Misis at kalaguyo, kapwa sinaksak ni mister nang maaktuhan sa - TopicsExpress



          

Misis at kalaguyo, kapwa sinaksak ni mister nang maaktuhan sa kwarto Written by Leizl Galan Published in More News Saturday, 03 August 2013 BACOLOD CITY - Naaktuhan mismo ng mister ang pagtataksil ng asawa sa sarili nitong bahay. Ang hindi pinangalanang mister ay 33-anyos, residente ng Buenavista Subdivision, Barangay Guinhalaran, lungsod ng Silay, Negros Occidental, at nagbebenta ng prutas. Sinabi ni mister, nag-videoke pa ang kalaguyo ng kaniyang asawa sa kanilang bahay at ipinakilala pa ito ng biyenan na siyang totoong asawa ng kaniyang kabiyak dahilan upang hindi ito umuwi noong gabi dahil sa sama ng loob. Pag-uwi nito ng madaling araw, naabutan nito ang misis na nakayakap sa kalaguyo nito sa loob mismo ng kanilang silid kung saan umiiyak ang walong taong gulang nilang anak na babae. Dito na umano nagdilim ang paningin ng suspek kaya biglang kumuha ng patalim at sinaksak ang dalawa bago tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na pader na siya namang dahilan ng pagkapilay nito. Labis naman ang sama ng loob nito dahil siya pa umano ang pinagtaksilan, siya pa ang kinasuhan ng attempted parricide. - See more at: bomboradyo/news/more-news/item/15632-misis-at-kalaguyo-kapwa-sinaksak-ni-mister-nang-maaktuhan-sa-kwarto#sthash.nOBfkvJ0.dpuf
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 06:15:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015