Madali manghusga sa buhay ng iba lalo pa pag hindi mo dinadanas - TopicsExpress



          

Madali manghusga sa buhay ng iba lalo pa pag hindi mo dinadanas ang nararanasan nila. Sarap talaga pag may libre kang bahay, may puwede kang pag-iwanan ng mga anak mo na kaibigan o kamag-anak, at mas masarap pag ang asawa mo ang katuwang mo sa hirap at ginhawa. Pag ang nararanasan mo ay kabilaktaran ng mga nasa taas, iyon ang pinakamahirap sa lahat. Napakahirap magkaroon ng mabigat na problema sa ibang bansa lalo pa kung hindi ka pa citizen. Masakit din malaman na halos walang tumutulong sa iyo. Iyon bang kahit gusto mong tumakas ay iniisip mo na marami kang masasaktan. Mabuti pa ang sakit na cancer madaling unawain pero ang magkaroon ka ng sakit na hindi mo alam, ang magdurusa ng husto ay ang pamilya mo. Asawa kung mayroon ka ang higit na magdurusa. Ang pagiging irritable madalas, paninira, hindi marunong mag-appreciate, walang interes sa dating mga nakahiligang activities, pagbuhos ng oras sa trabaho, pagkukulong sa kuwarto, hirap makatulog etc. ay mga sintomas ng isang sakit. Sakit na pag hindi naagapan ay lalong lumalala kaya lalong nasisira ang relasyon sa pamilya. Sakit na puwede kang maospital, magkasakit sa puso, o maisipang magpatiwakal lalo pag hindi mo na kaya. Kaya lang may mga kamag-anak at ibang tao na imbes na makatulong, kinukunsinti pa ang mali at gumagatong kaya lalong lumalaki ang problema ng isang pamilya. Lord, bahala na po kayo sa mga taong ito. - Louvelle Chua
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 18:30:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015