Mga dukha! Pakibasa ang sulat ni Yolanda para sa atin. Sasampalin - TopicsExpress



          

Mga dukha! Pakibasa ang sulat ni Yolanda para sa atin. Sasampalin ko ng goldbar ang hindi bumasa nito! Dear Pilipinas, Ako si YOLANDA, oo ako ang bagyong pumatay sa libo libo ninyong kababayan. Pasensiya na. Marami ang nagalit sa akin dahil sa naidulot kong lakas ng hangin at pagtaas ng tubig sa kalupaan. Maliban sa buhay ng mga tao, hindi ko pinalampas ang kanilang pag-aari at buhay ng mga tao. Ako rin ang magiging dahilan ng paglamig ng inyong pasko at bagong taon. Lamig na hindi lamang dulot ng hangin kundi pati ng alaalang hindi naisamang inanod pabalik sa dagat. Ako si YOLANDA at pinili ko ang Pilipinas hindi dahil sa kayo ay malakas. Lalong hindi rin ako binayaran ng mga politikong magnanakaw para malihis ang atensiyon sa kanila.Hindi totoong ngbayad sila sa Weather Manipulation Center at nagbayad ng milyong dolyar para manalasa ako sa inyong bansa.Pinili ko kayo sa isang dahilan. Dahilan na tiyak ay hindi pa ninyo maunawaan sa ngayon. Gusto kong ipakita sa inyo ang kahalagahan ng pera. Alam niyo ba, sa isang iglap ay nawawala ang halaga ng pera? Oo,walang halaga ang pera.Ang pera ay papel o barya lang na pweding mapunit, masunog, at mabasa. Abalang-abala ang karamihan sa paghahanap buhay at ang ilan, sa pagnanakaw at panloloko ng kapwa. Hindi ka bubusugin at tatanggalan ng uhaw ng pera mo. Hindi ka isasalba at ililigtas ng pera mo. Ang magliligtas sayo ay ang pakikipagkapwa mo pagiging handa mo at pagiging masunurin mo. Kung sumunod kayo sa sinabi ng baranggay tanod niyo na lumikas na, bahay niyo lang sana ang kinuha ko at hindi kasama ang buong pamilya mo. Kung naging handa ka, nanood ng balita at hindi ang inaabangan mong teleserye ay nakapag-imbak ka siguro ng maraming pagkain at tubig na maiinom. Kung mabait ka sa kapwa mo, kahit nanood ka ng teleserye ay sasabihan ka nila at kakatukin sa pagtulog para lang mailikas ka. Ako si YOLANDA at ang paborito kong laro ay BLAME GAME. Si P-NOY ang my kasalan dahil wala siyang ginawa! Si BINAY ang my kasalanan sa pagka-delay ng relief goods dahil nagpagawa pa ng plastic na may pangalan niya! Si MAR ROXAS ang my kasalanan dahil ambagal niyang kumilos! Si KORINA niloko kayo sa imbento niyang kuwento! Si ANDERSON COOPER gawa-gawa ng kwento! Si HENARES ang dahilan kung bakit na-delay ang tulong ng International Community! Si NAPOLES ang may kasalanan dahil ang lahat ay abala sa panonood ng trial niya at hindi tuloy nakapaghanda ang iba! Ito talaga ang paborito kong laro. Ang sarap makita ang karamihan sa inyo na nagbabatuhan ng masasakit at mababahong pananalita. Hindi niyo alam ngayon kung sino ang papanigan dahil ang bawat panig ay mukhang totoo ang sinasabi. Ang pangulo niyo ay napakamot ng puyo niya sa ulo tuwing ginigisa.Hindi niya alam kung paano itatawid ang mga relief goods papunta sa mga nangangailangan. Kulang ang sasakyang pandagat panghimpapawid, at panglupa. Pinilay ko kayo sa isang iglap upang ipamukha ang ginawa ng mga politikong nanalo sa daya at ang mga taong binebenta ang kanilang boto. Alalahanin niyo ako at isulat sa libro ng History. Dahil sa akin, marami ang tulong na dumagsa galing sa ibang bansa. Dahil sa akin, nakita niyo kung gaano kahanda tumulong ang mga bansang inyong nakalaitan at nakatampuhan. Tuta ng kano? Magpasalamat kayo sa barko at eroplano nila. Bansa ng mga sakang? Magpasalamat kayo sa medical na tulong nila. Mga Tsekwang hilaw? magpasalamat kayo sa daang libong dolyar na inabot nila. Mga mababahong arabo? Magpasalamat kayo sa UAE at Saudi na hindi nagdalawang isip sa pagtulong. Marami kayong dapat ipagpasalamat lalo na kung hindi ko kayo inabot at ligtas ang inyong pamilya at kamag-anak. Ako ang magiging tagasuri Ako ang magpapalitaw kung sino ang mga taong may malinis, bukas at malaki ang puso at kamay. Kayo ang humusga kung kapaimbabawan ang donation ni Kris Aquino, Angel Locsin, at NBA community. Kayo ang humusga kung pakitang tao lang ang tulong ng VATICAN, IGLESIA NI CRISTO, MUSLIM, UNICEF, at RED CROSS. Kayo na ang humusga kung pasikat lang sina SHOICHI KONDOH na bata na taga-Japan GINGGAY PAJAROS, at TRIPLE-S sa Bambang, si BENJIE ng batang Mang Inasal sa Butuan City at si ATOM ARAULLO na hinampas at sinampal sa kasagsagan ng aking pagdaan. Ako si YOLANDA at dahil sa akin, magkaisa kayo. Ang kulay ng balat, ang liit ng mata at ang tangos ng ilong ay hindi na ninyo mapapansin. Makikita niyo na kawawa ang inyong bansa dahil hindi pa ninyo kaya kung kayo lang mag-isa. Maawa kayo sa sarili niyo at magsikap kayo. Mataas ang pride ng mga PINOY. Ang ilan, hindi matanggap ang mamalimos. May utang na loob na ang mga PINOY. Dekada o siglo mula ngayon, hindi niyo malilimot kung paano kayo tinulungan ng US, BRITAIN, AUSTRALIA, UNWFP, UNICEF, JAPAN, CANADA, CHINA, TAIWAN, ASEAN, BELGIUM, DENMARK, EUROPEAN UNION, GERMANY, HUNGARY, INDONESIA, ISRAEL, ITALY, MALAYSIA, THE NETHERLANDS, NEW ZEALAND, NORWAY, RUSSIA, SAUDI ARABIA, SINGAPORE, SPAIN,SOUTH KOREA, SWEDEN, SWITZERLAND, TAIWAN, TURKEY, UAE, UK, REDCROSS, WORLD VISSION, MERCY CORPS, DOCTORS without BORDERS, VATICAN, IRELAND, VIETNAM at mga NBA players. Alam ko makabangon kayo sa inyo nakadepende ang bilis ng inyong pagtayo. Sa inyong mga mapanuring mga mata at boses na nagkakaisa, sa konsensiya ng mga politiko at businessman, sa pagtulong ng International Community at higit sa lahat, sa inyong pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, sa paligid, sa kalayaan, sa hustisya, at sa inyong PERLAS NG SILANGANAN! Pasensiya na sa inyong lahat, YOLANDA cr. to owner
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 05:41:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015