Misis binaril si mister sa harap ng mga anak dahil sa sobrang - TopicsExpress



          

Misis binaril si mister sa harap ng mga anak dahil sa sobrang selos Written by Bombo Cebu Published in Latest News Tuesday, 18 June 2013 13:21 CEBU CITY – Isasailalim sa stress debriefing ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-7) ang mga anak ng isang ginang na bumaril-patay sa kanyang mister dahil sa selos sa sitio Cambiohan, Barangay Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu. Ang biktima ay nakilalang si Samuel Sollano, 47, habang ang suspek naman ay si Aida Sollano, 41. Ayon kay SPO1 Allan Pantaleon ng homicide section, nagseselos ang asawa sa kanyang mister dahil sa palagi itong gabi na kung umuwi sa kanilang bahay. Sinasabing nalaman din ng ginang na may maraming simpack ang kanyang asawa na siyang ginagamit umano nito sa pambababae. Nang umuwi ang mister ay mistulang nag-aapoy sa galit ang kanyang misis hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Dito na kinuha ng suspek ang kanilang baril at pinaputukan sa leeg ang mister sa harap mismo ng kanilang mga anak. Napag-alaman na may siyam na anak ang mag-asawa at dalawang buwan ding buntis ang nakakulong ngayon na misis.
Posted on: Tue, 18 Jun 2013 05:35:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015