(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng - TopicsExpress



          

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?) MGA TAUHAN : Tony ……………….. Binatang bilanggo Luis ……………….. Ang kanyang ama Erman ………………..) Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo Bok ………………. ) Padre Abena …………Isang pari ng bilibid Miss Reyes …………. Isang Nars Isang Tanod PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS : Umaga PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay … May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak… May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan… PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok . Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.) Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya. Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.) Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa…. Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. Doming: Hisi lang, Tsokaran. Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.) Doming: Kilala mo siya, Bok? Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis- Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo… Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ? Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? Ernan : Ako nga. Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo! Ernan: Salamat, Tony. Bok: (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok – alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makahulugan ang lahat.) Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha? Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House. Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa. Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony? Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy! Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay rumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na. Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan! Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino! Tony : Me relihiyon ka ba, Bok? Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa. Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan. Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway. Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko. Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! Tony: Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! Tony: (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako… Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba! Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong mandukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng – Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…” Tony: Mahilig din ho akong magsulat. Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis. Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman. Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo? Tony: Ayoko na siyang makita pa! Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…? Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… Ng aking pagkakaganito! Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak. Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo. Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang dipagkakaroon ng anak? Tony : Biyudo kayo? Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan. Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman? Ernan: K’warenta’y singko na. Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.) Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? … Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo. Tony : E bat naman kayo namultahan? Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay. Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e. Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin. Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan. Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan. Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na nagkakaanak ng alipin. Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril – Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality. Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun? Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.) Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.) Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital? Ernan: Hindi naman. Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata? Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? Tony: Ako nga ho. Ernan: Ang binigkas mong tula’y – Tony: Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon. Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito. Doming: Hanong pamagat? Ernan: Sinag Sa Karimlan. Tony: Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag! Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim! Tony: Sana’y mabasa ko ‘yon!… Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa pahiwatig ni BOK) Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). Tony: At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? Doming: Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga) Ernan: Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok. Bok: (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi? Doming: Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya! Tony: “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon? Ernan: Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay” Doming: Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan hang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda. Bok: A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm… Ernan: Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay! Bok: Asan ngayon ang imong misis Dom? Tony: Magsasama kayo uli? Paglabas mo? Doming: Indi na. Hisinusumpa ko! Bok: Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? Doming: Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor. Ernan: Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.) Tony: Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan? Ernan: Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit. Tony: Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gatimpala. May – Ernan: “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.” Tony: Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay. Doming: Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan. Tony: P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre. P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka! Bok: (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na . Tony: Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin. P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. Tony: Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase? P. Abena: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi. Tony: Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor. P. Abena: Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik. Tony: Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw silang anak. Ernan: (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony. P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y – Tony: Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? P. Abena: Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong Tatay! P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony: Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg! P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis .) Lahat: Adyos, Padre. Tony: ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali… Ernan: Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. Tony: Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n – Ernan: A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman) Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa. Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. Bok: Galalim man ang imonmg Tagalog! Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan) Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman) Ernan: P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.) Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo. Doming: Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.) Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! Tony: (Itataas ang kanang kamay) Sir! Tanod: Miron kang bisita, adding. Tony: Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir? Tanod: Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya. Doming: Kuwarentay singko. Tony: Papunta na ba rito, sir? Tanod: Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.) Tony: (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon. Ernan: Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony) Doming: Baka naman hisang kamaghanak. Bok: (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony? Tony: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko! Ernan: Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.) Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! … (Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.) Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam) Luis: Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Untiunti siyang lalapitan ng ama.) Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo… Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay ! Tony: Sayang lang ang inyong pagod! Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko… Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang – Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong – Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! … Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay … Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony! Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?… Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman ! Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain… Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay … Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida? Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y – Tony: Huli na ang lahat! Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole. Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy! Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya. Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli! Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo! Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak! Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay. Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y – Ernan: Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan. Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan. Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba … Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y – Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan) Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit – Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “ Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.) Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars! Madali kayo! … Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan! Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang magmamasid.) Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony? Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala! Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm… Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.) Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.) Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.) P. Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo… Tony: Siya nga po ang babaing handa kong … Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre. P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang - Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.) Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa ’yo? Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes. Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan. P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad…. (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurapkurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.) I am a Filipino, I am a Filipino - inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task- the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future. I sprung from a hardy race - child of many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries, the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope- hope in the free abundance of new land that was to be their home and their childrens forever. This is the land they sought and found. Every inch of shore that their eyes first set upon, every hill and mountain that beckoned to them with a green and purple invitation, every mile of rolling plain that their view encompassed, every river and lake that promise a plentiful living and the fruitfulness of commerce, is a hollowed spot to me. By the strength of their hearts and hands, by every right of law, human and divine, this land and all the appurtenances thereof - the black and fertile soil, the seas and lakes and rivers teeming with fish, the forests with their inexhaustible wealth in wild life and timber, the mountains with their bowels swollen with minerals - the whole of this rich and happy land has been, for centuries without number, the land of my fathers. This land I received in trust from them and in trust will pass it to my children, and so on until the world no more. I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes - seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the alien foe that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. That seed is immortal. It is the self-same seed that flowered in the heart of Jose Rizal that morning in Bagumbayan when a volley of shots put an end to all that was mortal of him and made his spirit deathless forever; the same that flowered in the hearts of Bonifacio in Balintawak, of Gergorio del Pilar at Tirad Pass, of Antonio Luna at Calumpit; that bloomed in flowers of frustration in the sad heart of Emilio Aguinaldo at Palanan, and yet burst fourth royally again in the proud heart of Manuel L. Quezon when he stood at last on the threshold of ancient Malacañang Palace, in the symbolic act of possession and racial vindication. The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insigne of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness. I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shape of the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits. For, I, too, am of the West, and the vigorous peoples of the West have destroyed forever the peace and quiet that once were ours. I can no longer live, being apart from those world now trembles to the roar of bomb and cannon shot. For no man and no nation is an island, but a part of the main, there is no longer any East and West - only individuals and nations making those momentous choices that are hinges upon which history resolves. At the vanguard of progress in this part of the world I stand - a forlorn figure in the eyes of some, but not one defeated and lost. For through the thick, interlacing branches of habit and custom above me I have seen the light of the sun, and I know that it is good. I have seen the light of justice and equality and freedom and my heart has been lifted by the vision of democracy, and I shall not rest until my land and my people shall have been blessed by these, beyond the power of any man or nation to subvert or destroy. I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when they first saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad pass, of the voices of my people when they sing: Land of the Morning,Child of the sun returning...Neer shall invadersTrample thy sacred shore. Out of the lush green of these seven thousand isles, out of the heartstrings of sixteen million people all vibrating to one song, I shall weave the mighty fabric of my pledge. Out of the songs of the farmers at sunrise when they go to labor in the fields; out of the sweat of the hard-bitten pioneers in Mal-ig and Koronadal; out of the silent endurance of stevedores at the piers and the ominous grumbling of peasants Pampanga; out of the first cries of babies newly born and the lullabies that mothers sing; out of the crashing of gears and the whine of turbines in the factories; out of the crunch of ploughs upturning the earth; out of the limitless patience of teachers in the classrooms and doctors in the clinics; out of the tramp of soldiers marching, I shall make the pattern of my pledge: I am a Filipino born of freedom and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance - for myself and my childrens children - forever. Carlos Romulo.
Posted on: Sat, 16 Nov 2013 09:59:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015