Mga Pinoy sa NY, NJ at Barcelona nagprotesta kontra - TopicsExpress



          

Mga Pinoy sa NY, NJ at Barcelona nagprotesta kontra ‘pork’ NEW YORK --- Pinangunahan ng mga Pilipinong nakabase sa New York at New Jersey ang malawakang kilos-protesta laban sa pork barrel scam kahapon. Nagtipun-tipon sa harap ng Philippine Embassy sa Manhattan ang grupo ng mga Pinoy upang ipakita ang kanilang saloobin laban sa mainit na issue na sanhi ng malawakang protest rally sa Pilipinas. Matapos ang panana­lita ng ilang leader ng protesta, nagpiket at umikot ang grupo sa harap ng embahada habang sumi­sigaw pabor sa pagtanggal ng pork barrel at pagparusa sa mga nakinabang sa napabalitang kurakot sa Pilipinas. Nagpakita ng suporta ang mga ibang lahi na nakapanood sa pagtitipon at kanilang binigyan ng “Thumbs up sign” ang mga nagprotesta kahapon ng hapon sa 5th Avenue. Isa lamang ito sa malawakang protesta laban sa korupsyon at pork barrel scam, nagsagawa rin ng rally sa Los Angeles ang mga Pilipino doon upang makiisa sa kanilang mga kababayan na nagmartsa at nagtipun-tipon naman sa Luneta sa Maynila. Tiniyak ng mga lider ng grupo na panimula lamang ang protestang ito dito sa siyudad at sila ay babalik muli hanggang hindi natutugunan ang kanilang hinaing at reklamo. Samantala, naging daan ang idinaos na Sunday mass sa Barcelona para ipanawagan ng mga Filipino ang abolisyon ng pork barrel at labanan ang malawakang korapsyon sa Pilipinas. Daan-daang mga Pinoy sa Barcelona na nakasuot ng puting t-shirt at may black ribbon ang nagsama-sama sa Parroquia de Immaculada Concepcion y San Lorenzo Ruiz o mas kilala sa tawag na Iglesia de San Agustin para ipakita ang pagkakaisa sa suporta sa malawakang protesta sa “Million People March in Luneta” kahapon. abante.ph/issue/aug2713/abroad01.htm#.Uh0eSb7nY5s
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 21:47:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015