may babaeng nakatingin sa kanya,mahaba ang buhok nito natatakpan ang mga pisngi at mata lamang ang nakikita niya,alam niyang matalas ang pagkakatingin nito sa kanya,namumula ang mga mata nito na wari pa nga ay nagdudugo.Doon siya unang nakaramdam nang takot,namamanhid na ang buo niyang katawan,pinilit niyang igalaw ang kanyang mga daliri.hanggang sa naikilos naman niya ang mga ito. Binangungot siya,natakot siya sa itsura nang babae na nakita niya,sinoba ito?mukhang totoo ang sinasabi ni Orlando sa kanya pero bakit wala naman itong kinukuwento sa karanasan nito kung totoong may multo nga doon.Ikapitong araw niya bago magpasukan,nasa kuwarto siya nang mga oras na iyon ,inaayos niya ang kanyang mga gagamitin para sa pasukan nang muli niyang marinig ang ang iyak nang babae,sa ngayon may kasama pang malakas na kalabog mula sa kabila,nabigla siya,hindi na tama ito sabi nang kanyang isip,napakalupit naman nang nasa kabilang kuwarto para saktang ang kanyang nobya sabi nang isip niya.Kinatok niya ang kuwarto pero walang nagbubukas iyak lamang ang naririnig niya sinilip nanaman niya sa butas ang ganun naman puro pula parin ang nakikita niya pinihit niya ang pino pero sarado ito,sa ganoong eksena siya nadatnan ni Orlando. Pare wag mong buksan yan,sigaw nito sa kanya. Pare ilang araw ko nang naririnig na may umiiyak dito sabi nya sa lalake.Sino ba ang nakakuwarto dito pare tanong niya sa binata,puro pula naman ang nakikita ko sa tuwing sisilip ako sa butas Kinilabutan si orlando,pare lika sa kuwaro may sasabihin ako sayo. Sumunod siya sa ka room mate at nagsimula itong magkuwento. Tulad mo ganyan din kami nung una,nagtataka ako dati nung bago palang ako bakit lagi akong may naririnig na umiiyak,pero sa tuwing sisilipin ko puro pula lang din ang nakikita ko.Pare noon daw kasi open ang babae dito,taong 2009 may mag jowa na nag stay jan,gabi gabi daw may naririnig na nag aaway ,umiiyak ang babae,chickboy kasi si lalake,hanggang isang araw nakaringi sila nang kalabog mula sa loob.Nang buksan nila nakita nalang nilang nakabigti ang babae na pawang may tusok ang mga mata,at may nakita silang sulat ,nakasaad sa sulat na nakita niya mismo sa akto na maykasiping ang kanyang boyfren,kaya sa sobrang sakit nang naramdaman niya nagpakamatay siya bago nun tinusok niya ang kanyang mga sa di alam na dahilan.Kaya pare wag kang matatakot ha,sa tuwing sisilip ka sa butas ,sumisilip din siya,yung pulang nakikita mo ,mata yun nang babaeng andiyan sa loob,ibig sabihin malapit na malapit lang ang mga mata niyo sa isat isa,patuloy nito kaya nga bawal na ang babae dito dahil sa insidente na iyon,matagal nang wlang tao diyan sa kuwarto pinasara narin yan ni manang dahil walang nagtatagal.Kami tumagal lang kami dito kahit sa madalas na pag paparamdam nang multo dahil masyadong mahal ang bayad sa iba,sanayan nalang pare,sabi pa nito. Sa narinig ni Ernesto natakot siya nang sobra,imaginin mo sa tuwing sumisilip siya sa butas nagkakadikit pala ang mata nila nang multo,ang multong hindi matahimik dahil sa pagpapakamatay sa dahilang panloloko nang nobyo. [WAKAS]
Posted on: Wed, 16 Oct 2013 00:44:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015